Kanina pa ako naiirita sa mga bulong bulungan. Pinaguusapan sa buong college namin yung nangyari kagabi. Hindi ko naman kasi alam na dakilang tambayan ng college namin yung bar na yun! At ako naman si tanga na-carried away.
"Kasal na pala sila ni Jasper nuh?" Narinig ko yun pero pinili nalang na hindi lingunin yung mga chismosa sa likod ko. Si Clarise, tulog. Masyado kasi maraming na-inom kagabi kaya ayan, may beautiful hangover ang loka.
"Oo nga eh. Parang hindi ko naman sila nakitang magkasama dati? Tas mag boyfriend-girlfriend pala sila." Aba hindi. Hindi kami dumaan dun. Mag-asawa agad kami. Napa-irap uli ako sa kawalan. Nakakairita mga chismosa dito. I sighed. But I'm still listening. Am I crazy?
"Baka buntis si Nikita?!" Napatayo ako bigla sa sinabi niya. I eyed them intently. Nakita kong lumaki mata nila. "Nikita! Nandyan ka pala."
Tinaasan ko sila ng kilay. Bigla silang tumayo at kinuha ang bag. "Sorry, sorry." Sabay nilang sinabi at umalis na.
"Nikki, chill." Mahinahon na sinabi ni Alex. Umupo uli ako at umiling.
"This is insane!" Binagsak ko yung ulo ko sa table at tinakpan tenga ko. "Ang dami kong naririnig na storya. Halos lahat naman mali. Why didn't they just become a writer if they are so fond of making up stories?!"
Tumawa si Steven at tinap yung likod ko. Tumingin naman ako sakanya. Nginitian niya lang ako ng malapad. The all smiles Steven.
**
"Possessive na selosa pa." Napalingon ako kay Jasper. Nanunuod nanaman siya ng tv. Bakit ba ang aga umuwi nito? Wala ba 'tong buhay sa labas ng school at bahay? Inirapan ko nalang siya. "I didn't know you were like that, Nikita."
"Whatever, shut up." Tumawa lang siya sa pagtataray ko. Papatayin ko 'tong lalaking 'to eh. Naglakad akong papuntang kitchen. Magluluto nalang ako.
"Anong lulutuin mo?" Sinundan pa talaga ako dito ah. Pinili kong hindi sumagot. Naramdaman kong lumapit siya. "Just like before, Nikita?" Umikot ako at tinulak siya palayo. Tiningnan ko siya ng masama.
"No, Jasper." Lumayo ako sakanya at binuksan ang ref. "We're not close. So don't talk to me."
"We're not?" Tumawa siya. "Kagabi lang pinagsigawan mo na mag-asawa tayo."
"We are." Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nilapitan ko siya. Mas nanlaki mata niya. "Sa papel."
Halatang nagalit siya sa sinabi ko but I don't even give a damn. Lumapit uli ako sa niluluto ko ng bigla niya patayin ang kalan at hilahin ako. "Ano ba!" Pagpiglas ko pero hindi niya ako binitawan. Bigla niya akong binuhat at ipina-upo sa table. Nanlaki mata ako. What is he doing?! Nakaramdam ako ng panic.
Nilagay niya yung isang kamay niya sa likod ng leeg ko at hinapit ako. He suddenly kissed me. Hard. Napangiwi ako sa impact and I tried to push him pero hindi siya natinag. He still held me tight kahit anong gawin ko.... I suddenly stopped fighting. Like I said, two can play this game. I kissed him back. Giving him the same intensity. Natuwa ata siya at mas diniin ang sarili niya sakin. He smiled between our hot kiss. "Sa papel lang?"
Nagulat ako sa tanong niya but he didn't stop kissing me and vice versa. I suddenly felt his hand on my chest. "Bat di natin gawin sa kama rin?"
A sudden gush of memories flashed before my eyes. Tinulak ko siya agad and slapped him hard. I caught him off guard. Gulat na gulat siya sa ginawa ko.
"Fuck you, Jasper." Tinulak ko siya at bumaba sa table. "It's never gonna happen again."
Tumakbo ako paakyat at pumasok ng kwarto. Sinubsob ko sarili ko sa kama at nag ala-fetus. The pain came back. Napahagulgol nalang ako bigla. Parang ipinamukha niya sakin yung ginawa niya 3 years ago. Ang sakit sakit. Ang sakit sakit parin. Mas lalo akong humagulgol. Hindi ko alam pinasok ko. I thought the pain was gone... But it really didn't go away.
Hinanap ko ang cellphone ko at nagdial.
[Hello, Nikita!] Halata sa boses niya na masaya siya. As always.
I sobbed. "S-Steven."
[Nikki, what's wrong?]
"The pain. It's back. Masakit parin, Steven. And I don't know what to do." I tried stopping myself from sobbing pero hindi ko kinaya.
"Nikita, the pain never really goes away. We just elevate and get use to it by growing stronger." I can imagine him smiling. "Parang sugat yan, Nikki, kung gano kalakas ang impact, ganun kalalim... Ganun kasakit, lalo na sa una, pero pag gumaling.. Feeling natin hindi na masakit... Pero andun parin yung peklat diba? It never goes away and everytime we see it, we remember the pain and somehow feel it. But scars shows how strong we are, Nikki. It's not important how we got them, what matters is, why we have them. They signify the things we have been through and that we were strong enough to make it."
Napangiwi ako. Halos wala akong maintindihan pero it felt like it made sense.
The pain never really goes away.
**
[Jasper's point of view]
Nakatitig lang ako sa pintuan ni Nikki. Should I enter? Baka mas magalit siya. But damn I don't know why she is mad. If it's because of the kiss, I'm not saying sorry because I'm not.
Binuksan ko ang pinto niya at nakita siyang nakahiga sa kama. Lumapit ako at na realize na tulog na siya. Damn. Pano kami maguusap? Napangiwi ako ng nakita kong may tuyong luha sa pisngi niya. She cried.
"Ah shit." Pabulong kong sabi. Narealize ko kung bakit siya nagalit. Tangina, Jasper, bakit mo sinabi yun.

BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...