Chapter 50

13.2K 188 6
                                        

"Church wedding, definitely!" Nakangiting sabi ni tita Carla.

Nag thumbs up naman si Mommy. "Definitely."

Napailing nalang ako at bumaling kay Jasper na nagbabalat ngayon ng mangga. Eh sa gusto ko ng mangga ngayon, e.

Napalingon ako sa lumapit samin. Nanlaki ang mata ko.

"Hi, Nikki." Awkward akong ngumiti. Nakita kong pumihit rin si Jasper para harapin ang kapatid niya. "Hi, little bro."

"Cj, kakadating mo lang?" Pagbasag ko sa katahimikan ni Jasper.

"Kakadating ko lang. Sorry late." Ngisi niya. "Ayoko rin kasi makitang lumuhod sa harap mo kapatid ko."

Tumawa siya kaya ngumiti lang uli ako ng pilit. Bakit ganto? Ang vocal niya masyado.

"Sij, tama na." Mariin na sabi ni Jasper at pinulupot ang braso niya sa bewang ko. "Wala ka nang pag-asa kay Nikita."

Tumawa si Cj at tumingin sa tyan ko. "Of course. You knocked her up. Masyado kang sigurista, bro!"

"Buti alam mo." Masungit na sabi ni Jasper. "Kaya wag ka na umasa."

"Hindi naman sa umaasa." Ngumisi si Cj. "But hurt her again then I'll make sure to take her away from you. You know me, kaya ko maging tatay kahit sayo pa yan."

Umigting ang panga ni Jasper at umalis naman agad si Cj. Hinawakan ko ang braso niya at pinakalma siya.

"Maghiwa ka na diyan." Tumingin naman siya sakin at ngumuso. "Dalian mo at aalis tayo."

"Saan tayo pupunta? Bawal ka magpagod."

Umirap ako sakanya. "OA!"

"Seryoso! Kaya nga ako nandito, diba? Ready naman ako magpa-alila." Nanlalambing niya sabi at niyakap ako para mapalapit sakanya.

Umamba siyang hahalik nang tinulak ko ang noo niya. "Sa doctor tayo pupunta. Monthly check up."

Nanlaki ang mata niya at agad kong nakita ang excitement sakanya. "Kasama ako?!"

"Ayaw mo?"

"Gusto, syempre! T-Teka..." Binitawan niya agad ako at tumakbo palayo. Sumunod naman ako sakanya nang nagtataka. "SAMA KAYO?! MONTHLY CHECK UP NI NIKITA?!"

Nanlaki ang mata ko. Imbitahin ba naman ang lahat?!

"Uhmmm.." Tumingin si Dra. Nicole sakin at kay Jasper.

"I'm her fiancée. Father of the child." Seryoso niyang sabi.

Sabi kasi ni Dra. Bawal kami pumasok lahat kasi ang dami namin. Buong pamilya ba naman plus Clarise, but she's family, so what.

"Ahhh. Sorry, first time kasi niya magpunta dito na may lalaking kasama. I thought ikaw yung sinasabi niyang kambal niya. You don't look alike."

Tumikhim ako. "Si Nicholo po yun. This is Jasper, doc."

"Ah yes yes." Sabi niya at inayos na ang pang ultra sound sakin. "Fifth month. Ready ka na ba malaman ang gender, Nikki?"

Napatalon ng bahagya si Jasper kaya miski si doctora nagulat. "Malalaman na ngayon?!"

"Ah," Sumulyap si Dra. sakin nagkibit balikat lang ako. "Yes."

Hinawakan ni Jasper ang kamay ko at pinagsaklob ito. Naiiyak siyang tumingin sakin at napabaling sa maliit na screen na pinapakita ang ultra sound. Nakita namin ang matres ko haha.

"Ayan po ang ulo niya." Sabi ni Dra. "Ito ang paa, and, ayun.."

Napa awang ang bibig ko nang makita na lumuluha si Jasper. He's freaking crying! While watching our baby!

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon