"Okay ka lang ba?" Napatalon ako sa gulat. Napatingin narin ako sa tabi ko. Okay lang ba ako? Ako ba tinatanong ni Jasper. Napatingin ako sa driver. Eh? Mukhang ako nga.
"H-Ha? O-Oo naman." Napaiwas agad ako ng tingin. I heard him chuckle.
UGH! Yang kasi si Clarise! Malilintikan talaga sakin yang babae na yan.
*flashback*
"Musta ang honeymoon?" Napatalon ako sa tanong niya. Wtf. HONEYMOON AGAD?!
Ugh. "Cla."
Napatingin ako sa nagsalita. It was Nicholo and it was a warning tone. Natawa naman yung iba sa paligid namin.
Kinuha ko yung kamay ni Cla at tumawa ng pilit. "Ito talagang babae na 'to oh."
Hinila ko na siya paalis dun at dinala sa CR. Pinalo ko agad braso niya.
"Aray ko naman, Nikki!" Sinamaan ko siya ng tingin ng makita ko na natatawa pa siya. Sasapakin ko 'to eh! "Oh, chill!"
"Alam mo, Cla, malilintikan ka sakin! Ang awkward mo!"
Tumawa siya ng malakas. Ano bang nakakatawa?! Ugh. Ang sarap bigwasan ng babaeng 'to. Kung hindi ko lang siya bestfriend at kung hindi ko lang alam na masakit ako bumigwas eh!
"Awkward?! Normal naman yun sa magasawa eh. Chill Nikita!" She chuckled and faced the mirror. At nagawa pa niyang mag retouch ha! Nakita niyang nakatingin ako ng masama sa salamin. "Alam ko naman kasing hindi niyo pa nagagawa yun."
"Alam mo din naman kasi na hindi kami normal na magasawa!"
Ngumiti siya na nakakaloko. "At bakit? Kasi arranged kayo? O come on, Nikita, alam nating hindi yan ang batayan sa marriage."
Napatingin ako sakanya. Ha? Hindi ko gets kung ano pinaparating niya. Bigla siyang ngumisi. Kinabahan naman ako, pero magtatanong parin ako syempre. Curiosity kills the cat.... Even though there's no cat here.
"Edi ano?" Mas ngumiti si Cla ng nagtanong ako. Is my bestfriend evil too? Nahawa na ba siya kay Nicholo?
Kumuha siya ng lipstick at nilagyan ako sa bibig. Taena ang weird nito ni Cla. "Love, Nikki."
Nanlaki mata ko. "W-What?"
"Love ang batayan sa marriage, hindi ba? Now tell me... Wala ba kayo nun?"
Napaiwas ako ng tingin at mas lalo siyang tumawa. Kahit kailan talaga 'to si Cla. Alam na alam talaga niya tumatakbo sa isip ko.
Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin. "Bakit mo ba pinipilit yang honeymoon na yan, Cla? Binubugaw mo ba ako?"
Tumawa siya ng malakas at pinalo pa ako sa braso. What the.
"First, hindi kita binubugaw, Nikki. Asawa mo na yun. Panong bugaw? Baliw." Tinaas pa niya daliri niya at nagpakita ng dalawa. "Pangalawa, it's normal for married couples to have a honeymoon. Pangatlo, hindi kita pinipilit. It was just a mere suggestion. And lastly, that's not even my point. It's just like a bridge to my point."
Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ba nahithit nito? Isang Nicholo Fajardo? She's becoming witty and evil more and more each day she's with him. Parang gusto ko sipain si Nicholo ngayon. "Bakit hindi mo nalang ako deretsohin, Clarise?"
"Woah. No need to call me on my full first name." Nirolyo ko nalang mata ko. And she's being playful at the same freaking time. "My point is, admit it."
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
