Chapter 38

10.2K 162 19
                                    

"Sungit." Komento ng sales lady. Inirapan ko nalang siya. Kasalanan ko bang wala siya nang hinihingi ko? Siya pa may karapatan tawagin akong masungit.

Tumawa si Clarise at sumunod sakin palabas ng boutique na to. "Why are suddenly looking for a blue dress?"

"Wala lang. Feel ko lang." Tumawa siya sa sagot ko.

Napatingin ako sa isang korean restaurant. I suddenly want ramen. "Marunong ka ba gumawa ng ramen?"

"Yeah, why?" Confident na sagot ni Cla. "Pero yung instant lang."

Tumawa siya ng tumawa. Ligalig tss

"Text Nic and tell him to buy that. Parang gusto ko ng ramen." Sabi ko kasi feeling ko maglalaway na ako sa ramen. "Tara, uwi na tayo."

Nakarating kami sa bahay na nandun na si Nic.

"What is this for? Pinapunta niyo pakong 711 para dito." Sabi niya at abot ng plastic samin na may lamang instant ramen.

"Ang dami mong reklamo, Nicholo." Inis kong sabi at hinila yung plastic sakanya. Dinala ko agad yung plastic sa kusina at pinaluto kay manang.

Pagbalik ko pareho na sila naka upo sa dining table kaya sumali nako.

"Ang sungit mo, ha." Komento ni Nic.

Tumango naman si Cla. "Akala ko ako lang ganun kay Nic."

Tumingin ako sakanilang dalawa. "What's the big deal?"

"Ang sungit mo kasi." Sabay nilang sabi. Napa iling ako. Bawal ba ako magsungit?

"Well, ganyan ka lang naman pag magkakaroon ka na." Sabi ni Cla bigla. "Come to think of it, para ka nanaman maglilihi so ibig sabihin malapit ka na magkaroon."

Yeah. That's the weird thing about me. Para akong buntis pag magkakaroon nako. Magkakaroon na nga ba ako? Kelan ba ako last nagkaron?

"Kelan ako last nagkaron?" I suddenly asked them as if they know.

"Diba halos sabay tayo?" Sabi ni Cla at nagbilang. "Hala, eh kakatapos ko lang last week."

Para namang bigla na OP si Nic kaya napa iling siya. Inirapan ko siya na para bang sinasabi na wala siya magagawa.

Napa isip ako.

And suddenly, I realized something. At sabay nun ang paglabas ni manang galing kitchen. Bumaliktad sikmura ko sa amoy ng Ramen kaya tumakbo agad ako sa sink.

Tumakbo agad papunta sakin si Nic at Cla.

"Are you okay, baby?!" Nagpapanic na tanong sakin ni Nic. Hinihimas himas naman ni Cla likod ko.

Tumingin agad ako kay manang. "Manang, paki labas please. Ang baho!!"

Lahat sila nagulat sa sigaw ko. But it really smells bad, nakakasuka.

"Okay ka lang?" Tanong agad ni Cla sakin.

Tumango ako at naghugas ng bibig at mukha. Damn.

"You should give that back sa 711. Expired na ata yun. It smells so bad." Reklamo ko. Nagkatinginan naman si Cla at Nic.

"It smells the same, Nikita." Seryosong sabi ni Nicholo.

I shrugged and walked passed them. "Matutulog nako, I feel sleepy. Hatid mo si Cla, Nic, ha?"

Deretso nakong naglakad sa taas. I feel really sleepy right now.

**

"Tangina, ayoko na!" Galit na utas ni Alex. Binagsak niya agad yung libro sa table at halos mapatingin sakanya lahat ng mga tao dito sa Cafe UK.

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon