Maaga kaming umalis ni Clarise para magsukat ng wedding gowns. Aniya, bawal daw kasama ang groom dahil malas yun. Baka daw hindi pa matuloy ang kasal namin. Ayaw maniwala ni Jasper pero wala naman mawawala kung sundin nalang namin. Meron kasi pagsinaway.
"White ba?" Tanong ni Clarise sabay lipat ng page. "Subukan kaya natin baguhin?"
Tumingin ako kay Cla na nagtataka. "Baguhin?"
"Yeah, ibang color. Like pink or blue." Sabi niya habang kumukuha ng ibang booklet ng mga wedding gowns.
Kinuha ko ang isa rin at naghanap. "Is that possible?"
"Oo naman!" Aniya at tinuro ang isang gown. "Ito maganda, sexy!"
Tube ang isang 'to na heart-shaped. Sa likod naman nito ay see-through na lace hanggang halos pwetan. Napangiwi ako.
"Cla, I'm pregnant, ayoko naman ng masyadong revealing."
Tumingin siya sakin at sa tyan ko. "Right. Pero sexy ka parin naman, e."
"Basta, ayoko masyado revealing." Naglipat ako ng booklet.
Si Cla ang mas magaling mamili ng damit para sakin cause I'm indecisive as heck. Aabutin kami ng syam syam pag ako pinapili nila. Baka nanganak nako, hindi pa ako nakakapili.
"This one?" Sabay lahat ng isang booklet. "Sexy and conservative. Type na type mo."
Ngumisi ako. "Yeah, I like this one."
Pumalakpak siya at napalinga. "Hay nako, nasan na ang mga tao dito?"
Sa sobrang inip, tumayo siya at pinasok na ang staff. Naiwan ako dun at wala talaga akong balak sundan siya. I feel heavy and... Lazy.
Napabaling ako sa bagong pasok. Isa siyang babaeng may kaliitin at light brown na buhok. Tumingin siya sakin at ngumiti ng pilit. Ang putla niya at parang walang gana sa buhay.
Umupo siya sa harap ko at naghawak ng booklet. Tumikhim siya.
"Hi, ayos ka lang?" Wala sa sarili kong tanong. Halos takpan ko ang bibig ko, masyado ata chismosa ang labas nun. Hindi ko napigilan, e.
Tumingin siya sakin na may pagkagulat. Tumingin pa siya sa paligid para bang sinisigurado kung siya ba ang kausap ko talaga. Tumingin siya sakin at tumango.
"O-Okay naman ako." Mas namutla pa siya at halata sakanya ang pagsisinungaling dahil hindi siya makatingin sakin ng maayos.
Lumipat ako sa tabi niya kahit tinatamad akong tumayo. Tumingin siya sa tyan ko na para bang ngayon lang niya napansin na buntis pala ako.
"Kaya ka rin ba magpapakasal kasi nabuntis ka?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. That's offending. Dahil sa reaksyon ko, namutla siya lalo. "I-I'm sorry!"
Ngumiti ako. "Okay lang."
"Ako kasi, papakasalan lang kasi wala na siyang choice. Dahil buntis ako." Tumikhim siya. Nagiwas siya ng tingin at nahalata ko ang sakit sa mga mata niya. "Kasalanan ko rin siguro kasi ako naghabol, ako nagalay ng puso ko at pumayag maging rebound niya."
Wala ako masabi. Kitang kita ko na nasasaktan siya pero wala siyang magawa. Halos mangilid na ang luha niya. Tumingala siya para pigilan ito. Hindi ko alam kung bakit sobra ang simpatya ko sakanya.
"I thought he'll learn to love me too, kaya pumayag ako sa lahat." Ngumiwi siya. "Kahit libog lang, okay na ko. I settled for that para lang makasama ko siya at para sa unting pag-asa na mamahalin din niya ako."
Napapikit ako ng mariin. Now I know why I sympathized her that much, ganun din ang nangyari sakin nung una. But, Jasper fell in love with me too. He did, didn't he?
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
