Chapter 11

18.1K 305 9
                                    

[Nikita's point of view]

"Pero Jasper, gusto ko malaman kung ano na tayo. Hindi kasi ako makapaniwala na wala lang sayo pero ang dami na nating nagawa. Masyado na nga nagawa natin eh." Napayuko ako ng sinabi ko 'to. Nahihiya ako. Lalo na nung naalala ko mga ginawa namin. Gosh. Nakakahiya talaga.

I heard him clear his throat. "Hindi naman wala lang sakin yun." Tumingin ako sakanya at ngumiti. So may something para sakanya yun? Mejo kinilig pako. "Pero ikaw, kung ayaw mo na, sabihin mo lang."

Napangiwi ako. It's like he's telling me that he doesn't care if I stop seeing him. Para bang wala akong importansya sakanya. "Gusto ko malaman kung ano yun para sayo."

Napasapo siya sa ulo niya na para bang nahihirapan siya. I was just watching him the whole time. "Hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginawa."

Parang sinabi narin niya na hindi niya sinasadya at ayaw niya talaga yun pero he still did it with me. Napakagat ako sa labi ko. Shit. I can feel my breathing tightening. I know this feeling... I'm hurt. Tinanong ko siya uli. "Ano yun, Jasper?"

"Hindi ko alam. Ewan ko." Sabi niya at umiling pa.

"Sabihin mo na." I stood straight. I don't want to show him I'm in pain. Dapat isipin niyang wala lang din para sakin. Lumunok ako at huminga ng malalim. I gave him a straight face. That's it, Nikki. Keep this face until the end, okay? "Wag mo isipin kung ano mararamdaman ko o ano. Tell me the truth."

"Hindi ko nga alam."

"Ano yun?" I chocked. How can I say the word? Hindi ko alam kung dahil ba yun sa word o dahil hindi ako ready sa isasagot niya. "L-Libog lang?"

His mouth parted. "Ano?"

"Sabihin mo na. Libog lang yun?" I repeated still keeping my straight face. Showing him no emotion.

Napa-iwas siya ng tingin. Kinabahan na ako sa isasagot niya. No, please, don't say it. "Oo, siguro, nung unang gabi. Libog lang."

"Eh yung dalawa pang gabi?"

"Akala ko kasi gusto mo narin." Napa-nganga ako sa sinabi niya. Shit. What. Napa-urong ako palikod. Kailangan ko na umalis. Hindi ko na kaya. "Look, Nikita, I saw my ex. Masakit parin pala. Hindi pako nakaka move on."

That was it. I'm a rebound. I'm a bed warmer. I'm just some girl she used for sex. I can feel my self respect slowly slipping away. I was used for sex.

I smiled... Even though inside I know I'm slowly dying.

"Sige, thank you."

Tumalikod ako at naglakad palayo. Tinakpan ko yung bibig ko kasi ayokong marinig niya ako humibi. I can feel my tears falling down. Nahihirapan nako huminga. Nothing can compare to the pain I'm feeling now.

Napabalikwas ako ng bangon. Shit. I'm sweating so bad. Napangiwi ako. A bad dream. A dream that already happened 3 years ago. But it felt like it was just yesterday. I shrugged it off. May pasok pako. I don't need this right now.

**

"Ano nanamang problema, Nikki?" Tiningnan ko lang si Cla. Napatingin ako kay Steven at nginitian lang niya ako as always. "Did something happen?"

"Wala. Hindi lang ako masyado nakatulog."

"Bakit?" Tanong uli ni Cla.

"I had a bad dream." Mejo inayos ko yung buhok ko ng mejo humangin.

Hinimas ni Cla yung likod ko. "It's just a dream, Nikki. Hindi yun totoo."

Pumikit ako at sumandal sa balikat ni Steven na nasa kabilang side ko. "That's the point, Cla. That dream used to be real."

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon