"Akala ko magbabago na ngayong kasal na kayo." Napatingin ako Clarise at tumingin sa paligid. Baka kasi may nakarinig.
"What?" Tanong ko dito.
Tumingin siya sakin. "Secret married couple naman kayo ngayon?" Umiling siya. "Dati secret more-than-friends kayo eh. Akala ko magbabago na yang Jasper na yan."
Nakita kong tumingin siya sa isang lugar. Ah, kela Jasper. "It's my choice this time, Cla."
"Ano?!"
"Cla, ayokong may ibang maka alam na kasal kami."
"Nikita, isn't that unfair?" Napatawa ako ng sarcastic.
"Unfair? Kanino? Sakanya? Bakit? Naisip ba niya dati na unfair sakin na tinago niya ako dati sa lahat? Yung pag papanggap na hindi kami magkakilala dito sa school pero naglalandian kami sa dorm niya?" Umiling ako at biglang sinarado yung librong binabasa ko lang kanina. Nairita ako bigla. Ano bang iniisip ni Cla. Alam naman niya ginawa ni Jasper sakin dati.
"Revenge is sweet, but moving on is sweeter." Napatingin kami pareho ni Cla nung nagsalita si Steven.
Umiling ako. "It's not revenge, Steven. And naka move on nako."
"It looks like your actions are telling me otherwise." Ngumiti siya ng napaka lapad. "If you have moved on, Nikita, you won't be seeking for revenge."
Hindi ako makasagot at nakatitig lang ako sakanya. Steven and his words of wisdom.
**
"Hello, good evening." Pormal na bati ko kay Jasper ng nakita siyang naka upo sa sofa. Gabi narin kasi ako nakauwi kasi.... Well, ayoko lang talaga umuwi ng maaga lalo na't siya lang sasalubong sakin. Napatayo siya bigla.
"Kumain ka na ba? Nagtake out ako." Tumingin ako sakanya at nakangiti siya. Tumango nalang ako at dumeretso sa kusina.
Kumuha nako ng plates at inilapag dun. Binuksan ko narin yung tinake out niya at inilagay sa bowl. Umupo nako at hinintay siyang ma-upo narin.
Bigla siyang nagdasal. Napangiti ako. Hindi kasi siya ganun dati pero nakita niya na yun ginagawa ko kaya nasanay narin siya.
Nagdasal narin ako at nagsimulang kumain.
"Nikita," napatingin ako sakanya. "Are you mad at me?"
"Mad? Bakit ako magagalit?"
Umiwas siya ng tingin. Sumubo nalang uli ako. Infairness ang sarap ah... But the taste was kind of familiar. San ko ba natikman 'to?
"Dahil dati." Nabitawan ko kubyertos ko. Napatingin ako sakanya. Is he really asking me that?
Napangiti ako ng mapait. "Pinaasa mo lang naman ako, diba? Ginamit, tinake advantage at pinaniwala na kahit papano kaya mo rin akong mahalin." Ngumiti ako ng napaka sarcastic. "Okay lang. Wala yun sakin."
Tumayo ako at kinuha plato ko. "Sa taas nako kakain, may gagawin pa ako eh."
Asa naman siyang iiwan ko pagkain ko dun. Gutom kaya ako. Bawal huminde sa grasya.
Pumasok ako agad sa kwarto at nilapag sa table yung plato ko. Napabuntong hininga ako.
Nainis ako sa sarili ko. I never meant to tell him that. After nung nangyari samin 3 years ago, ginawa ko lahat para mapaniwala siya na hindi ako naapektuhan at nasaktan. Na wala lang para sakin yung ginawa niya... Kahit alam ko sa sarili ko na sobrang nasaktan ako at sobrang laki ng nagbago sakin dahil dun. But he didn't have to know that. I don't want to give him the satisfaction of knowing that he gave me so much pain.
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...