Napa-iling ako ng makita kong tatlong babae na nakapalibot kay Kuya Neo. I know he's damn handsome pero grabe, I didn't know that he was this handsome. Nakakaloka.
Maya maya pa ay dumating nadin si Clarise. Napasmirk ako ng nilapitan siya ni Nicholo pero nilagpasan niya ito at dumeretso sakin. That's my girl.
"Nagaway kayo?" Tanong ko agad pag upo ni Clarise sa tabi ko.
Tumango siya at nagshot. "Yup, pagsabihan mo yang kambal mo. Nirarason nanaman sakin yang pagiging Fajardo niya." Tumingin siya kay Nicholo at inirapan 'to. "Fajardo ka rin naman pero hindi kagaya nila. Mga baliw."
Halatang badtrip siya kay Nicholo kaya natawa ako. Lalo na nung nagpout si Nicholo.
Tumayo ako. "Mag-usap na kayo. Hindi ka titigilan niyan hangga't hindi mo siya kinakausap. Lalabas muna ako. Nahihilo ako dito."
Lumabas na ako at napabuntong hininga. Hay salamat.
"Tangina mo, Jasper!" Napalinga ako dahil sa narinig ko. Nakita ko si Jasper at Cj. Minura ba ni Cj si Jasper? Nagulat ako ng bigla niyang suntukin si Jasper, tatakbo na sana ako pero napatigil ako ng may sinabi siya. "Inagaw mo sakin si Nikita! Putangina mo!"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ano? Ako?
"Pinagbigyan na kita, Sij." Sabi ni Jasper ng naka-upo sa lapag at pinupunasan gilid ng bibig niya. "3 years. Hindi pa ba sapat yun?"
"Putangina mo padin! Nasan na yung bro code?! Putangina! Inahas mo na nga sakin nung una eh! Tas inulit mo nanaman! Akala ko ba iniwan mo na?! Bakit mo nanaman binalikan?!" Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Pero wala akong maintinihan sa mga sinasabi niya, naguguluhan ako.
Tumayo si Jasper as ngumisi. "Hindi mo ba naisip na baka tadhana na talaga ang gumawa ng paraan para kami talaga magkatuluyan?"
"Tangina mo! Akin siya!" Akmang sasapakin niya uli si Jasper nang maunahan siya nito. Bumagsak siya sa sahig at gulat na gulat na tumingin kay Jasper.
Ngumisi si Jasper. "Hindi sayo si Nikita, Kuya. Kahit kailan hindi siya naging sayo. Akin lang siya. She's mine."
Tumalikod si Jasper at naglakad palayo. Pumasok siya sa kotse niya.
Nagulat ako ng biglang magring phone ko.
Monster calling...
"H-Hello?" Na-uutal ko pang sagot.
[Nikita, can you do me a favor and meet me in my car?] Hindi ko alam kung ano pero parang may narinig ako sa boses niya na para bang gusto niyang umiyak.
Tumango tango ako kahit hindi niya nakikita. "Okay."
Tumingin ako sa paligid ko. Nasan na si Cj? Bakit bigla siyang nawala? Huminga muna ako ng malalim at tumakbo papuntang kotse niya. Binuksan ko ito at agad na pumasok. Naka-upo siya dun at nakasandal. Nakapikit din siya. Kitang kita ko ang basag na labi niya dito. Meron pang dugo dito.
"Jasper.." Hinawakan ko ang mukha niya, dahan dahan. Napangiwi naman siya kaya tinanggal ko kamay ko agad. Omg. Ang sakit nito.
"Nikita, I'm sorry." Agad agad niyang sinabi. Hindi ko alam pero para akong naiiyak. Never niya sinabi sakin yun. Kahit yung pinaka last niya akong kinausap, hindi niya sinabi sakin yun. Never siya humingi ng tawad. And I was waiting for it since that day. "I'm sorry because I broke your heart."
Nagmulat siya at tumingin sakin. "Jasper.."
"I don't deserve you." Nakita ko ang pagmumula ng mga mata niya. "I'm sorry."
Tumulo ang luha ko. Hindi ko napigilan. He looks so vulnerable. Para bang unting tulak ko lang mababasag na siya. "Stop, Jasper, it's okay."
"No, it's not." Umiling iling siya. "Alam mo bang ang sakit sakit pagsinusumbat mo sakin lahat ng ginawa ko sayo? Pero tinatanggap ko lahat yun cause I'm guilty. Kasi alam kong totoo at kasalanan ko lahat."
"Jasper.."
"Alam ko, Nikita, alam kong nandun ka nung araw na yun at ginawa ko yun para ayun pumasok sa isip mo. Ginawa ko yun para tigilan mo nako at mag move on ka na." Nakita ko ang pag tulo ng luha niya. "I'm sorry. I'm really sorry, Nikki."
**
[Carl Jasper's point of view]
"Totoo ba?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Lance. "May nangyari sainyo ni Nikita?"
"Ha?"
"Tsk, Jas, bestfriend kita kaya kahit di mo sabihin nahahalata ko. Nung una palang eh, nakikita ko na yung tinginan niyo na para bang naguusap mga mata niyo." Ngumiti siya. "Kahit pa di talaga kayo nagpapansinan."
Napabuntong hininga nalang ako. Wala talaga ako matatago kay Lance. "Ano bang gusto mo malaman?"
"Ano nangyari sainyo ni Nikita?"
Sasagot na sana ako ng makita ko si Nikita na papalapit sa dereksyon namin. Nagtetext siya kaya siguro hindi niya pa kami nakikita. Nakagawa ako ng desisyon na alam kong pagsisisihan ko buong buhay. I'm sorry, Nikki.
"Sex. Nagsex lang kami ni Nikita." Nakita kong napatigil si Nikita at napatingin sakin. Gulat na gulat siya. Gusto kong bawiin sinabi ko pero kailangan ko na panindigan 'to. "Wala naman akong gusto sakanya eh. Siya ang may gusto sakin. Tsk. Napaka-easy girl at desperada kasi niya kaya pinagbigyan ko na. Win win yun, bro. Lonely ako dahil in love padin ako sa ex ko, lonely siya kasi mahal niya pero di ko siya kayang mahalin. Pinagbigyan ko lang siya. Ayun lang naman habol ko sakanya eh."
Nakita kong tumakbo palayo si Nikita. Napabuntong hininga ako. "Bro, bakit mo sinabi yun?"
Napatingin ako kay Lance at napansin kong sobrang nagaalala siya. Alam din niyang nandun si Nikita. "Kailangan, Lance. Pero mahal ko talaga siya, bro."
"Alam ko kasi sa sinabi mo parang mas gusto mo pang papaniwalain ang sarili mo kesa kay Nikita."
**
[Nikita's point of view]
Umiyak si Jasper pero wala siyang sinasabi sakin. Ayun lang last niyang sinabi. Na alam niyang nandun ako sinabi niya sakin yun para yun pumasok sa utak ko... Pero bakit? Dahil ba kay Cj?
Kung ganun, ano talaga dapat sasabihin niya kay Lance? Hindi ko na maintindihan.
Ako na nagdrive pauwi samin at pinatulog ko na si Jasper sa kwarto niya. Hindi ako makapaniwala na kita ko weak side ni Jasper.
"Date tayo." Napatalon ako ng may nagsalita. Nakita kong nakatayo malapit sa hagdan si Jasper. Nanunuod kasi ako ngayon ng TV. Tapos narin kasi kami mag lunch at nagsibalikan na kami sa ginagawa namin. Hindi ko napansin na bumaba nanaman siya.
"Ano?"
"Sabi ko magdadate tayo kaya magbihis ka na." Tas tumalikod na siya at umakyat uli.
Did he just ask me out on a date? Ay teka, he ordered me out on a date is a much better sentence to identify it. Kupal. -___-
_________________________
// oops unting unti na po lumalabas ang katotohanan. Anong masasabi niyo ngayon kay Jasper? Mehhhh.
Comment & vote lovies! :)
- Francielle
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
