"Tawagan mo na, baby." Umiling lang uli ako kay Nicholo. Bakit ba nila ako pinipilit?
"Ang arte mo, Nikita!" Sinamaan ko nalang ng tingin si Clarise. Sinundot niya ako sa tagiliran at ngumisi. "Kinikilig ka lang eh."
"Psh, bakit naman ako kikiligin?" Tanong ko.
"Mahal ka daw niya oy!" Sabi niya at kinurot pa uli tagiliran ko. "Dali na oh, tawagan mo na."
Inismidan ko nalang silang dalawa at umiling. "Ayoko nga. Bakit niyo ba ako pinipilit?"
"Eh kasi oh, kawawa naman si Nicholo." Nagpout pa si Clarise na para bang sobrang naaawa na talaga siya sa boyfriend niya.
Tiningnan siya ng masama ni Nicholo. "At bakit naman ako kawawa?"
"Kasi third wheel ka. Bobo mo." Natawa ako. Si Nicholo pa talaga ang third wheel ha, eh ako nga third wheel dito eh.
"Tangina mo, pakamatay ka na nga." Naiiritang sabi ni Nicholo. Ayan nanaman po sila.
"Unahin na kita, ano?!" Pagbanta sakanya ni Clarise. Parang gusto ko nalang mawala ng bula dito. Gumagawa nanaman sila ng sarili nilang mundo. What the hell lang.
"Tatawagan ko na! Walangya kayo." Sabi ko agad at kinuha phone ko. No choice. Gusto kasi nilang imbitahin ko dito si Jasper at magdodouble date daw kami. Akala ko ba cool couple sila? Eh bakit ang baduy nila? Tsk. Double date?! Wtf lang. Ang baduy nun! Sobra!!
Calling Monster...
[Hello?]
"Jasper?" Pag-aalangan kong tanong.
[Hi babes! ---- Tangina naman Andrew! Bigay mo nga sakin yang phone! --- Ito na si papa Jasper!] Natawa naman ako sa narinig ko sa phone. Ang alam ko ganto talaga kabaliw mga kaibigan ni Jasper. Lalo na yung Andrew na yun. [H-Hello?]
"Jasper, si Nikita 'to." Simpleng kong sabi. Mejo na ubo pako. "Uhm..." Tiningnan ko si Clarise at Nicholo na ngayon ay nagkukurutan. What the hell. Wala na ba silang nagawang matino? Weird ass couple.
[Ano yun? Nasan ka?] Malambing niyang tanong. Malambing?!
"Nasa Robinson's galleria." Lumayo ako ng unti kela Clarise kasi ang ingay nila. Nagsisigawan nanaman sila ngayon. Pinagtitinginan na nga sila eh. Kunwari nalang di ko sila kasama. He he. "Kasama ko kasi sila Cla at Nic. Tas pinapunta ka dito."
[Sige, punta nako.]
Binaba ko na agad yung phone. Tae, bakit ba ako nahihiya?
"Punyeta! Eh nagugutom na nga ako eh!"
"Nasakin ba ang plato?!" Sigaw pabalik ni Nicholo kay Cla.
"Sinabi ko bang nasayo ang plato?! Niyaya lang kita kumain, diba?! Tangina mo talaga."
"Tangina mo rin, hindi naman akin 'tong mall ah!" Napasapo nalang ako sa noo ko. Magsyota ba talaga sila? Nakakarindi bunganga nila. Hindi ko alam na may gantong side si Nicholo. Nakaka gago lang.
"Pero girlfriend mo ako!" Natigilan si Nicholo. Inakbayan niya bigla si Clarise at ngumiti ng napaka tamis.
"Sabi ko nga, tara kain na tayo." Tumingin siya sakin. "Tara, baby kain tayo dun mo nalang pasunudin asawa mo."
Natawa nalang ako sa tratuhan nila. Hindi ko na magets relasyon nila. Pero mukha naman silang masaya kaya pabayaan nalang din.
**
"Ayan na pala si Jas eh." Tumayo si Nicholo at sinalubong si Jasper. "Upo ka dyan sa tabi ni Nikki."
Ngumiti ng awkward si Jasper at tumabi sakin. "Plastik mo, gago." Sabi naman ni Cla.
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
