My mouth parted. "Don't tell me..."
"Kung iniisip mo na bahay natin 'to... Hindi." Nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang. "Pero apartment natin 'to para dito tayo magstastay habang nag-aaral pa."
"WHAT?!"
**
Two rooms.
Buti nalang. Nakahinga ako ng maluwag.
"Which room are you taking?" Tanong bigla sakin ni Jasper. "Bakit hindi nalang --"
"Itong sa right." Hindi ko na siya pinatapos. "Goodnight."
Pumasok nako at sinara ang pinto. Nagkamali nako dati, hindi na uli mangyayari yun.
"Ay jusko po!" Napatingin ako sa kamay ko. Nagvibrate lang, Nikki, ano ka ba. Chineck ko na agad phone ko.
From: Nicolet
Told you I got you. :) Goodnight baby. Sleepwell.
Napangiti ako. He saved my ass again. Inayos ko na ang sarili ko at chineck ang cabinet ko. May dalawang maleta dun. Yung una, puro pang alis. Dress, blouses, pants, skirts, etc. Yung isa... What the hell. Ano 'to?! Wala bang pajama dito?! Puro lingerie, boxer shorts, shirt at sando. I'm sure hindi alam ni Nicholo 'to. Sino nagpack nito?
Hinugot ko ang isang boxers at oversized shirt. Okay na 'to. Comfortable naman.
**
From: Mommy
Be a good wife, okay? Cook.
Sarap naman ng bungad ni mommy. Napasimangot ako at bumangon na. Tinali ko ang buhok ko at nagtoothbrush. Lumabas nako ng kwarto at chineck kwarto ni Jasper. Tulog pa siya. Bumaba nako at chineck ang ref. PUNO! Happy life. Baka happy married life, Nikki? Ugh. Asa.
Kumuha ako ng hotdog, egg at longganisa. Okay na siguro 'to? Nagsaing narin ako at naginit ng tinapay. Niluto ko na lahat. Simple lang naman eh.
I'm sure my husband will be happy. Insert rolling of eyes here.
**
[Carl Jasper's point of view]
"Hello?"
[Tangina Jas, ano na?!] Biglang nagising diwa ko. Lakas ng boses ni Lance.
"Ano kailangan mo?" Napakamot ako sa batok ko. Inaantok pako, walangya naman.
[Tulog pa ba wifey mo? Pinagod mo, pre?!] Bumangon nako at napa-iling. Wala na ba ibang pumapasok sa utak nito?
"May sarili siyang kwarto, pre." Bumuntong hininga ako. "Gawa ata ng kambal niya."
[Aaaaaaaw, wawa si Jas.] Binabaan ko na siya. Mang-aasar lang. Gising na kaya si Nikita?
Bumangon nako at bumaba. Nagulat ako ng makita siyang nagpriprito.
Putangina. Inaakit bako nito?!
Kitang kita ko ang mahahaba at maputing legs niya. Nakatali pa ang buhok niya kaya kitang kita ang batok niya. She's cooking. Nakita ko nanaman ang pagiging wife material niya. Just like before. Naramdaman kong nag-init ng pakiramdam ko.
Fuck, Carl Jasper, get a grip of yourself.
**
[Nikita's point of view]
"Anak ng hotdog!" Nagulat ako ng napalingon ako at nakatayo dun sa may entrance ng kitchen si Jasper. "Nang gugulat ka ba?"
He sighed and eyed me intently. His eyes were dark and I don't even know why... Tiningnan ko siya mabuti. He's wearing a white shirt and boxers. Napalunok ako. Sht, umayos ka, Nikita. It's nothing you have never seen before. Mas lalo akong napalunok. Sabing umayos ka Nikita. Tae, tama bang makipagaway sa sarili?
Bigla siyang umiling at umalis.
"Hoy! Hindi ka ba kakain?!" Sigaw ko dito.
"Mamaya nalang!" Sigaw niya pabalik.
What the hell. Nagluto pako kung ako lang din pala kakain nito. What a nice day.
**
Nakapagbihis nako ng uniform at kinuha na bag ko.
Okay, Nikita, this is just a normal day. You're still Nikita Fajardo. Isipin mo nalang na nasa bagong dorm ka lang at may housemate kang lalaki. Yeah, that would do.
Bumaba nako at derederetso lumabas ng bahay. Nagulat ko ng nakatayo dun si Jasper. Naka uniform nadin.
"Tara na?" Tanong nito. Tiningnan ko siya ng nagtatanong. "Bakit?"
"Magsasabay tayo?" Tanong ko. Ngumiti ito at tumango. Nainis ako bigla. "Look, Jasper, don't even think once that it was my choice to marry you." Nagulat siya sa sinabi ko but I still decided to continue it anyway. "As you know, wala tayong choice. That's why I asked for a private wedding."
"And you're saying that..?"
Napabuntong hininga ako. I don't want to say this but I have to. "Gawin nalang natin na parang dati. Yung hindi tayo naguusap sa school, hindi tayo papasok ng magkasabay, hindi tayo nakikitang magkasama, yung wala kang pakielam sa gagawin ko, nagkakasama lang tayo sa dorm mo, but now sa bahay na 'to. Yung ganun. Just like before." I cracked a fake smile.
"Just like before?"
Napa-iling ako. "Yeah, minus the loving you part. I got over that."
I saw a hint of pain on his face but I shrugged it off. Kung dati nga nakakakita ako ng pagmamahal sa mukha niya pero wala pala talaga eh. Ngayon pa ba ako maniniwala sa mga nakikita ko sa mukha niya? Never again.
Lumakad nako palabas ng gate at nagulat ako ng tumakbo siya palapit sakin.
"But Nikki --"
"Pinagbigyan kita dati, diba? Hindi ako nagreklamo. Ngayon, ako naman pagbigyan mo."
Iniwan ko na siya at nagmadaling naglakad.
Nararamdaman niya kaya yung naramdaman ko 3 years ago?
_________________________
// comment and vote?
Thank you pala kay kristinwatashiro ♥️
Hi! Ikaw kasi laging nagcocomment and votes sa mga chapters ko. Thank you ha? Kahit mag-isa ka lang sobrang na-aappreciate ko! Thank you so much! :*
- Francielle
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
