Nagmamadali akong bumaba ng hadgan. Nagaalala na ako. Nang mareceive ko ang text ni Clarise, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam sino una kong pupuntahan.
Pero nagdecide ako na sa bestfriend ko muna. Kaya habang mahigpit ang hawak ko sa phone ko ay nagmadamali akong bumaba ng hagdan pero syempre may ingat. Buntis ako, hindi ako pwede magpadalos dalos.
Nahagip ko ng tingin si Jasper at Lance na umaakyat. Pareho silang natigilan nang makita ako pero wala akong pinansin. I don't have time for this. Nilagpasan ko sila.
"Nikita! Nikita!" Napalingon ako sa tumatawag.
"Ano?!" Naghahabol kong hininga na tanong. "Nagmamadali ako, Lance!"
"Magdahan dahan ka naman!" Napansin ko ang lalaki sa likod niya at ang pagkagulat nito. Para bang hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganun ang kaibigan niya. "Wag ka masyado tumakbo."
"Oo, Lance." Mahina kong sabi at tumalikod na para umalis.
Damn. Masyado nang halata si Lance. Hindi niya dapat ginagawa yun at baka ano isipin ni Jasper... Ano nga ba iisipin niya? Ano ba yan, Nikita!
Dumeresto ako sa bahay nila Cla. Nung umaga palang nagtataka na ako at wala akong nareceive na text o tawag mula sakanya at mas nagtaka ako nang hindi siya nagpakita sa school. Graduation na namin bukas!
Naabutan ko si Cla na naka upo sa kama niya at nakapulupot sakanya ang kumot.
"Cla!" Tinakpan niya agad ang mukha niya at umiling iling. Narinig ko ang hikbi niya. "A-Anong nangyari?"
"Punyetang yang kambal mo, Nikita." Galit na utas niya pero humikbi. "A-Ayoko na sakanya. Manloloko siya!"
"Nanloko si Nicholo?!" Hindi ko alam kung ano pero parang ayoko maniwala. But this is my bestfriend speaking!
"Oo! Tangina!" Humikbi nanaman siya at mas lalong binaon ang mukha niya sa mga palad niya. Hirap na hirap na siya kakaiyak pero hindi siya tumitigil.
"T-Tama na, Clarise. Huminahon ka." Tinapik tapik ko ang likod niya.
Awang awa ako sa bestfriend ko pero hindi ko alam kung ano gagawin ko. I can't believe Nicholo cheated! Gusto ko marinig ang side niya pero kailangan ko muna patahanin bestfriend ko. Naniniwala akong maaayos din nila 'to.
"N-Nikki." Paghikbing tawag sakin ni Cla. "Naabutan ko siyang kasama sa kama si Amanda Cruz."
Kumunot noo ko sa pagtataka. Sino? Amanda Cruz? Ayun ba ung blockmate niya?
"Amanda Cruz?"
"Oo!" Humikbi siya. "Y-Yung matangkad, sexy at maputi niyang blockmate."
Nanlaki ang mata ko. I can't believe Cla is insecure right now.
"M-Malay mo.." I don't know what to say kaya hindi ko na tinuloy.
Umiling siya. "Don't, Nikki. Alam kong kambal mo siya pero..."
"Hindi ko siya pinagtatanggol, Cla." Mahina kong paliwanag. Tumikhim ako at pinaayos siya sa pagkakahiga. "Di bale, magpahinga ka muna."
Bumaba ako at nagbilin sa maid nila na wag hayaan na hindi magdinner si Cla. Nabanggit pa ng maid niya na nagbilin din si Cla na wag papasukin ang kambal ko dito kaya hindi niya ito napaunlakan nang magpunta ito dito kani-kanina lang. Tumango lang ako sakanya at nagpasalamat. Wala akong magagawa dun, desisyon yun ni Clarise.
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
