Chapter 18

13.8K 386 10
                                        

"Love is without fear, Nikita." Nginitian ako ng malapad ni Steven.

"Makapagsalita ka naman akala mo ang dami mo ng experience!" Nginitian niya parin ako but his smiled changed, parang naging malungkot. "Marami ka ng experience?!"

Tumawa siya. "Hindi naman sa marami."

"Eh sa ano?"

"Uhm," he grinned "let's just say nasaktan narin ako."

I gasped. Hindi halata kasi sobrang masayahin niya. "Anong nangyari?!"

Umiling siya para bang sinasabi niya na ayaw niya pagusapan. Sumimangot ako. Kaya natawa siya pero bumuntong hininga. "She left me, Nikki. She left me and became an angel."

Napasinghap ako. "Omg, Steven!" Niyakap ko siya bigla. I didn't know he went through this. Pano niya nakakayanan na ngumiti araw araw?!

"It's okay, Nikki." Tumawa pa siya at hinimas likod ko. "I think she's happier there more than she was with me."

Napatingin ako sakanya pero nakangiti parin siya. "Steven..."

"Nikki! Nikki! Nikki!" Napatingin kami pareho ni Steven sa tumatakbo palapit samin. "Nikita!!!"

Napatayo ako at sinalubong nalang si Clarise. "Ano ba? Bakit ka ba sigaw ng sigaw, Cla?"

Napatayo narin si Steven at pinuntahan kami pareho. Hingal na hingal si Cla kaya napayuko siya at nakahawak sa tuhod niya. "N-Nikki, si.. Si... Si... Ano.."

"Ano?" Sabay pa namin ni Steven na sabi.

"Si Jasper!" Sigaw niya. "Pinapapunta siya ni Nicholo sainyo!"

Nagtinginan kami ni Steven. "Eh ano meron?" Tanong ko.

"Alam na niya, Nikki. Alam na ni Nicholo nangyari sainyo ni Jasper dati. And he's damn mad! He's so so so mad!"

**

"M-Manang! Nasan po si Jasper?!" Bungad ko kay Manang pagkapasok ko sa bahay. Nagulat naman si Manang.

"Kadadating lang niya, Nikki. Papunta siya sa kwarto ni Nicholo. Ano bang nangyayari, iha?"

Hindi ko na siya nasagot kasi tumakbo nako sa taas. Shit! Hindi ko alam kung ano talaga alam ni Nicholo pero natatakot ako sa mangyayari. Nicholo's a good brother but he's a bad man. Ibang iba siya pag sa ibang tao and it's really scary.

Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto ni Nicholo at napasinghap ako. Nakatayo si Jasper mejo malayo kay Nicholo pero dumudugo na labi nito. Hindi naman masyado pero kahit unti may sugat na ito. Galit na galit na nakatingin sakanya si Nicholo.

"ANO JASPER?! MASARAP BA?! MASARAP BA MAKIPAGSEX SA KAMBAL KO?!"

I gasped. Oh my god. What did he just say? "Nicholo.."

"You shut up, Nikita!" Tinuro pa niya ako pero ni hindi siya tumingin sakin. Napangiwi ako. Never pako sinigawan ni Nicholo. Never in my entire existence. "ANO JASPER?!"

Nakita kong tumingin sakin si Jasper pero binalik niya kay Nicholo agad ang tingin niya. Mas naiinis si Nicholo kasi hindi ito sumasagot. Nakatingin lang sakanya si Jasper. "Putangina ka!"

Sumagod sakanya si Nicholo at sinuntok siya sa sikmura. Napahawak si Jasper dito at nakaluhod. Bakit hindi ba siya umiiwas?! Bakit tinanggap niya lang suntok ni Nicholo?! Agad akong tumakbo palapit sakanila at niyakap si Nicholo. "Nicholo, stop, please!"

Pinabitaw niya ako at hinarap ako. "He used you for sex, Nikita! You we're only 18 that time!"

Napayuko lang ako at napatingin kay Jasper. Tumayo na uli siya. "It was my fault, Nicholo. Hinabol ko siya. A-Ako nagsabi na we should try it out, na baka mag work kami. Kasalanan ko, Nic."

Mas kumunot ang noo niya. He grabbed my wrist. "Hinabol mo siya and you allowed him to use you for sex?!"

"Hindi, hindi." Pa iling iling kong sagot. "I thought he loved me..."

Tumingin ako kay Jasper at yumuko siya. Showing how guilty he was. Binitawan ako ni Nicholo and nakita ko ang awa at galit na naghalo sa expression. Napasinghap siya sa hindi ko malaman na dahilan.

"What's happening here?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng napaka seryoso at puno ng otoridad na boses na iyon. Napasinghap rin ako. Oh my god.

"D-Daddy..." Naiiyak nako. Daddy looks so serious. Para bang ibang lalaki na ang nakikita ko ngayon.

I have never thought that I will see this side of my father and I'm so damn scared.

"Totoo ba lahat ng narinig ko?"

"D-Daddy, teka..." Naglakad ako palapit sakanya pero hindi niya ako pinansin. "Y-You don't understand.."

Nilagpasan niya ko at sa isang iglap ay nasa lapag na si Jasper at putok na ang labi nito. Napasinghap ako. Rinig na rinig ko ang pag sapak niya dito. Tumakbo ako palapit sakanila.

"Nikki, no!" Hindi ko pinansin ang pag pigil sakin ni Nicholo at nilapitan parin si Daddy pero..

*PAAAK*

Nanigas ako sa tinatayuan ko. My father slapped me.

"Anong ginawa mo, Nikita? Pinalaki ba kita para humabol sa lalaki at ibigay ang katawan mo?" Hindi siya sumisigaw pero sobrang lamig ng boses niya. Nanginig ako. Talo pa niya ang aircon sa sobrang lamig ng boses niya, Napahawak ako sa pisngi ko at halos wala na akong maramdaman sa sobrang lakas ng sampal niya. Namanhid ang mukha ko. Hindi ko narin mapigilan maiyak. "Fajardo ka, Nikita. Tinrato ka ng lahat ng tao dito na parang prinsesa kasi nagiisa kang babae. Tas ganto lang ipapakita mo? Ganto ka ba ka cheap?"

"D-Daddy.." I sobbed.

"At ikaw!" Turo niya kay Jasper. "Nagkamali ako sa pagpili sayo. Hindi ko alam na ganyan klase kang lalaki. Kung alam ko lang sana hindi nako pumayag sa kasalan na naganap... Kahit pa isumpa ako ng namayapa kong ama, wala akong pakielam. Sana hindi ko nalang pinakasal sayo si Nikita. Wala kang karapatan para gawin yun sa prinsesa ko." 

Lalo ako napaiyak sa sinabi ni daddy. Puno ng hinanakit at galit ang boses niya pero pansin parin dun ang sakit. Para bang nasasaktan siya para sakin. Lumapit ako kay daddy at akmang yayakapin siya pero tiningnan niya ako ng masama.

"I'm so disappointed in you, Nikita Fajardo." Nilagpasan niya ako. Nanluma ang pakiramdam ko. Naglakad siya papunta sa pinto pero tumigil saglit. Hindi siya lumingon pero nagsalita siya. "I'll file an annulment as soon as possible."

"I love her."

Napasinghap akong tumingin kay Jasper. Kanina pa siya hindi nagsasalita tas ngayon lang siya nagsalita ayan pa sasabihin niya?!

"I love her, Sir. And we're not going to get an annulment. Kahit patayin niyo pako."

___________________________________________________________________________

Mejo nakakalungkot lang. HAHAHA! Since wala kasi nagvovote or comment, nawala na 'tong story sa may humor or romance. Grabe! :( :)) Dati naka 209 nako sa humor tas 300 sa romance... Ngayon? Lagpak. Wala na kahit san! :( OMG lang. =)) Ganun ba ka boring story ko? HAHAHA. Pasensya na po. 

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon