Chapter 33

10.3K 153 3
                                        

Agad siyang tumayo ng makita akong lumabas na galing sa klase. Halos matumba siya sa pag ayos ng bag niya.

Bakit feeling ko guilty siya kaya siya ganyan?

Tumingin muna ako kay Cla. "Thank you, Cla."

Tumango siya. "Ayusin niyo yan, Nikki."

Umiling pa siya na para bang siya ang may problema. Gusto ko tumawa kaso hindi ako makatawa kasi nangingibabaw ang kaba ko sa paguusap namin ni Jasper.

"Alis na ko." Tumango si Alex at Steven.

Hinawakan ako ni Steven sa braso at hinimas niya yun na parang tatay. "Learn to listen, Nikki."

Napakunot yung noo ko. May alam ba siya? Wala pa naman ako nakkwento. Not that wala akong balak. Ayoko lang talaga pagusapan muna.

Pagharap ko, bumungad sakin si Jasper na naghihintay.

"Tara?" Aniya.

Tumango ako at naglakad na. "San ka ba nakapark?"

"Car park." Aniya at hinawakan librong dala ko. "Ako na."

"No, I can manage."

"Nikita.." Umiling ako at ibinigay nalang.

Why do I feel so weak right now? Na para bang hindi ko siya gusto makausap ngayon? Gusto ko lang siya makasama. Naiiyak ako na ewan.

Umiwas nalang ako at naglakad papunta car park. Ang awkward namin. Ang tahimik. Hindi ko alam ano sasabihin at parang ganoon rin siya.

Sumakay na kami sa kotse niya at huminga ako ng malalim. Inaantok ako.

"Tahimik mo ah." Aniya at binuksan ang makina ng kotse.

Napatingin ako sakanya. Bakit kung umasta siya parang walang nangyayaring magulo samin ngayon? Na para bang hindi ako tumira kela Cla ng halos isang linggo?

"Inaantok ako." Simple kong sagot at tumingin nalang sa bintana.

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla niyang hawakan kamay ko. Pinisil pa niya 'to.

"I miss you." Aniya.

Napakagat ako sa labi ko... Pinipigilan ko umiyak. Para bang lahat ng galit o sakit sa puso ko unti unting natunaw. Damn, Elizalde. Anong gagawin ko sayo?

Umiwas agad ako ng tingin. Naiiyak ako. Damn it. Damn this.

"Ano bang nangyari sayo?" Aniya ng may lungkot sa tono niya. "What happened, Babo?"

Babo... Damn.

"Pwede sa bahay nalang? Kasi inaantok ako ngayon. Baka hindi ako makapag concentrate." Umiwas ako ng tingin. Buti nalang hindi nanginig boses ko.

"Okay... If that's what you want."

Pumikit ako at nagkunwaring tulog. Pinipigilan ko lang din ang mga luha ko. Hindi na siya uli nagsalita hanggang makarating kami sa bahay.

Shet. Sana hindi ako maiyak habang naguusap kami.

I miss him. A lot. Too. And I don't really know kung bakit ako lumayo. Maybe I want to see if he'll chase me this time or, kung ako na ba talaga at hindi na si Jeanina. Or I'm really scared that he'll leave me again for her..

"Can we talk now?" Bungad niya ng makapasok kami sa bahay. Napatingin ako sa paligid.

"Jasper, ang kalat."

Umiwas siya ng tingin. "I know, babo. What would I do without you?"

Halos mangisay ako ng marinig ko yan. Tangina. Wag ka magulo.

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon