Chapter 53

11.5K 180 2
                                        

Hinaplos ko ang mukha ni Jasper. Binaling niya ang atensyon sakin at binitawan ang Ipad. Umupo agad ako sa kandungan niya.

"Are you excited?"

Tumango siya at hinalikan ang pisngi ko. "It's been 4 years. Tumangkad kaya si Casper?"

Napatingin ako sa picture frame sa tabi ng sofa, silang tatlong magkakapatid 'to. Si Cj, si Jasper and Casper. Casper is just 15 years old. Halos 6 years ang agwat niya samin. Sabi ni Jasper, he was sent to London to study. Ika niya, unlike them, mas mature siya mag-isip and he was dead serious with studies. At ngayon, uuwi na siya dito for good, dito narin daw niya ipagtutuloy ang pag-aaral. Nangulila siguro siya sa pamilya.

"Sigurado binata na yun." Sabi ko at tumayo nang dumating si mommy Carla. "Hello po, mommy."

"Nikita!" Bungad niya at yumakap sakin. "I'll introduce you to my youngest son! Nako, I missed him so much."

Ramdam ko ang pangungulila ni Mommy Carla sakanya. I don't know how she got to let go of Casper pero hindi ko alam kung kaya ko rin gawin yun sa baby girl ko paglaki niya. Hinimas ko ang tyan ko at naramdaman kong tumayo si Jasper sa tabi ko. He kissed his mother on the cheeks.

"Tara na po ba?" Aniya.

"Yes, yes, we'll go." Sabi ni Mommy Carla at hinawakan ang kamay ko. "Dahan dahan, Nikita, ah?"

Ngumiti lang ako at tumingin kay Jasper na nakahawak na ngayon sa bewang ko. Nakatingin siya sa tyan ko na para bang gusto rin niya na magdahan dahan ako. Mga OA. Gusto ko tuloy humagikgik. Natutuwa parin naman ako sakanila ng mommy niya.

Mabilis kami nakarating sa airport. Nagpalinga linga kami at nagulat ako nang biglang sumigaw si Jasper. "Casper!"

Tumingin kami lahat sa tinitingnan ni Jasper. He immediately took my hand at nagpahila ako sakanya papunta kay
Casper daw. I was shocked, it was like I was looking at a younger version of Jasper. Magkamukha talaga sila, mas mukha lang matapang si Casper.

"Kuya!" He grinned. Inakbayan siya ni Jasper na ngiting ngiti.

I know this. Sobrang attached ni Jasper kay Casper kasi he wished for him. Gustong gusto daw niya dati magkaroon ng mas batang kapatid kaya sobrang close nila ni Casper.

"Mommy!" Agad na yumakap si Casper sa mommy niya. "I miss you."

Ngumuso si Mommy Carla at mangiyak ngiyak na tiningnan si Casper. "Ang tangkad mo na. You're not a baby anymore."

Tumawa si Casper at inakbayan ang mommy niya. "Baby mo parin ako, mommy."

Nagtanguan lang sila ni Daddy Dan, parang magbarkada lang, ganun. Luminga si Casper hangga't sa mapunta ang atensyon niya sakin. His attention immediately flew to my tummy.

Inakbayan ako agad ni Jasper. "Cas, my fiancée, si Nikita."

Tumingala ako saglit kay Jasper at binalik ang tingin kay Casper. He grinned widely. "Binuntis mo agad, kuya?"

"Baka makawala pa eh." Sinapak ko agad si Jasper. "Aw naman, babo."

Tumawa si Casper. "Ate Nikita, bakit ka nagpaloko?"

Napahagikgik ako. Natawa ako sa sinabi niya. "Galing mangbola ng kuya mo e."

"Teka," Biglang napaltan ang itsura ni Casper ng pagtataka at napaltan din agad ng pag ngisi. "Siya ba yung kinekwento mo dati sakin?"

Nakangising tumango si Jasper. "Yup."

"You finally got her." Pag ngisi ni Casper.

Hindi ko mapigilan mapangiti. He finally got me? Hindi ba't ako ang naghirap dito? Ako pa nga ang nanligaw.

"What do you mean?" Agaran kong tanong. "Eh mas pachix pa 'tong si Jasper sakin."

Tumawa ng malakas si Casper at binalingan si Jasper. "Nakakahiya ka, kuya! Mukhang si Ate Nikita pa ang gumawa ng paraan para kayo talaga magkatuluyan, ah?"

"Hindi ah!" Umiling agad si Jasper at hinapit ang bewang ko. "Sakin naman talaga siya from the start. Mas atat lang talaga siya sakin kaya mas nauna siya gumawa ng paraan pero syempre nung nagiging tabingi na, ako na gumawa ng paraan. Hindi ako makapapayag na sa iba pa siya mapunta 'no!"

"Dapat lang, kuya!" Natatawang sabi ni Casper at hinila na ang maleta niya. Mukhang babalik na kami sa kotse.

Dumeretso kami sa bahay ng mga Elizalde. May family dinner daw ang mga Elizalde at kasama na ako dun kahit hindi pa kami kasal. Hindi ko alam kung ano nagawa ko, masyado ako naging swerte at sa mga Elizalde napunta.

They were all seating down at halata sa itsura nila na masaya sila ngayon. Finally, they're complete. Matagal din nawala si Casper. Kaya siguro wala akong alam masyado about sakanya nung nagsisimula palang kami ni Jasper.

Pinasadahan ko sila lahat ng tingin. Nilalagyan ng kanin ni Mommy Carla si Daddy Dan sa plato. He was smiling at her as if he was really impressed and proud to have her as his wife. Ang cute nila! Mommy Carla is really sweet and thoughtful and Daddy Dan is the serious type pero mahal na mahal niya si Mommy Carla. I guess kay Daddy Dan nakuha ni Jasper ang pagiging snobero at kay Mommy Carla naman ang mapagalaga.

Tulad ngayon, siya naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Veggies, yey!" Sarcastic kong sabi nang maglagay siya ng gulay sa plato ko. I don't eat vegetables. Nakakainis 'tong si Jasper at pinipilit nanaman ako. May narinig ako na halakhak mula sa kabilang ebayo ng lamesa.

Napatingin ako kay Casper.

"Kuya, pati ba naman si Ate Nikita ginaganyan mo?" Bumaling siya sakin. "Alam mo ba ate, ginaganyan ako dati niyan nung 10 palang ako."

"I guess he's like that to the people he loves dearly." Mommy Carla added. Napasulyap ako sakanya bago bumaling kay Jasper na naka ngiti kay mommy Carla.

I felt so much affection and importance. Mahal na mahal ko talaga ang lalaki sa tabi ko. I smiled at him kaya napatingin siya sakin. He looks so confused kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Damn it, I love him so much. Hindi ko alam kung na-ooverwhelm lang ako sa naririnig ko pero damn this, I love him so much.

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon