Nahigit niya ako hanggang kotse niya. Mabilis niya itong inunlock at pinasok ako sa passenger seat. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatanggi. Natatakot ako sakanya ngayon. Nakakatakot pala yung mata niya pag galit.
"Tangina, Nikita!" Sigaw niya at sinuntok ang manibela. Napangiwi ako sa sigaw niya. Hindi ako kumibo at hindi ko rin siya tiningnan kahit pa kitang kita ko ang titig niya sakin ngayon. "Putangina talaga."
Huminga ako ng malalim. Punyemas, natatakot na ako. Pwede na ba bumaba?
Hinawakan niya uli ang pulso ko at pinihit ako paharap sakanya. Nanlaki ang mata ko at umiwas agad ng tingin sakanya.
"Look at me, Nikita." Napapikit ako ng mariin sa mala otoridad niyang boses. Who the hell is in front of me right now? Hindi ko siya makilala. "Nikita, I said. Look. At. Me."
Agad akong napamulat at tumingin sakanya na para bang may sariling utak ito at sinunod si Jasper. Nanlaki agad yung mata ko sa titig niya. "What the fuck do you think you're doing out there?"
Sobrang seryoso niya ngayon na hindi ko tuloy alam sasabihin ko. Para bang wala naman gusto lumabas sa bibig ko. "Answer me, dammit!"
Ngumiwi ako. "A-Ano ba?"
Halata sa boses ko ang panginginig at takot sakanya. Sinubukan ko yun itago pero hindi ko nakaya. Biglaang nanlambot mata niya.
"Shit." Umiling siya at pumikit. "A-Are you scared of me, Nikita?"
Malumay na ang boses niya ngayon. Damn right, I'm scared.
"I'm sorry, baby." He suddenly said and pulled me in for a hug. Nanlaki mata ko sa higpit ng yakap niya. "I'm just so jealous."
Halos mangatog buong pagkatao ko sa sinabi niya. What's happening? Didn't we just break up for his ex yesterday?
Humigpit yakap niya. Nawala na ang takot ko cause of his simple hug... Kaya bumitaw ako. I composed myself. "I-I need to go."
Tumalikod na ako ngunit hinila niya ako pabalik. "No, baby, you're staying with me."
Agad niyang binuksan ang makina at pinaharurot ang kotse paalis doon. Napakapit ako sa gilid ng upuan at pumikit. "Shit, magpapakamatay ka ba?!"
"Dying beside you is such a heavinly way to die."
Umiling ako at napahawak sa seat belt ko. Putangina. Mamamatay ata kami.
Nagulat ako ng biglang bumagal yung takbo ng kotse. Nagmulat ako at tumigin sakanya.
"Joke lang, ito naman." Natatawa pa niyang sabi. Inirapan ko siya kaya mas lalo siyang napatawa. "Sungit mo."
Tumingin ako sa labas. Teka, nasan na kami? "Nasan na tayo?"
"Secret!"
Umiwas ako ng tingin. "Nasan ba si Jeanina at bakit ako ang kinikidnap mo ngayon?"
Nandilim bigla ang paningin niya at tumingin sa daan ng seryoso.
"Can you just stop pushing me away?"
Hindi ako nagsalita at tumingin nalang sa labas. Halos masubsob ako ng bigla niyang ihinto ang kotse.
"I'm doing this for you, Jasper!" Sigaw ko. "I'm letting you go."
"Sino bang nagsabi na gusto kong pakawalan moko?!" Sigaw niya pabalik. "This is bullshit, Nikita! Narinig mo bako sabihin na pakawalan moko? Hindi, diba?!"
"Pero narinig kita! Sabi mo, mahal mo pa siya!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at para pa siyang nagulat.
Lalong kumirot yung puso ko. He's guilty. Pumikit ako ng mariin.
"Now tell me, Jas, iba ba yun sa salitang 'let me go'?"
Inabot niya yung kamay ko pero iniwas ko yun. Napatingin ako sa rearview mirror... A taxi.
Tiningnan ko siya. "I'm doing this for you. Be happy, Jasper."
Bumaba nako at nagmamadaling pinara yung taxi. Kitang kita ko ang pag panic niya at pagbaba rin niya sa kotse niya. But he was too late. Naka sakay nako.
"Alis na po tayo."
Mabilis pina andar ng taxi driver and kotse, hindi na niya pinansin ang lalaking gusto ito pahintuin.
Dun na bumuhos ang luha ko. Hindi ko siya gusto pakawalan pero bakit ayun yung naiisip kong tama? Ayoko na kasi maging selfish.... Ayoko siya ikulong sakin kung hindi naman siya sakin sasaya...
__________________________
Sorry for the short update and sorry kasi ngayon lang. Super busy sa school. T^T Pero okay na kasi SEMBREAK NA! Yaaay! <3
*kaway sa mga thomasians diyan* hihi
Comment and vote please! *O*
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...