"Ka-stress!! Nako talaga!" Reklamo ni Cla. Binagsak pa niya yung mga libro niya sa mesa namin dito sa lobby. Napatingin ako sa paligid at nakita kong ang daming napatingin samin. Pero wala akong pakielam sakanila. Hahahaha.
Nginitian lang siya ni Steven at tinapik sa braso. "Magdate nalang kayo ni Nicholo."
Napangisi ako sa pangalan ng kambal ko. "Haynako, mas mastrestress ako dun."
Tumawa lang kami sa mga reklamo ni Cla ng napatingin ako kay Alex. "Al? May problema ba?"
Tumingin siya sakin na para bang nagulat. "H-Ha? Wala naman ah!"
Naka kunot na noo siya tiningnan ni Cla. "Ano yan, ha? Bawal magtago ng sekreto dito."
"May problema ba, bro?" Nakangiting tanong ni Steven. "Andito lang kami."
Umiling si Alex at bumuntong hininga. "Sana mapabilis na pag graduate natin, guys."
"Ha! Bakit ka naman nagmamadali?" Sabi ni Cla. "Gusto mo na ba makalayo samin?"
"Hindi yun." Iling ni Alex. "Kailangan ko na kasi magtrabaho."
"May financial problema ba kayo, Al?" Tanong ko agad.
"Wala naman..." Pagiwas niya ng tingin. "Pero kailangan ko na maging responsable."
Magtatanong pa sana uli ako ng nilapitan ako ni Lance. "Hi, Mrs. Elizalde."
Ngumisi pa siya at kumaway din kela Cla, Al at Steven.
"Hi, Lance." Simple kong bati sakanya. "Hindi ko alam nasan si Jasper eh."
Inunahan ko na siya. Mostly kasi yun lang kailangan niya sakin. Tumawa siya ng malakas.
"I know. May pinapasabi lang siya." Aniya.
"Ano yun?" Sumilip pa ako sa phone ko. Wala kasi siyang text. Bakit si Lance pa dapat magsabi, eh pwede naman itext?
"Uhm..." Umiwas siya ng tingin. "Ako na daw maghahatid sayo. Kailangan niya umuwi sakanila eh."
"Ha? Sure ka? Bat daw di niya ako sinama?"
Umiling iling siya ng hindi nakatingin sakin. "Hindi ko alam, Nikki. Wala talaga akong alam."
Napakunot noo ko sa weird niyang sagot. Para siyang guilty na ewan. "Ngayon na ba?"
"Oo." Aniya at kinuha bag ko. "Tara na."
**
"Bilin ni Jasper, wag ka na daw lalabas. Hintayin mo daw siya."
"Ano ka? Yaya?" Tanong ko kay Lance. Tumawa lang siya. "Umuwi ka na nga, baka gabihin ka."
"Opo, madam. Byebye!" Kumaway na ako hanggang sa hindi ko na nakita yung kotse niya.
San naman kaya nagpunta yun si Jasper? Hindi man lang nagtext sakin o nagreply sa text ko. Sa bahay daw nila? Eh bat di niya ako sinama? Hmp.
Papasok na sana ako ng nakatanggap ako ng text.
From: Cj Elizalde
Goodevening, Niks. PinapapuntakaniJasditosabahay. Bilisanmo, ha? Ingat. ;)
Napa ngiwi ako. Pero since sinabi daw ni Jasper, susunod nalang ako. Magkapatid naman sila eh.. Hindi ko parin alam kung bakit hindi ko napansin yun dati pa. Ganun ba ako ka-sabog? Tumawag na ako ng taxi at nagpahatid sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
ComédieNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
