Bumaba ako ng mejo lutang. Hindi ko maintindihan ano gusto iparating ni Cj pero kinabahan ako. Natatakot ako na ewan.
"There you are, Nikki!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si tita sa harap ko. Ngiting ngiti pa siya. Napansin niya ata pagkabilisa ko kaya... "What's wrong?"
Pinilit kong ngumiti. "Wala po, mommy."
"Goodie." Sabi niya at hinawakan braso ko. "Do something for me, dear?"
"Ano po yun? Anything." Pumalakpak pa siya as if ineexpect niyang ayun sasabihin ko.
"I want you to model something for me." Nanlaki bigla mata ko.
"M-Model po?"
"Yes! It wouldn't be a problem, diba? Nagpageant ka daw dati."
Pero matagal na yun! Bigla naman ako kinabahan. "I'm not a model material, mommy. Believe me!"
"Pero wala nakong iba na pwede ipagmodel!" Tinakpan pa niya yung mukha niya na para bang stressed na stressed na siya at maiiyak na. Mejo nilapitan ko siya. Patay na. Inaatake na ako ni Ms. Konsensya.
I sighed. "Sige na po, pe-------"
"Yay!" Bigla siyang tumalon at niyakap ako. "I knew I could count on you! Osha, let's go."
Hindi man lang niya ako pinatapos magsalita.
Pinapasok na niya ako sa isang room tas nakita kong may dalawang.... Bakla dun. Nakangiti sila pareho sakin at marami nang make up and kung ano pang pang ayos sa paligid. Bakit parang sure na sure si tita na hindi ako tatanggi?
"Siya na po ba, madam?" Sabi ng isang bakla. Nakita kong tumango naman si tita. Tiningnan niya ako mula ulo hangga't paa. Umiwas ako ng tingin. Naiilang ako eh. "Aaaw, kay ganda naman ng dalagang ito."
"Trulalooo." Pagsang ayon ng isa pang bakla. Mejo napa nganga ako. Sinabihan nila ako ng maganda? I mean, alam ko naman yun pero.. Hahahaha! Chos. Gusto ko tumawa sa sarili kong iniisip.
Umupo nalang ako sa upuan. "Make her the prettiest tonight, alright?"
Tumango naman sila parehas kay tita. Ano ba 'tong pinasok ko? Nakakaloka.
**
"OH MY GOSH OH MY GOSH OH MY GOSH!!" Sigaw ni tita. Nagtawanan naman yung mga bakla sa tabi ko. "YOU'RE SO PRETTY!!"
Ngumiti ako ng awkward. Nahihiya ako. Letche. "Thank you po."
"I can't believe I have a daughter-in-law as pretty as you." Bigla niya akong niyakap. "Jasper's so lucky."
Napangiti naman ako. Is he really? Napasilip ako sa salamin. Ang galing nga nila mag make up. And this dress. Tube siya na dress na hanggang tuhod ko lang. This dress looks so simple yet elegant. Puro din siya gems para mas magmukhang maganda. Nakakulot din yung buhok ko sa dulo nito. Infairness, nagmumukha na nga akong model. Ang ganda ko talaga. *O*
"Anyway, nanjan na yung driver sa labas. He'll take you to the venue." Napakurap ako.
"Ako lang po? Wala po akong kasama?" Kinabahan naman ako. Modelling is really not my thing. Mas kinakabahan ako na wala akong kasama dun. "Alam po ba ni Jasper?"
"I'll be the one to tell him!" Bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila palabas ng bahay nila. Jusmiyo, tita naman. May nakita akong itim na kotse sa labas ng bahay nila at binuksan ni tita yung pintuan sa likod. Tiningnan niya yung driver bago isara yung pinto. "You know na ha!"
Sinarado niya bigla yung pinto. Napa nga nga nalang ako. Tumalon talon pa siya at pumalakpak. Excited na excited siya. Buti pa siya excited. Bakit ako pa kasiiii.
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...