Nakayuko lang ako ngayon. KAMI. Nandito na kasi kami sa living room. Mejo kumalma na kaming -- silang lahat. Pagkatapos sabihin yun ni Jasper, napa nganga kaming lahat. Lalo na ako! Hindi ko alam irereact ko parang gusto ko kurutin sarili ko para mallaman kung panaginip lang 'to.
Sinilip ko si Nicholo pero hindi siya tumitingin sakin. Miski siya galit sa ginawa ko. Sa nagawa ko. Kasalanan ba yun?
"Oh my god." Napangiwi ako sa expression ni mommy. "What happened here?!"
Lumapit agad si mommy kay Jasper at hinawakan ang mukha nito. Mejo ngumiwi si Jasper pero nginitian niya lang si mommy. Halata namang nag-aalala si mommy. Kala mo naman anak niya. Nahahawa na ata siya sa mommy ni Jasper.
"Mommy, sa kwarto ka nalang po muna. Maguusap lang kami." Sabi agad ni Nicholo.
"Maguusap? Why can't I be here too?!" Reklamo naman niya agad.
"Hon," Daddy calmly called her. "We'll talk later."
Mukhang nagulat si mommy dahil seryoso si daddy pero tumango lang ito at umakyat na. Napabuntong hininga si daddy. Hindi ako makatingin sa gawi niya kasi natatakot na talaga ako sakanya. Sinampal kaya niya ako!
"Nikita Fajardo." Simpleng pagbanggit niya lang sa pangalan ko nanginginig nako. "Look at me."
Tinaas ko ang tingin ko at nakitang titig na titig sakin si daddy. Katabi niya si Nicholo ngayon na nakatingin din sakin. Bumuntong hininga ako. "Alam ko pong galit kayo. I'm a disappointment, ang pokpok ko, ang landi ko, I'm a disgrace!"
Nanlaki ang mata nila sa biglaan kong pagsagot. Nilapitan ako ni Nicholo. "Nikita!"
"What, Nicholo? Ayun naman talaga diba? Kinakahiya niyo nako ngayon. You're mad at me kasi ginawa ko yun! Kasi prinsesa niyo ako pero ginawa kong basura ang sarili ko!" Napahikbi ako. Sa lahat ng sinasabi ko, sinasaktan ko rin sarili ko. But it's the truth! Ganyan ka baba ang tingin ko sa sarili ko dahil sa nangyari samin ni Jasper. "But I'm not saying sorry to any of you."
Hindi sumagot si daddy pero nakatingin lang siya sakin. Nagulat ako ng maramdaman kong hinawakan ni Jasper ang mga kamay ko. That simple gesture kinda made me feel at ease. Para bang sinasabi niya na, nandito lang siya sa tabi ko at hindi niya ako iiwan.
"I'm not saying sorry.." Sabi ko at humikbi uli. "Cause I'm not. You treated me like a princess, you treated me as if I'm fragile and I'm so thankful but daddy, some lessons are best learnt through experience."
Nakita kong tiningnan ni Nicholo si daddy. Pinili parin nila hindi magreact kaya tinuloy ko.
"I learned my lesson the hard way, daddy but I know I can't learn it in any other way." Tumayo ako. Tumayo din si Jasper kasi hawak niya ang kamay ko. Nahalata kong napatingin si daddy sa gawi ng mga kamay namin. "You don't really have to look down on me and tell me how dirty you see me now cause I'm already doing it for you."
Tinitigan ko si daddy. "I'm sorry for not making you proud enough, daddy."
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Jasper at hinila siya palabas. Pinasakay ko siya sa kotse. "Drive."
Hindi naman siya nagtanong at sinunod ako. He drove fast yet careful. Huminto siya sa bahay ni Clarise at tinaggal ang seatbelt niya. Nagulat ako ng bigla siyang naglean sakin at niyakap ako. Hindi siya nagsalita pero niyakap niya ako. Hindi ko narin napigilan at niyakap ko narin siya.
"Nikita, I'm a damned guy. Pero I'm always here for you. I'm not gonna leave you anymore. Kahit patayin pa nila ako, nandito lang ako."
**
"At anong ginagawa natin dito?!"
Dinuro ko si Clarise. "Wag na wag na wag mong sasabihin kay Nicholo kung nasan tayo ha!"
Kumunot noo niya. "Nikki, what's that?"
Inabot niya ang mukha ko pero iniwas ko 'to. "May sumampal ba sayo?" Tanong agad ni Alex.
"OMG! Dahil ba 'to kay Jasper?!" Panic na tanong ni Clarise. "Shit! I'm so sorry, Nikki!"
Tinakpan niya agad ng mga kamay niya ang mukha niya.
"Ano bang nangyayari, Nikki?" Tanong ni Steven. Nakangiti parin siya pero kitang kita na nagaalala siya sakin.
Napabuntong hininga ako. "Daddy slapped me."
"Weh?!" Sabay sabay nilang sabi. Hindi kasi talaga halata kay daddy na kaya niyang gawin yun. Tumango nalang ako.
"Dahil sa nangyari sainyo ni Jas, dati?" Tumango uli ako. "Shit. I'm really sorry, Nikki!" Lumapit sakin si Clarise at niyakap ako.
"Wait, bakit, Cla?" Tanong ni Alex.
"Ako nagsabi kay Nicholo." Niyakap pa niya ako ng mas mahigpit. "Inuto ako ng kambal mo! Masasapak ko talaga yun!"
Tumawa ako. "It's okay, Cla. Mas maganda narin na nalaman nila. Hindi ko naman pwede itago yun habang buhay."
Tumango siya at binitawan ako. Umupo uli siya. Nandito kasi kami ngayon sa isang bar. Ito ang pinaka kakaibang bar kasi hindi 'to nagbebenta ng alcoholic drinks. Bar siya pero puro juice, softdrinks, shakes , etc lang binebenta. At kay Alex 'to. That weird weird Alex.
"Oh! Libre daw lahat ni Alex!" Pagbibiro ko pang sabi. Tumawa si Alex at tinawag ang waiter. "Ayun oh!"
"Nikki," Napatingin ako kay Steven. "Galit ka ba kay Jas?"
Napakurap ako. Nakatingin sila lahat sakin. I gave out an awkward laugh. "Hot seat ako, ganun?"
"Ano nga? Tinatanong ka ng maayos eh!" Masungit na sabi ni Cla.
"Hindi." Simpleng kong sagot. "Bakit naman ako magagalit?"
"Hindi ka galit?! Eh pinaasa ka niya?!" Kung makapagreact naman 'to si Cla akala mo siya nasaktan.
"Alam mo.. Narealize ko.. Never naman niya akong sinabihan ng i love you eh." Bumuntong hininga ako. "It was my choice. Pinili kong umasa sakanya. Kaya kung magagalit man ako, sa sarili ko lang din dapat. I caused myself all of these pain."
Nagulat ako ng makita kong nakanganga sila nang nakatingin sakin. Pumalakpak pa sila ng sabay sabay. Napa iling nalang ako. "Grabe, Nikki, nagmature ka na!" Umakto pa si Cla na para bang may pinupunasan na luha.
"Ewan ko sainyo.. Ay oo nga pala!" Napatingin uli sila sakin. "May sinabi siya kanina."
"Ano?" Sabay sabay nilang tanong.
"He said he loves me."
_____________________________________________________________________________
Sorry kung maikli lang 'to. Huhu. Mag uupdate din agad ako bukas kasi gusto ko na 'to tapusin. Magpapasukan na eh. T^T
PLEASE COMMENT AND VOTE!! Para po hindi tayo mawala sa Humor and Romance na rank.
Nasa Humor #238 and Romance #370 na tayo!! *O* Omegesh. Sana po mas tumaas rank natin OR at least hindi mawala! Huhuhuhu. Sana talaga. :( :( :( :( :(
- FRANCIELLE
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
