Chapter 48

11.4K 200 3
                                        

“Nikita!” Halos pasigaw niyang sambit. “Anong ginagawa mo dito?”

Napahawak ako sa dibdib ko at mejo kumalma na. “Jusko, Lance, ginulat mo naman ako. Akala ko kung sino na.”

Pero hindi nawala ang panic sa mukha niya. Sumulyap pa siya sa likod niya at nagmamadaling lumapit sakin.  Naglakad siya pabalik balik at nanigas nang may sumigaw.

“Lance!” Nanigas din ang laman loob ko at naghuramentado agad ako. Boses palang yan ha.

Napahawak ako sa tyan ko at napatingin kay Lance. Hindi ko man lang naisip na kaya siya nandito kasi kasama niya si Jasper. Ano nga ba gagawin niya dito, diba?

Narinig ko ang mga tapak paakyat ng hagdanan. Paakyat na siya! Shit. Mas lalo ako nagpanic pero hindi ako makagalaw. Hindi narin gumalaw si Lance sa harap ko at nanlaki lang ang mata. Pareho kaming na statwa dun at hinihintay nalang ang pagdating ni Jasper.

“Anong ginagawa mo dito, Cla?” Rinig kong tanong ni Jasper sa labas lamang ng kwarto.

Nandito rin si Cla? Paanong? “J-Jasper? Ikaw, anong ginagawa mo dito?”

Nagkatinginan kami ni Lance at pareho kaming nakinig na lamang. “Bahay ko naman ‘to, ah? Teka, nandito ba si…”

Nakarinig kami ng mabilis na hakbang at bumukas agad ang pintuan. Niluwa non si Jasper na nanlaki ang mata nang makita niya ako. Hinigit ko ang kumot at tinakip sa katawan ko pero feeling ko huli na ang lahat, napasadahan na niya kasi ng tingin ang katawan ko. Napaawang agad ang bibig niya.

“Oh my gosh, Nikita!” Agad na dumalo sakin si Clarise. “Ano bang ginagawa mo dito?”

Tumingin ako kay Clarise kasi hindi ko na kaya tingnan pa si Jasper. Naghuhurimentado ako.

Hindi na ako pinagsalita ni Clarise. “Kanina ka pa hinahanap ng mga kuya mo.”

Hinawakan ni Clarise ang palad ko.

“N-Nagtext ako sakanila.” Mahina kong sabi sakanya.

“Kahit na ‘no! Ngayon pang…” Sumulyap siya kay Jasper na nakatitig parin sakin. “Nako, tara na nga!”

Hinigit niya ako patayo pero nagulat kami nang nasa tabi na namin si Jasper at pinigilan ang ambang pag-alis namin. Nagulat si Clarise at napa atras sa presensya ni Jasper.

“Pare.” May humawak sa braso ni Jasper. Must be Lance.

Nilingon ito ni Jasper pero saglit lang at lumipad uli ang tingin sakin. Tinitigan niya ako ng mariin kaya ako na mismo ang umiwas. Ano ba! Wala nako masabi dito!

 “A-Aalis na kami, Jas.” Nauutal na sabi ni Clarise sabay higit uli sakin pero humarang si Jasper. “Shit.”

“Pare, let them go.” Mariin na sabi ni Lance pero hindi siya tiningnan man lang ni Jasper.

Napapikit ako ng mariin at yumuko nalang kasi ayoko makipagtitigan sakanya. Nawawalan ako ng lakas. Titig palang niya nanlalambot na tuhod ko.

“Jas,” mariin na tawag sakanya ni Lance. “Let them.”

“Ano ba?” Halata na ang galit sakanyang boses at hinawi ang hawak sakanya ni Lance. Halatang naiirita na sakanya ang kaibigan.

Umatras si Cla at imbis na pumalagitna ay lumayo siya. Napa awang ang bibig ko nang marealize ko na magkatapat na kami ni Jasper kaya tumingin agad ako kay Cla, nagtatanong kung bakit niya ginawa yun, ngayon malaya nang titigan ni Jasper ang katawan ko, ang tyan ko!

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon