Chapter 39

8.9K 152 1
                                    

"Hey." Malambing na bati sakin ni Nicholo nang magmulat ako ng mata.

White ceiling. Shit. I'm in a hospital.

Umupo ako at inalalayan niya ako na para bang hindi ko kaya. Inirapan ko agad si Nic. "What happened?"

"Tinawagan ako ni Cla kanina. She said you collapsed at dinala ka nila dito sa ust hospital." Tumango ako sa sinabi niya. Must be because of stress. "Buti nalang halos katabi lang ng building niyo 'to."

"Can I be discharged now?" Tanong ko at tiningnan pa ang swero na nakakabit sakin. I hate this.

"I don't know, baby." Aniya. "Si Cla nakausap ng doctor and she told me to wait for her."

Tumango ako. "Nasan na ba siya?"

Hindi na nakasagot si Nic sa tanong ko nang bigla bumukas ang pinto at iniluwa nun ang jowa niya.

Tumingin siya sakin at ngumiti. "Oh good you're awake."

Dumeretso siya sa akin at inilapag yung mga bitbit niya sa side table. "Ano yan?"

"Fruits." Sagot niya.

Nakita ko si Nic sumilip sa plastic. "A lot of them."

"May sakit ba akong nakakamatay?" Natatawa kong tanong.

"Wala, gaga." Sagot agad ni Cla. Kumuha siya ng apple at binato kay Nic. "Baltan mo. Ngayon na."

Nang tumayo si Nic at pumunta sa malapit na table. "Sa CR ka magbalat at mag-uusap kami ni Nikki."

Nagulat kami pareho pero ako lang natawa. "Bakit naman sa CR?"

"Kasi sabi ko. Dalian mo na. Ang arte mo, gago."

"Tangina naman." Pagmumura ni Nic pero pumasok parin sa CR para magbalat ng apple.

Tumawa ako. Alila kambal ko, shet.

Napatingin ako kay Cla kasi seryoso siyang nakatitig sakin. "Tangina, hindi mo alam 'no?"

Kumunot noo. Hindi ko siya maintindihan. "Alam na ano?"

"Nikita..." She trailed na para bang iniisip niya ng mabuti ano sasabihin niya. "When was your last period?"

Napakurap ako ng maraming beses. "W-What?"

"And when was the last time you made love with Jasper?" Dagdag pa niya.

Kinabahan ako sa dalawa niyang tanong. "Clarise, ano ba yan?"

"Just answer the question, Nikki."

Umiling ako. "Am I pregnant?"

Dineretso ko na yung tanong. Kinabahan ako sa isasagot niya...

Unti unti siyang tumango. "6 weeks."

Nanigas ako. I don't know what to feel. Should I be happy? I am somehow happy. I have always wanted a kid. Pero paano na yan?

"Anong plano mo?" Tanong niya at hinawakan kamay ko. "Ako palang nakakaalam. What should we do?"

"I-I don't know." Sabi ko at napahawak sa tyan ko. So that's why may bump. "But surely I will keep my baby."

"Baby?" Napatingin kami sa pintuan ng CR. Lumabas dun si Nicholo hawak hawak yung apple na balat na. "You're pregnant?"

Tumango ako. I will never lie to my twin.

"Kay Jasper?"

"Duh! Nic naman!" Sabi ni Cla na may pagka irita. "Kanino pa ba?!"

"I was just asking." Giit ni Nic. Tiningnan niya uli ako. "Will you tell him? Will you tell mom and dad? What are your plans, Nikki?"

"O-Of course." Sagot ko sa parehong tanong niya. "May karapatan silang malaman."

Hinimas ko ang tyan ko. Goodluck to us, baby.

Dumeretso na ako sa condo ni Jasper. Nalaman ko kasi na bumalik siya dito at walang nakatira sa apartment namin ngayon.

Pina ulit ulit ko sa sarili ko na may karapatan si Jasper sa anak namin. Besides, I want us to face this together. Kung ayaw man niya sa baby namin, sa akin, I can do this on my own... Pero syempre mas maganda kung parehas kami. One thing's for sure, I won't force him.

Huminga muna ako nang malalim bago mag doorbell. Okay, hinga Nikita. Everything's going to be fine.

Nabitawan ko yung plastic na hawak ko. Surebol na sira na yung cupcake na dala ko.

"Omg, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jeanina. Lumuhod siya at pinulot ang plastic na dala ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya na halos wala nang nakatakip kundi towel. Agad na namula ang mukha niya.

"S-Sorry." She gave me a shy smile. "You want me to call Jas?"

Umiling ako agad. Hell no. "H-Hindi na. Ano..."

Naghanap agad ako ng excuse. I need to go. I can't stay any longer.

"Okay lang naman siguro. Kaso tulog pa siya baka matagalan?"

Lalo akong umiling. "H-Hindi. A-Ano. Actually, i-ikaw pinunta ko dito."

Napapikit ako sa nasabi ko. Think of something, Nikita.

"Ako? Bakit naman?" She smiled at me warmly as if she's not only covering herself with a towel.

"A-Ano.. Tatanong ko sana kung ano number ni Jasper. N-Nabura kasi... T-Tapos may surprise kami sakanya... Oo. Ayun nga. Kaya wag mo sana sabihin na dumaan ako." Damn excuses. Buti nalang mabilis ako mag-isip.

But damn. Dalian mo, Jeanina. Baka tumulo na luha ko dito. "S-Sure."

I can't hold it any longer... Kinuha ko phone ko. "W-Wag na pala! Nasend na sakin. Sorry sa abala. I got to go."

Tumalikod na ako agad at sabay nun ang pagtulo ng luha ko.

"Ingat ha?" She said sweetly at winave ko nalang kamay ko.

Damn it, Nikita. Bakit mo pa kasi naisip yun? Si Jeanina mahal niya, you idiot. Stupid girl. Stupid motherfucking girl.

Hindi ko na alam pano i-eexplain kung pano kumirot dibdib ko ngayon. How can he possibly break my heart when it's already shattered in pieces?

I rubbed my tummy.

I'm sorry, baby. But I guess we need to live on our own.

"Tangina talaga." I sobbed habang nasa elevator. Kinuha ko agad phone ko at dinial number ni Nicholo.

[Yes, baby?] He immediately answered.

"P-Please, Nic." I sobbed. "Pick me up."

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon