Chapter 15

16.6K 283 0
                                        

A date, huh?

Date lang naman 'to pero bakit parang nahihirapan ako magdecide ng susuotin?! Para namang hindi pako nakikipagdate dati... Oh yeah, hindi ako mahilig makipagdate. -___-

Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa kwarto ni Jasper. Babawiin ko pa sana kaso wala eh, naka katok nako.

"Oh?" Narinig kong tinig niya sa loob ng kwarto.

"May itatanong lang ako."

"Pasok." Binuksan ko naman agad yung pinto at pumasok.

"San ba --- Tangina naman Jasper!" Tumalikod ako agad at nagtakip ng mata. SHIRTLESS. Gagong 'to! "Bakit moko pinapasok eh nagbibihis ka pa?!"

"Ha? Eh nakita mo nanaman --"

"Che!" Hindi ko na siya pinatapos. Huminga ako ng malalim. Kinalma ko sarili ko. Ayoko makipagaway ngayong gabi. "San ba tayo pupunta? Hindi ko kasi alam susuotin ko."

He softly chuckled. "Sa mall lang."

Tumango ako at lumabas na ng kwarto. Walangya! Porket maganda katawan kailangan idisplay?! Maganda rin naman katawan ko pero hindi ko dinidisplay ah! -__- Kahit flat chested ako. Tsk.

Nagbihis nako. Naka light blue shirt ako na may nakadrawing na ice cream sa gitna, pants at converse. Normal lang. Mall lang daw eh. Nagpowder lang ako sa mukha at nagcologne. Ayan okay na. Hindi ko naman kailangan magayos. Mall lang yun at si Jasper lang naman yan. Tss.

Lumabas na ako at saktong lumabas narin si Jasper. "Tara?"

Tumango lang ako, bakit pala ako sumama? Ugh. Ano ba, Nikita.

**

"Anong gusto mo panuodin?" Napatingin ako kay Jasper at pabalik sa listahan ng showing ngayon.

"The Fault in Our Stars?"

Napatingin siya sakin. "Ayun gusto mo?"

"Yeah, why not? Marami ngang gusto manuod niyan eh."

Mejo tumawa siya. "Gusto mong umiyak?"

"Hindi. Syempre." Sinimangutan ko siya. "Pero uso yan eh. Maganda daw."

"Hindi mo pa ba nababasa yan?"

"Hindi pa." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"Seryoso?! Ako nga nabasa ko na yan eh." I shrugged. "Grabe ka."

Umalis din siya agad at bumili ng ticket. Hmmm, never namin ginawa 'to dati ah. Never kaming lumabas o nanuod ng sine, kahit niyaya kona siya. Tinanggihan lang niya ko. Naasar ako sa naalala ko. Pero ayoko muna sirain 'tong araw na 'to.

"Nikki!" Nagulat ako ng may sumigaw pero boses palang alam ko na kung sino yun. Nakita kong lumapit sakin si Clarise. "Sino kasama mo?"

Tuwang tuwa pa si Clarise. "Si Jasper. Ikaw?"

Namula siya bigla at nabigla ako ng sumulpot ang kambal ko sa tabi niya. "Oh, Nikita." Ngumiti siya sakin.

Nginitian ko sila ng may meaning. "Ano 'to? Date?!"

Mas namula si Cla. "Nikita, ano ba, wag ka maingay." Tiningnan naman niya si Nicholo. Siya nga tong maingay kanina pa eh. "Sabi sayo wag tayo dito eh."

"Tsk. Ito pinaka malapit eh." Masungit nitong sabi. Sungit talaga. Tsk.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tiningnan niya lang ako at nagkibit balikat. Kaya siguro sila nagkakasundo nitong si Clarise. Pareho silang masungit.

"Oh! Ano yan? Couple shirt?!" Napalingon ako sa tinitingnan ni Clarise. Naglalakad na palapit si Jasper.

Anong couple shirt?

Tiningnan ko ng mabuti ang shirt ni Jasper. Naka light blue din siya pero normal na design lang naman meron siya. Couple shirt na agad pag ganun?

"Nakakasilaw kayo!" Sigaw ni Clarise kaya napatingin uli ako sakanya. "Para kayong mga couple dyan na pareho lagi kulay ng damit pag nagdadate."

Kinamot ko ulo ko out of frustration. Nakalapit na si Jasper. "Nicolet, alisin mo na nga dito yang si Cla. Ang ingay eh!"

Napa awang ang bibig ni Cla. "Bestfriend moko!"

"Alam ko, at ang ingay mo." Sabi ko at tinulak na siya papunta kay Nicholo. "Alis na kayo!"

Tumatawang hinila ni Nicholo si Clarise paalis. Umiling nalang ako.

"Ano nangyari?" Nakita kong may hawak ng popcorn si Jasper.

Tiningnan ko siya. "Bakit ka ba kasi naglight blue?"

Iniwan ko siya dun na nagtataka.

**

"I can't believe you!" Nirolyo ko uli mata ko for the nth time. For the nth time narin niya kasi sinabi yan. "You're so heartless!"

"Jasper, tumigil ka na nga." Umiiling kong sabi pero natatawa narin. "Porket ba umiyak ka ako din dapat?"

"Hindi naman pero langya, hindi ka man lang naluha o ano!" Ang OA din talaga niya minsan eh. "At hindi kaya ako umiyak!

Nirolyo ko mata ko. Sabi niya eh. Natatawa akong naglakad palayo sakanya. Cry baby. Ang isang Carl Jasper Elizalde --- iyakin!

"Nikita!" Napatigil ako ng may humarang sakin.

"Luis!" Nakita ko siyang ngumiti ng malapad. Napa nganga ako. It's been so long. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ikot lang. Nuks! Bumalik ka dito ah!" Nangaasar niyang sinabi sakin. "Dito tayo nagdate nun eh."

Napatawa ako sa sinabi niya. Date? Date ba yun eh nagkataon lang na hindi nakasama samin yung isa namin kaibigan eh. Nginitian ko siya at inilingan. "Ewan ko sayo, Luis."

Tiningnan niya ako ng mabuti. "Mas gumaganda ka ha!"

Tumawa uli ako. "Kahit kailan talaga mahilig ka mangbola. Pero matagal na akong maganda."

"Ehem." Nagulat ako ng may tumikhim sa likod ko. "Bakit moko iniwan?"

Matampuhin pa niyang sinabi. Sht. Nakalimutan kong kasama ko pala siya. Na overwhelm ako sa pagsulpot ni Luis.

"Ah eh, Luis, si Jasper. Jasper, si Luis." Nagshake naman sila ng kamay. Nakangiti si Luis pero parang galit si Jasper. Dahil ba iniwan ko siya? Babaw naman niya. Tsk.

"Hello." Masayahing bati ni Luis. Itinuon naman niya atensyon siya saakin. "Iba na dinadate mo dito ah. Nung dinala kita dito first time mo dito eh."

Napatawa ako. "Tumigil ka nga."

"Boyfriend mo?" Tanong niya agad. Napalunok ako.

"Asawa, pre." Nakita kong nanlaki mata ni Luis sa sagot niya.

"Asawa agad?!"

"May reklamo?"

Hinawakan ko sa balikat si Jasper. "Ah eh, wala naman." Binulungan ko siya. "Anong problema?"

Umiling nalang siya. "Teka, I remember him!" Biglaang sabi ni Luis. "Siya yung... Oh."

Alam ko na gusto niyang sabihin. Halata narin dahil biglang nawala ngiti niya. Napa-iling ako para hindi niya ituloy. "Luis, we have to go. Itetext nalang kita mamaya."

Tumango siya at nginitian ako. Hindi na niya uli tiningnan si Jasper.. Tinalukaran ko na siya at napabuntong hininga. Isa si Luis sa nakaka alam sa sobrang unrequited love ko kay Jasper noon. Of course he knows him.

And he doesn't like him.

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon