[NIKITA's point of view]
Tinaasan ko ng kilay si Alex at Steven. Umiwas lang sila ng tingin. Aba? Something's up. Umiiwas sila sa tingin ko ang ibig sabihin nagsisinungaling sila.
"Saan nga kayo pupunta?"
"Haynako!" Napatingin ako ay Clarise ng bigla siyang nagdabog. "Umalis na nga kayo. Mga walang kwenta!"
Kumaripas nang takbo si Alex at Steven, hindi na ako nakapagtanong uli sakanila kaya si Cla binalingan ko.
"Saan ba sila pupunta? Bakit ayaw nila magsabi ng totoo?" Pagtatampo ko.
Ngumiti lang si Cla. "Basta, hintayin nalang natin si Nic dito."
Tumingin siya sa relo niya at kinuha ang phone sa bulsa. Tatawagan niya ata si Nic. Nagdial siya agad na naiiritang nilagay sa tenga ang phone. Uh oh.
"Putangina, Nicholo. Ka-tagal mo naman!" Ang harsh niya talaga sa kambal ko pero natutuwa ako. Wahahahaha! "Aba dali at baka mangalay na dito ang kambal mo. Impakto ka talaga!"
Tumawa lang ako at pinagmasdan ang shake na hawak ko. Parang ayoko na, ah. Kaya binaba ko na 'to at lumapit sa isang upuan. Nangangalay na nga ako.
"Saglit lang, be, ah? Malapit na yung kambal mo." Napansin kong nagtetext nanaman siya at tutok na tutok talaga sa phone. Kaninang umaga pa talaga siya tutok dito. Nagiging super clingy na kaya sila ni Nic kaya ganun?
"Cla," pangangamba ko. "Baka ma-aksidente si Nic. Mamaya na kayo magtext."
Nagtataka siyang tumingin sakin tas sa phone niya. "A-Ah! Oo nga 'no? S-Sige."
Tinago niya phone niya at napatingin sa harap. Ngumiti siya ng malapad. "Ayan na pala, e."
Nakatulog ako sa byahe pauwi pero hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dahil wala kami sa bahay o sa village man lang namin. Bumaba agad ako sa kotse at nakaramdam ng takot at inis. Iniwan ako dito nila Cla at Nic?
Hinimas ko saglit ang tyan ko. It became my mannerism.
Kinuha ko ang phone ko at dinial number ni Cla. Mga limang ring ata bago niya sinagot.
[Hello, Nikita!] Masaya pa niyang bati.
Napa iling ako. "Nasaan kayo? Bakit niyo ako iniwan sa kotse?"
[Chill, Nikki.] She chuckled pero mas lalo lang ako nairita. [We're inside. Why don't you come in?]
Englishera kuno. "Anong meron? Tinatamad ako."
[Maraming pagkain dito. Manga, apple, cadbury, pepero, fried isaw... At marami pa!] Tumawa siya ng tumawa. Walangya. Binanggit niya lahat nang pinaglilihian ko.
"Whatever, papasok na ako." Binaba ko ang tawag at dumeretso sa entrance. This looks like a restaurant. Baka nga nakaramdam sila ng gutom. Pero, baka date nila 'to.
Oh well, tinakam na ako ni Clarise eh.
"Good evening, mam." Bati sakin ng receptionist.
Nginitian ko rin siya pero pinasadahan ko muna ng tingin yung mga tao sa restaurant. Where are they?
"Do you have a reservation?" Nakangiting tanong nung receptionist.
"Uhm," Panimula ko. Where the hell are they? "I have company. Nandito na sila actually. Nicholo Fajardo?"
She glanced at her small notebook and smiled. "Are you, Ms. Nikita Fajardo?"
Tumango tango ako. Baka nasabihan na siya ni Nicholo. "Yes, yes. I'm Nikita Fajardo."
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
