Nagsusulat ako sa private notebook ko. I know I'm not doing good with Jasper but I can't just ignore his 19th birthday. Nagsusulat ako kung ano pwede kong gawin. I like surprises therefore I also like doing it to others.
"Ano ba yan? Kanina ka pa nakasubsob sa notebook na yan." Sinisilip pa ni Cla yung notebook. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo, Cla, walang araw na hindi mo pinapakielaman ginagawa ko."
"Simula kasi ng kinasal ka naging busy ka na... At mas sabog at lutang." Tumingin ako sakanya ng marinig ko siya tumawa. "Pinapagod ka ba ng sobra ni Jasper kaya ka ganyan?"
Nanlaki mata ko. "Clarise Jane Pavon!"
Tinaas niya yung kamay niya ng tumatawa. Nakitawa narin si Alex at Steven. "You don't have to be so guilty about it, Nikki."
"Hindi naman eh. Ang SPG mo talaga."
"Asuuus, kunwari ka pa." Tiningnan niya si Jasper sa kabilang table na kasama mga ka-blockmates. "Para namang hindi niyo nagawa dati."
Napasapo ako sa noo ko. Jusko. Hindi ko alam kung magsisisi ako na sinabi ko sakanya yun eh.
Nagshrug lang si Alex at Steven. They know too but not everything. Si Cla talaga ang pinaka may alam. I never hid anything from her.
Tinapik ako ni Steven. "Okay na ba kayo?"
"We were never okay, Steven." Sabi ko ng seryoso pero ngumiti ako. I can't help but smile. Laging nakangiti 'tong si Steven, nakakahawa pag kausap mo siya.
"You will be, Nikki." Napakunot ko. "Sabi nga ni Nicholo, 'everything will be okay, if it's not okay, it's not the end'." Napatingin ako sakanya. How did he know?
I suddenly remembered something. "Clarise?" Napatalon siya sa gulat. I eyed her. "Ano meron sainyo ng Nicolet ko?"
"W-Wala ah!" Umiwas siya ng tingin at namula. Pinalo ko siya bigla sa braso. "Aray! Oo na! Meron, meron!"
"Oh my god." Napatayo ako. "Sabi na eh!"
"Just.... Nikita naman eh." Namula uli siya. "Alam mo namang long time crush ko yang kambal mo."
"And so?"
"He..." Napakagat siya sa labi niya. "Diba nagpunta ako sa New York last summer?"
Tumango tango naman ako. Tiningnan niya ako na para bang ang slow ko. "Nandun din si Nicholo!"
"Yeah. And, we spent some time with each other. Ayun. I don't know."
Napakurap ako. "Clarise, sinasabi mo bang you're in a relationship with my twin?"
"No!" Sigaw niya agad. "I mean, I don't know. It's complicated." Namula siya at yumuko.
Damn, no, don't let this happen to Clarise too.
**
"Nicholet!" Sigaw ko pagpasok ko ng bahay. Nakita kong lumabas si manang ng kitchen. "Good evening, manang! Si Nicholo po?"
"Good evening din, Nikki. Nasa kwarto niya." Tumingin siya sa likod ko. "Kasama mo ba asawa mo?"
Napangiwi ako. Asawa daw. Shit. "Opo, manang. Nasa kotse."
May kinuha muna ako. Tumakbo nako paakyat at walang katok katok na pumasok sa kwarto ni Nicholo. Nagulat siya pero nawala din agad yun nung nakita niyang ako ang pumasok.
"Hi, baby!" Sabi niya at bumangon ng kama. Nakahiga kasi siya pero nagcecellphone.
Lumapit ako sakanya at pinalo ang walis na hawak ko. "Gago ka Nicholo!"
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...