Chapter 42

9.2K 165 8
                                    

[JASPER's point of view]

"Jeanina please naman o." Pagsusumao ko sakanya.

[Mamamatay ako Jasper, hindi mo ba iniisip yun?] wika niya sa telepono.

Binaba ko na agad yung tawag. I had enough of this.

"Ano nangyari, pre?" Napalingon ako kay Lance at tinapik niya braso ko.

Umiling ako. "Ayaw parin niya."

"Eh sobrang nahihirapan ka na, eh?" Nakita ko ang awa sa mata niya.

"Hindi ko naman siya pwede pabayaan mamatay."

Napatingin ako sa gawing likuran ni Lance ng may dumaan na babae. Awra palang niya kilalang kilala ko na. Tinitigan ko kung pano niya kulitin ang kaibigan niya, si Steven. Bakit kaya niya ito kinukulit?

Miss na miss ko na siya. Hindi ko alam kung pano ko nakakaya malayo sakanya ngayon. Kung pano ko napipigilan sarili kong takbuhin siya at yakapin.

"Nagkahiwalay pa kayo nang tuluyan ni Nikita dahil diyan." Dagdag pa ni Lance.

Naalala ko yung paskuhan.

"TAMA NA, PWEDE BA?! Ano bang mahirap intindihin sa ayoko na?! Ayoko na sayo, Jas. Ayoko na!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya. Hindi ako nakapagreact agad at nagulat nalang ako nang tumakbo siya palayo. Hindi na siya lumingon. Tumakbo lang siya hangga't hindi ko na siya makita pa.

Ganun niya ba kagusto malayo sakin?

Hindi ko na mapigilan na hindi maiyak. Nanlulumo akong bumalik sa car park para kunin sasakyan ko. Kailangan ko pa siya hanapin. Pano siya uuwi? Gabi na para mag commute.

Nagulat ako nang maabutan ko si Jeanina na nakatayo parin dun. Akala ko tapos na paguusap namin?

"Ano yun?" Tanong ko ng wala sa ayos. I need to go fast. "May sasabihin ka ba?"

She quickly rushed near me and cupped my face. "Umiyak ka ba?"

Umiwas ako ng tingin. "May kailangan ka ba?"

"J-Jas, c-come back to me." Mahina niyang sabi.

Umiling ako. "I told you, I only love you as a friend now."

"M-Maybe you can love me again?" Hinawakan niya kamay ko pero iniwas ko yun.

Lumapit na ako sa kotse ko. "I badly need to go."

Susundan ko pa si Nikita. We need to make up. This is just a misunderstanding.

Sumakay agad ako.

"JASPER!" Natigilan ako sa pagsigaw ni Jeanina. Tumingin ako sakanya.

She sobbed loudly. Nanlaki mata ko.

"I'm sick!" Sigaw niya. "At hindi ako magpapagamot pag hindi moko binalikan!"

Tumakbo siya bigla palayo.

What the fuck?

Napahilamos ako sa mukha ko. Can this day get any worse?

One night changed the flow of my life. Pagkatapos ng araw na iyon, sinubukan ko kausapin si Nikita pero mailap siya. At naisip ko ang kalagayan ni Jeanina kaya pinuntahan ko narin siya. She has inflammatory heart disease since I don't know when. Hindi daw siya magpapagamot hangga't wala ako sa tabi niya.

Since ayun sinabi niya, sabi ko, mananatili ako sa tabi niya pero I can't be her boyfriend anymore.

Simula nun, lagi siya nagpupunta kung nasan ako... Sa condo. Sa school. Kahit saan.

Naging sobrang demanding din niya. She doesn't even want me around any girl even my friends. Ang hirap niyang pakisamahan ngayon at ginagamit niya lagi ang sakit niya.

"Sino yun?" Tanong ko. May narinig kasi akong nagdoorbell kaso hindi ako agad nakalabas ng kwarto kasi may inayos ako.

Ngumiti lang siya. Pinasadahan ko siya ng tingin. "Sorry, makikiligo sana ako."

Tumango ako at pumasok na uli sa kwarto ko. Sinigurado kong naka lock ang pinto.

Ayoko man aminin pero para siyang naging desperada. She comes here and seduces me nonstop pero kahit isang beses hindi ako bumigay. Only Nikita has the power to seduce me. Kaya nagkukulong ako sa kwarto pag nandyan siya hangga't umalis siya.

Nakakapagod at ang hirap. Lalo na't hindi ko man lang mabalikan si Nikita.

"Kausapin mo kaya. Mag explain ka!" Suggestion ni Lance.

Tinitigan ko uli si Nikita. Something's different about her. She's blooming. Inlove na ba uli siya? And nagkakalaman siya.

Ganyan ba siya kasaya na wala ako sa buhay niya?

"Mahihirapan lang siya." Bumuntong hininga ako. "Hahatiin ko ang oras ko sakanila ni Jeanina? She doesn't deserve that."

"Alam namin ni Jeanina na si Nikita na ang mahal mo."

Una palang alam na niya pero she kept on denying it. Bestfriends lang daw kami ni Nikita.

"Pero ayoko." Sabi ko. "Gusto ko pag bumalik ako sakanya, buong buo na uli ako. She deserves so much more, Lance."

Nakita ko siyang tumayo at naglakad. Mag C-CR uli siya? Tumayo ako at nagpaalam kay Lance. I just wanna watch her, kahit sa malayo lang.

Naglakad lang siya hangga't bigla siyang huminto. Nilabas niya ang phone niya at dinikit sa kanyang kaliwang tenga.

"Bakit ka tumawag?" Masungit niyang sabi. I wanted to laugh. Ang cute niya masyado.

"4pm ata. Bakit? Sasamahan moko sa check up ko ngayon?" Tanong niya sa kausap na may halong lambing.

Check up? Para saan?

"Thank you!" She suddenly giggled. "See you later."

Nilayo na niya sa tenga niya ang phone at binulsa. Inayos niya ang suot niyang malaking sweater at naglakad uli.

Napansin ko na ginawa nanaman niya ang madalas niyang gawin nitong nakaraang buwan. Ang himasin ang tyan niya. Why? Is she hungry?

_____________________________________________________________________________

Very short update. Ayoko kasing maglabas masyado ng feelings ni Jas. I need comments. I badly need comments. Mas napupursige ako mag update pag may comments. Salamat din pala sa nagvovote every chapter. Sobrang nakaka excite magbukas ng Wattpad tuwing umaga dahil sainyo. :)

Salamat ng marami. :) 

- Francielle

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon