Chapter 51

12.3K 177 2
                                    

“Bakit ba ang OA mo?” Natatawa kong sabi. “Kasama ko naman si Clarise.”

[Kahit na, baka mapagod ka! Tsk!] Halos humagalpak ako sa tawa sa pagiging OA ni Jasper.

Maaga kasi siya umalis sa bahay kasi may training siya sa company ni Tito Dan. Nagseseryoso na daw siya kasi may pamilya na siya. Kaka graduate palang naman namin, he can enjoy muna if he wants to. Pero ayaw talaga niya, hindi ko narin pinigilan. He can do whatever makes him happy.

“Pakisabi diyan sa jowa mo ay tumigil siya.” Naiiritang sabi ni Clarise habang nagtitingin ng baby clothes.

Tumawa ako at bumaling uli sa telepono. “Mr. Elizalde, we’ll be home before you know it, okay?”

Narinig ko siyang tumikhim. [Alright. Basta, stay safe. I love you.]

“I love you more.” Binaba ko na ang telepono at tumingin kay Cla na may hawak na basket na halos puno na ng damit.

Puro pink, violet or light blue ang kulay ng mga damit. Napangiwi ako. “Cla, ang dami naman niyan.”

Napasulyap siya sakin at sa basket na dala niya. “Bakit? Di kaya ng budget mo?”

Umiling ako. Sabi na eh, ako rin magbabayad. Not that it’s a problem pero ang dami kasi masyado. “Hindi sa ganun.”

“Eh ano?”

“Feeling ko lang mas importante yung mga baby bottles, nipples, baby wipes, ganun.”

Kuminang ang mata niya. “Oh my god, you talk like a mom.”

Tumawa ako at umiling. Pumunta ako sa mga bottles. “Ganto, oh.”

“Okay fine, hindi ko na dadagdagan ‘to pero hindi ko rin babawasan.” Ang kulit talaga ni Clarise.

Wala kami ginawa buong araw kung hindi mag shopping para sa baby ko. Nang mapansin namin naparami na, pina sundo namin kay Nicholo ang lahat.

“Babe, ilagay mo na sa kotse yan, ah?” Sabi ni Clarise habang inaabot pa ang iba kay Nicholo.

Nakasimangot na tinitigan ni Nic ang mga dala niya. Under de saya talaga. Tumikhim na lamang siya. “Okay, fine.”

 “Thanks, babe!” Hagikgik ni Cla. “Text text kita nasan kami para sumunod ka dun, okay?”

Tumango si Nic at pumihit para umalis. Under siya kay Clarise but I think he deserves it, pinahirapan din niya si Clarise sa paghahabol sakanya ng husto noon. At least ngayon, sila na. Everything was worth it.

“Pancakes sayo?” Nakangiting tanong ni Cla.

Nandito kasi kami sa pancake house, dito namin naisipan magmeryenda. “Yup.”

Tumingin pa uli ako sa menu. Um-order na si Cla bago tiningnan ang cellphone niya na kanina pa tumutunog. “Ito talaga kambal mo, oh! Hindi daw mahanap ang pancake house, teka, Nikki, ha? Sunduin ko lang.”

Tumango ako at umalis na siya. Tiningnan ko pa ang menu kasi feeling ko gusto ko ng spaghetti.

“Hey.” Nagulat ako ng may umupo sa harap ko.

Nakangiti siya sakin at napansin ko ang maiksi niyang buhok, hanggang balikat nalang niya ‘to at nagpakulay pa siya ng light brown.

Ngumiti ako ng pilit. “Jeanina..”

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon