Chapter 35

10.9K 195 12
                                    

Tiningnan ko si Cla at bumuntong hiningi. I find her weird, hindi siya nagtatanong. Naka upo lang siya dito sa kama ko at naka tingin sa kawalan.

"Ano?" Tanong ko.

Para siyang nagulat na tumingin sakin. Pero binalik niya agad sa pader tingin niya. What the hell?

"Clarise! Ano?"

Tumingin siya sakin ng masama. "I'm trying hard not to ask, Nikki. Give me credits for it."

"Why don't you ask?"

Bumuntong hininga siya. "Baka kasi hindi ka pa ready magsalita."

Tumingin siya sa pinto nang bumukas 'to. I know who's here. Sino pa ba? Kambal ko, nandito girlfriend niya eh.

Nandito kasi ako sa bahay namin ngayon. Bakit pako uuwi kay Jasper? Hindi naman kami kasal o ano.

Tumingin lang sakin si Nicholo at dumeretso kay Cla. "Babe, kumain ka na?"

Pakshet naman oh. Nasan ang katarungan? Dito pa sa harap ko?!

"Tangina Nicholo, wag ka magulo. Nagcoconcentrate ako."

Halos humagikgik ako sa tawa. Winner as always, win ka talaga Cla.

"Coconcentrate saan?" Pagbaliwala ni Nicholo sa kasungitan nito at sa pagtawa ko.

"Ayoko tanungin kambal mo." Sabi niya at bumuntong hininga.

Tumingin si Nicholo sakin at nagtaas ng kilay.

"What?" Tanong ko.

"Ano bang nangyari?" Tanong niya. "Aray! Tangina naman, Cla!"

Nagulat ako ng lumipad kamao ni Cla papunta sa braso niya.

"Hindi nga ako nagtanong tas ikaw nagtanong! Pakshet ka Nic ah!"

Umiling nalang ako at tumayo.

"Hindi kami kasal, okay? Pineke nila ang lahat. Mahal niya pa ex niya. Kaya ano pa ba dapat kong gawin? Let him go, right? Ano? Okay na?" Tumayo ako at lumabas sa sarili kong kwarto.

Bahala sila mag away dun. Pumunta na ako ng kusina at naghanap ng makakain.

Nakita ko si manang na nagkakape dun. "Oh, iha, anong gusto mo?"

"Wala naman po. Ako na bahala."

Ngumiti siya sakin at tumango.

"Kasama mo ba asawa mo?" Tumingin pa siya sa likod ko na para bang may hinahanap siya.

Hindi ko alam sasagot ko kaya napa titig muna ako sakanya. "A-Ah, hindi po, e."

Umiwas nalang ako. Ayoko rin kasi mag explain ng mahaba kay manang. Siguro naman maiintindihan nila yun sa takdang panahon.

Tingnan ko na yung ref at wala naman ako mahanap na gusto ko kainin. Sinara ko nalang 'to at umakyat uli. Naabutan ko si Cla na nagcocomputer at nakahiga naman si Nic sa kama ko. Ano 'to? Guard dog?

Tae, bakit ba ang bitter ko?

Kinuha ko susi, cellphone at wallet ko.

"SM lang ako." Napatingin sila pareho sakin.

"Sama kami?" Aniya pa nila pareho.

"Ayoko!" Agad kong sagot. "Third wheel pa ko, dyan nalang kayo. O lumipat kayo sa kwarto ni Nic."

Lumabas na ako at dumeretso nalang sa gusto ko puntahan. Kakain nalang ako dun. Parang gusto ko kasi ng cake sa starbucks ngayon. Yung oreo cheesecake.

Agad naman akong nakarating ng starbucks. Hindi gaano kadami ang tao kahit Saturday na.

Napatingin ako sa cellphone ko pag upo at order ko. Walang text galing kay Jasper kasi nagpalit ako ng number. Mas maganda narin siguro 'to. Ayoko narin kasi salubungin yung katotohanan na hindi naman siya mag eexplain. Masaya na siya eh.

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon