Chapter 54:

15.3K 299 10
                                    

Last chapter before epilogue. Thank you for making it this far, please support BAD FOR YOU. Story siya ni Nic and Clarise. Thank you. :)

 

“Apollo.” She muttered. “I wanna name her Apollo.”

Pinirmi ko ang titig ko sakanya. Ngumiti ako. “Bakit?”

“Cause she’ll be like the sun for the both of us.” Ngiti niya.

She seems really happy. Ngiting ngiti siya habang hinihimas ang tyan niya. In a month, we’re gonna see our little angel. My little Nikita.

Nakita kong palapit sakin si Lance. Ngumisi siya sakin pero tinitigan ko lang siya.

“Hey bro, kilala mo si Nikita Fajardo?” Bungad niya. Nakita ko nagtaas ng tingin si Andrew.

“Kilala ko yan! Siya yung magandang sexy, diba?!” Excited niyang sabi.

Binatukan ni Lance si Andrew agad. “Gago, si Jas kausap ko.”

Umiling agad ako. “Nikita Fajardo?”

“Yes, bro!” Bumaling agad sakin si Lance na parang excited siya.

Biglaang may tinaas si Andrew. Napatingin kami lahat sa cellphone niya. Including Wade, Tina and Bryan. Era just ignored the commotion. Parang wala siyang pakielam, like always.

Nakangisi si Andrew na pinakita ang picture ng isang babae na nakangiti. She was smiling at the camera genuinely. Nakatayo lang siya habang nakadantay sa railings na narealize ko na parte ng building namin. This shot must have been taken recently. Mahaba ang buhok niya pero may wave, may kulay din ito, light brown to burgundy, perhaps? Napansin ko rin na may kapayatan siya o manipis talaga ang bewang niya.

“Stalker ka, Andrew!” Naiiritang utas ni Lance. “Bakit ka may picture ni Nikita?”

“Dude!” Sabay tawa ni Andrew. Napatingin din ako sakanya. Oo nga, bakit meron siyang picture nito? “I’m not the only one! She’s a big catch, okay? Marami nagkakagusto sakanya dito sa college natin, and even in other colleges. Hindi ‘to big deal.”

Ngumisi si Lance at bumaling sakin. “She likes you.”

Nanlaki ang mata ko at agad ko napansin ang paghampas ni Andrew sa table. “Damn dude, swerte mo!”

Ngumisi lalo si Lance nang makita ang reaksyon ko.

“Pano mo naman nasabi?” Tanong ko. Ako talaga? Why would she like me?

“I heard them talking about you.” Aniya ni Lance.

“Psh.” Sabi ko at nagiwas ng tingin.

Well, that surely caught my attention.

“Sij, sa condo ka ba uuwi ngayon?” Tanong ko sa kuya ko. Pauwi na kasi ako sa condo at gusto ko malaman kung dun siya uuwi mamaya kasi kung hindi, sa labas na ako magdidinner at hindi ko na siya hihintayin.

Luminga muna siya. “Hindi, kela mommy ko mamaya.”

Tumango ako at aalis na sana nang may lumapit samin na babae.

“Cj, magpaparticipate ka ba bukas?” Napatingin ako sakanya nang bumaling din siya sakin. “Ikaw ba, Jasper?”

Inaalala ko kung san ko siya nakita. Alam kong nakita ko na siya dati, hindi ko lang maalala kung kailan.

 “Ah, student council.” Biglaang sabi ni Cj na para bang ngayon lang niya naintindihan kung ano sinasabi nung babae.

Dun ko naalala na nag apply nga pala kami as staff dun. Hindi ko nga alam kung bakit, baka para may magawa naman ako ngayon sa college. At itong babae na ‘to ay kasali din dun. Ano nga pala uli pangalan niya?  

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon