Napatingin ako sa wallclock. 10:30 na. Tumayo ako at nag-inat. Tiningnan ko si Jasper. Nanunuod padin siya.
"Jasper, matulog na tayo." Napatingin siya sakin. His mouth parted. Nanlaki mata. "I mean! Sa sari-sarili nating kwarto! Gusto ko kasi matulog ng mahimbing... Yung walang naririnig na tv dito."
Tumango naman siya at tumayo. Na-una na akong umakyat sakanya. Umupo ako sa kama at naghintay ng oras.
**
Nakatanggap na ako ng text. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Sinisilip ko pa baka nagising ko si Jasper. Mukhang wala naman. Binuksan ko na yung front door. Lahat sila kumaway sakin.
Lance. Bryan. Andrew. Clarise. Steven. Alex. Tina. Wade... Etc. Mga 15 sila. Blockmates niya yung iba pa. Nginitian ko sila at sinabihan na wag maingay. Isa isa silang pumasok ng bahay. Tinuro ko yung taas.
Umakyat kami at ngayon nasa tapat na kami ng kwarto ni Jasper. Sinindihan na namin yung kandila sa cake na binake ko.
11:59. Hinihintay nalang namin mag twelve. Nagcount down na si Lance. 5, 4, 3, 2, 1...
Binuksan namin bigla yung pinto.
"HAPPY BIRTHDAY JASPER!"
Hindi lang si Jasper yung nagulat, pati kami. Nakatayo si Jasper sa may pintuan na para bang palabas na siya. May hawak siyang cake sa isang kamay at tulips sa kabila. Naka nganga siya. Lahat kami napatingin sa suot niyang t-shirt.
"Happy first monthsary?" Pagbasa ng malakas ni Cla. Napasapo ako sa noo ko. September 18. Kailan kami kinasal? August 18. Damn. "Ayiieeee!"
"Ayiieee!" Lahat sila sabay sabay na sabi. Napakamot si Jasper sa bantok niya. Hindi lang pala siya yung may surprise.
**
"Ang sweet din pala ng asawa mo, nuh?" Napatingin ako ng sinabi ni Andrew yun kay Jasper. "Hinandaan ka ng surprise."
Napa-iwas ako ng tingin. Sweet bako? Normal lang naman 'to. Napatingin ako sa table. Ang daming pagkain. Mostly dala 'to ng mga bisita. May 2 cake sa gitna. Yung gawa ko at yung binigay ni Jasper sakin. 'Happy first monthsary, Nikita.'
Cincelebrate din pala yun pagkasal na?
**
Halos 5 am na nung nakauwi yung mga bisita. Sinarado ko na ang pinto. Hay, salamat. Makakatulog nadin.
"Nikita." Halos mapatalon ako sa gulat. Akala ko umakyat na siya. Nilingon ko si Jasper. Hawak hawak niya yung tulips kanina. "I didn't get to give you this."
Napatingin ako dun at kinuha. "Thanks, Jasper."
"Happy first monthsary." He said and smiled. Napangiti narin ako. I don't know if it's because I'm too tired to even fight him or... I actually appreciate it.
"Happy first monthsary din." Naglakad nako paakyat ng magsalita uli siya.
"Thank you rin pala." Huminto lang ako pero hindi lumingon. "No one has ever done that for me before."
Tumango ako assuming he can see me. I smiled to myself.
**
"Happy birthday, baby!" Tumakbo si Tita Carla papunta samin pagkapasok palang namin sa bahay nila. Syempre, birthday ni Jasper, kailangan namin pumunta dito.
"Thank you, mommy. I love you."
Nanlaki mata ko. First time ko narinig yung 3 words na yun kay Jasper. Those words I wanted to hear from him 3 years ako.
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
