[Carl Jasper's point of view]
Nagmamadali akong pumasok ng bar. Bar? Kailan pa naging bar 'to eh hindi naman nagbebenta ng alcoholic drinks? Psh. Nakita kong naka upo si Clarise sa may isang sofa kaya lumapit ako sakanya agad. Sakanya ko iniwan si Nikita kanina, sinabi rin niya na kailangan niya ang kaibigan niya kaya pinagbigyan ko na... At pinalayas talaga ako ni Clarise.
"Clarise!" Napatingin siya sakin pati na ang mga kasama niya. If I'm not wrong, barkada silang lahat ni Nikki. Tumayo si Cla at tiningnan ako ng masama pero hindi ako nagpatinag. "Si Nikki?"
"Nasa taas na." Naglakad palapit sakin si Cla. Parang gusto ko matakot. Sasapakin ba ako nito? "Tara, samahan na kita."
Tumango ako at sinundan siya sa paglalakad. May taas pa 'tong bar? Hindi ko talaga ma-explain 'tong bar na 'to. Ang weird din minsan ng friends ni Nikita eh.
"You scarred her for life, Jas." Napatingin ako kay Cla ng bigla siya magsalita. "You were her first love, alam mo yun?"
Napaiwas ako ng tingin. "I know."
"Pero tinapon mo lang yun. You treated her like a piece of crap even though she didn't deserve it. She deserves better!" Huminto siya sa kakalakad at hinarap ako. "Tinanggal mo ang katiting na confidence at tiwala sa sarili na natitira sakanya. She's my bestfriend and she deserves the best. Kahit sabog, lutang at mapangasar siya, she didn't deserve the pain you made her felt. Hah! Hindi naman kayo nun pero kung makapag react siya daig pa niya ang may ka relasyon." Tumawa pa siya as if remembering something very funny.
"She doesn't deserve me. She deserves better." Sabi ko. "But she's stuck with me -- so might as well get over it."
Ngumiti siya bigla. "I know you won't let her go this time." Naglakad uli siya at tumigil sa isang pinto. "Karapatan mo padin sunduin siya kasi ikaw asawa niya. Pasalamat ka at naiirita ako kay Nicholo kaya ikaw una kong sinabihan."
"Salamat, Cla."
Tumango siya at tinapik braso ko. "Ge, treat her right his time, okay? Kundi ako na mismo sasapak sayo." Tas tumawa siya bago ako iwan. Tuwang tuwa siya ah.
Pinasok ko yung kwarto at nadatnan ang isang fully furnished na kwarto dun. Para siyang hotel room. Takteng bar 'to!
May kama dun at nakahiga dun si Nikki. Naka yakap siya dun sa unan at tulog na tulog. Antukin.
Lumapit ako at napangiti nalang. Despite of everything that happened today, masaya ako. Kasi sa wakas, naamin ko rin sakanya kanya kung ano nararamdaman ko.
"Hindi nako magpapaka duwag." Hinaplos ko ang mukha niya. "I love you, Nikki."
**
[Nikita's point of view]
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Uhm, alam mo yung feeling nung bata ka na pag natulog ka pag gising mo nandun ka na sa kama mo?
Ayun nafefeel ko ngayon eh. Sa bar ni Alex ako natulog pero dito ako sa sarili kong kwarto magigising...
"Good morning!" Napa balikwas ako ng bangon at tumingin sa pinto. Nakatayo dun si Jasper at may hawak na tray. "Breakfast in bed!"
Napaiwas ako ng tingin. Ang awkward. Nilapag niya sa harap ko yung mga pagkain na niluto niya. Ngiting ngiti pa siyang umupo din sa kama ko. "A-Ah, s-salamat."
Hindi ko narin tinaggihan kasi gutom nako. "Ang late mo naman gumising. Umaandar ang oras."
Napatingin ako sa orasan. "Pano siya aandar? Wala namang gulong."
Napatingin siya sakin tas bigla siyang tumawa. Tae. Ka baduy na nga eh.
*ding dong*
"Ako na!" Tumango ako at pinabayaan ko siyang lumabas. Bakit ba ang awkward sa feeling?!
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
