Nagyakap agad kami nila Cla, Steven at Alex. "Oh my god, graduate na tayo!"
"We're so done with this, baby!" Bulaslas ni Cla at kumembot kembot. "Sa wakaaaas!"
Tumawa kaming lahat at nagbigayan ng Graduation Gift.
"Walang iwanan, ha?" Emosyonal kong sinabi. Ganto na ata pagbuntis. Masyadong emosyonal.
Tumawa si Steven at ginulo ang buhok ko. "Tayo pa ba ang magiiwanan?"
"Hindi na, syempre!" Masayang sabi ni Alex at inakbayan kami ni Clarise.
Napunta ang tingin ko sa palapit na si Nicholo at ang paghiwalay ni Clarise samin.
"Puntahan ko lang si Carlos." Seryosong sabi niya at tumalikod na.
Iniiwasan talaga niya si Nicholo. Ngumiwi si Nicholo pero dumertso parin samin. Malungkot siyang tumingin sakin kaya niyakap ko siya.
"Congrats din, bro!" Bati ni Alex at tinapik si Nicholo.
Mas nauna kasi ang graduation niya at kaninang umaga yun. Balita ko, umalis siya agad para maka abot dito. Umalis din kasi ako pagkatapos niya makuha diploma niya.
He smiled. "Congrats din."
Nagpaalam siya at pupunta na daw siya kela mommy at daddy na kanina pa umiiyak.
Nahagip ng tingin ko si Lance na palapit samin.
"Grad gift." Sabay abot sakin ng isang paper bag. "Actually para yan sa baby mo."
Ngumiti ako at inabutan siya ng box na may cupcake. Ayan kasi grad gift ko sa halos lahat. Ngumiti rin siya pero hindi ko napigilan tumingin sa pinang galingan niya. Nakatayo dun si Jasper habang nakakunot ang noong nakatingin kay Lance. Agad siyang tumingin sa babaeng biglang humila ng braso niya. Si Jeanina.
Hindi ko alam kung namalikmata lang ako or tiningnan talaga ako ni Jeanina. Tumingin siya sakin na para bang nalulungkot siya, pinasadahan pa niya ng tingin at kabuhuhan ko bago umiwas ng tingin. Siguro tinitingnan ko kung halata ba ngayon na buntis ako. Napahawak ako sa tyan ko. I know that she knows..
**
Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko. Damn.
"Sexy parin naman kahit papano, ah?" Natatawang pangaasar ni Kuya Neo sakin.
Nandito silang dalawa ni Nicholo sa kwarto ko at hinihintay ako. Nauna na kasi sila mommy at daddy sa venue. Susunod nalang kami pero ito ako ngayon hindi mapakali.
"Kinakabahan ka parin ba, Nikki?" Mahinang tanong ni Nicholo.
Tiningnan ko uli ang sarili ko sa salamin. Naka fitted 1/4 sleeves dress ako na kulay black ngayon at sobrang halata na ang tyan ko. Mali ata nabili kong damit pero kasi nung tiningnan ko 'to parang sobrang sumaya pakiramdam ko. Feeling ko proud ako sa baby ko pag ginawa ko 'to.
Ngayon nilang malalaman lahat na buntis na ang nagiisang babae sa Fajardo. Kinakabahan ako, oo.
"Don't be, baby." Mahinang sabi ni Nicholo at inakbayan ako. "Kami bahala sayo."
Hinimas ko ang tyan ko at napagdesisyonan namin umalis na.
Dumating kami sa isang napaka engrandeng hotel. Hay nako. Akala ko ba gathering lang? Bakit parang party 'to? Sabay sabay kami pumasok nila Nicholo at sinabihan kami na sa back stage na pumasok kasi magsisimula na daw ang maliit na program.
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
UmorismoNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
