"Ganda ah?" Umikot ako at nakita si Nicholo sa may pinto. Naka dantay siya dun at nakangiti sakin.
"Kambal moko, e." Tumawa ako. Pinagmasdan ko siya naka itim siyang long sleeves na nakatupi hanggang siko niya at naka dark blue jeans. Sobrang bumagay sakanya suot niya at mas nalabas pa nito ang pagiging chinito niya. "Kaya ang pogi mo, e."
"Syempre!" Sabi niya at may nilabas mula sa likod niya. "Oh, baka sabihin mo si Cla lang bibigyan ko eh."
Inabot niya sakin ang isang red rose with a long stem. Napangiti ako sa pagiging sweet ng kambal ko. "Thank you, Nicolet."
"Anything for my baby." Aniya at tumalikod na.
Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog ito.
"Hello?" Pagsagot ko ng hindi man lang tinitingnan kung sino tumawag.
[Babo, I'm here.] Automatiko akong napatingin sa bintana. Nandun na nga siya. Nakasandal siya sa kotse niya at hawak hawak ang phone sa tenga.
"Okay." Sabi ko at binaba na ang tawag.
Hindi ko alam kung bakit ako na-eexcite makita siya. I miss him a lot and I know it's my fault why. Pero this space did me good. I know what I'm supposed to do now.
Nangangatog akong bumaba ng hagdan at nadatnan ko dun si Nicholo na palabas narin ng pinto.
"Excited?" Naka ngisi niyang tanong sakin.
"Ikaw ang excited." Sabi ko at ngumisi sa hawak niyang bouquet. Isang piraso lang na rose yung akin ha. "I'll go ahead, Nic. See you there."
Tumango siya at pina una na akong lumabas ng pinto. "You take care, baby."
Bumungad sakin ang katikisan ni Jasper. Nakasandal parin siya sa kotse nita at ngayon ay nakatingin sa dereksyon ko. Nagwawala na ang mga demonyo sa tyan ko.
Nakasuot siya ng red na polo na nakatupi rin hanggang sa siko na parang kay Nicholo. Naka bukas nga lang yung sakanya na pinapakita ang itim niyang v-neck undershirt. Naka itim naman siyang pantalon. Mas lumilitaw ang kaputi-an niya dahil sa suot niya.
Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. Ngumisi siya agad nang makita niya akong palapit.
Tumawa at kumamot sa batok. "Feeling ko sinusundo ko yung crush ko at magkakaroon kami ng first date."
Tumawa ako at lumapit sakanya. I honestly feel the same too. I can't stop the butterflies in my stomache, babo.
Mejo na conscious ako ng pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.
"Nagka terno pa tayo ah." Aniya at ngumisi.
Napatingin ako sa dress ko. Naka red din akong simple dress. Terno nga kami. Red. For Christmas.
Binuksan na niya yung pinto ng kotse niya at pinapasok ako. Umikot narin siya at pumasok narin.
"Are you excited?" Sumulyap siya sakin at napangiti nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya. Umiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa bintana. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
"O-Oo, maganda daw fireworks this year eh."
"Fireworks, huh.." Sabi niya at ngumisi. There's something about fireworks.
"Here we are!" Napatingin ako sa labas. We're here! Buti nalang nakahanap agad siya ng parking. Lumabas na kami, inayos ko pa dress ko at sinabit na ang maliit na bag sa akin. Phone at wallet lang naman ang nandito. At isa pang bagay...
"Daming tao." Komento ko. Nagpalinga linga ako. Ang dami talaga. Napa tingin din ako sa phone ko. "Wala rin masyadong signal."
"UST nga naman." Sabi ni Jasper at kinuha kamay ko. "12 am daw ang fireworks. 11:30 na, tara na sa lover's lane."
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...