Chapter 3

22K 322 14
                                        

[Nikita's point of view]

"Hello, manang. Si mommy?" Tanong ko agad pagkapasok ko sa bahay. Kinuha ni manang yung mga dala kong libro. Hindi ko na binigay bag ko, baka mahirapan na siya eh.

"Buti naman umuwi ka agad ngayon, Nikki. Nakapaghapunan ka na ba?" Ngumiti siya sakin. Bait talaga ni manang. "Nasa taas mommy mo, nasa office nila ng daddy mo."

"Okay nako, manang, kumain nako. Una na po ako sa taas." Tumango naman siya at umalis na. Umakyat narin ako papuntang office nila. Workaholic parents, psh.

"Oy." Napalingon ako sa nag oy sakin. Maka oy lang eh nuh.

"Nicholo!" Tumakbo ako papunta sakanya at yumakap. "I miss you huhu"

"Ay nako, Nikki, ang bigat mo!" Sumabit kasi ako sa leeg niya. "Bitaw na, para kang bata eh." Bumitaw naman ako at nagpout, ngumiti siya sakin. "Missed you too, baby."

Napangiti ako. Kahit 5 minutes lang tanda niya sakin feeling niya baby rin niya ako, parang si daddy at kuya Neo lang. Perks of being the bunso and unica hija. "Nicholo, wala kang pasok bukas?"

"Wala. Bago na sched ko." Tas nagsmirk siya. "Ikaw?"

"Wala naman." Sabi ko at ngumiti. Tumingin ako sa pintong malapit samin. "Ay teka, hinahanap pala ako nila mommy! See you later, Nicolet."

Umiling nalang siya sa endearment na tinatawag ko sakanya pero ngumiti.

Binuksan ko agad yung pintuan sa office nila at pareho silang napatingin sakin, mukhang may pinaguusapan sila. "Hello 'my, 'dy!"

"Nikita, sit down." Sabi ni mommy at ngumiti. Tumingin ako kay daddy, no reaction. That's weird. Dati pag ganto tatayo yan at yayakap sakin agad.

"May problema po ba?" Tanong ko agad. Nakayuko kasi si daddy. "Daddy?"

"Princess.."

"Shhh, let me do the talking, hon." Napakurap ako. They seem serious.

"Ano po bang nangyayari?" May panic na sa boses ko. Bat mukhang may problema.

"Nikita, baby, promise me that you'll try to understand us, okay?" Lumapit sakin si mommy at humawak sa kamay ko.

"Uhm, okay?"

"You know lolo John, right?" Napakinot noo ko. Malamang. Tumango nalang ako. "May bestfriend siya. Si lolo Carl. They were so close."

"Nameet ko na po ba siya?"

Tumango siya at ngumiti uli. "Yes, but you were still young then."

Well, bata parin ako nung nawala si lolo, so I'm not surprised. "Teka, bat wala sila kuya Neo at Nicholo dito?"

"This only concerns you, baby." Eh? Napatingin uli ako kay Daddy. Hindi ko na gets.

"I'm sorry, princess. TT^TT" nagulat ako ng biglang naging ganun si Daddy. Ganyan naman talaga siya kadrama pero... Ano meron ngayon? "This is daddy's fault." Sabi niya at sinubsob yung mukha sa table. Napa-nganga nalang ako.

"Hon, stop that. Sabing ako na bahala eh."

"Mommy, please tell me what's happening." Sabi ko ng hindi nako makatiis. "I don't get it anymore."

"You know you're daddy's too gay for anything." Napangiti naman ako sa sinabi ni mommy.

"Princess!! Huhuhuhuhu" Nagsimula nanaman umiyak si daddy. "I'm really sorry!"

"Hon!"

"I'm really sorry princess!" Sabi niya at nagpapapadyak pa.

"Hon, stop!" Sabi ni mommy at lumapit na sakanya.

Tumayo si daddy at tumakbo sakin. "I'm sorry princess!" Yumakap siya sakin. "You're getting married! I'm sorry. Huhuhu"





Wait, what. WHAT.

**

[Nicholo's point of view]

"Nicholo.." Narinig kong kumatok si Nikki sa kwarto ko. "Nicholo?"

Binaba ko phone ko. "Yes, Nikita?"

"Can I come in?" Napakunot ko. This is weird. Usually pumapasok nalang siya bigla at pasigaw pa. Tumayo ako.

"Go ahead." Binuksan niya ang pinto at sinarado pagpasok niya. Nakita kong namumula mga mata niya. "Nikita, what's wrong?"

Tumakbo siya palapit sakin at yumakap. "Nicholo, what am I supposed to do?" Sabi niya at humikbi.

Hinagod ko likod niya at niyakap rin siya. I never liked seeing my twin sister cry or even sad. "Shhh, tell me what's wrong, baby."

"Nicholo," humikbi siya at narinig ko siyang tumawa ng mahina. Halatang pilit. "Who would have thought that fixed marriage is still applicable in 2014?"

Tinulak ko siya ng unti para makita ko mukha niya. "What are you saying?"

"Nic, they're going to get me marry someone."

Napakunot noo ko at binitawan ko siya. "You wait here."

"No, Nicholo!" Hinigit niya t-shirt ko. "Where are you going?"

"Kakausapin ko sila mommy at daddy."

Umiling siya at ngumiti, tumutulo parin luha niya. "Don't. Daddy's crying."

"Don't tell me you didn't oppose?" I eyed her. "You didn't."

"I didn't. Tumango lang ako at.. Lumabas." She grinned forcefully. "You know that.." She sighed.

That's her weakness. Our family. Masyado siyang mabait. Kahit pa she has every right to be a brat cause we treat her like a princess hindi niya ginagawa. Masyado niyang sinusunod si mommy at daddy. No questions asked, sumusunod lang siya. They're not taking advantage of it pero I think this is too much. "No, I'm talking to them."

Lumakad nako palabas ng kwarto. Di ko pinakinggan pagpipigil niya sakin at nararamdaman ko siyang sumusunod sakin. Binuksan ko agad yung pintuan ng office nila. Nakita kong hinahagod ni mommy likod ni daddy at umiiyak parin 'to.

"Nicholo, why?" Tumingin sakin si mommy at kay Nikita. "Nikita.."

Tumaas agad ulo ni Daddy at tumakbo siya kay Nikita. Yumakap siya dito at humagulgol. "Princess! Huhu I'm sorry."

"Mommy, what's happening? Bakit ikakasal si Nikita?" Napabuntong hininga si Mommy at tumayo ng tuwid.

"It's because of your lolo John and his bestfriend lolo Carl." Humahagulgol parin si Daddy at pinapatahan naman siya ni Nikita. "They made an oath that they will get their children to get married."

"Children? Apo na niya si Nikita. Panong--"

"First girl ng Fajardo si Nikita, Nicholo." Sabi agad ni mommy. "And wala pang babae sa side nila lolo Carl."

"Mommy this isn't---"

"It's my fault, Nicholo!" Sabi ni daddy at humagulgol naman. Bakit ba ganto tatay namin. "I promised your lolo na tutupadin ko yun! Pero kasi if you were in my position and that's your dying father's last wish, hindi ka makakahindi."

Tiningnan ko si Nikita. "It's okay, Nicholo." Sabi niya at tumango.

"Don't be mad at daddy, princess."sabi ni daddy.

"I'm not, dad. It's fine." Lumakad si Nikita papunta sakin at kinuha kamay ko. "Matulog na po kayo. Matutulog narin kami ni Nicolet."

Nagpahila ako kay Nikita papuntang kwarto ko. "Are you really okay?"

"I'm fine, go and sleep na. It's gonna be okay soon, right?" Tumango ako. Ngumiti siya. "Goodnight Nicolet."

We grew up like that, very optimistic.

Everything will be okay in the end, if it's not okay, it's not the end.

_______________________

// crush ko si Nicholo *O* chos =))

Comment po?

Gusto ko malaman reactions niyo. Hehe. Hindi po ako ganun kagaling na author kaya I want to improve. Tulungan niyo po ako. :)

- Francielle

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon