Nakatanggap ako ng maraming regalo mula sa dumalo dun sa surprise nila Cla para samin ng baby ko.
Graduation na namin this Friday, Wednesday na ngayon at nagaayos kami ng mga final requirements though surebol graduate na naman kami. Nahihirapan narin ako itago ang tyan ko kaya mabuti nalang ggraduate narin kami. No more big sweaters! Katuwa.
"What the hell, Nikita?" Gulat na sabi ni Cla at umiling nalang. "Ang weird talaga nang paglilihi mo."
Tiningnan ko ang kinakain ko. "Masarap kaya!"
"Apple sa bagoong, really?" Sabi niya at binaba ang bag dito sa table namin. "Ang alam ko sa mangga masarap ang bagoong."
"Masarap din siya sa apple!"
Tumango tango nalang siya na para bang ayaw nalang niya makipagtalo. "May check up ka mamaya ha."
"Yup." Sabi ko sabay subo ng isang slice ng apple na maraming bagoong. Omg, ang sarap talaga.
Biglang may plastic na nilapag sa harap namin. Nagulat kami pareho ni Cla nang makita si Lance sa harap namin. Luminga pa siya ng ilang beses bago umupo sa harap namin.
"Uhm..." Umiwas siya ng tingin. "Balita ko mahilig ka daw sa fruits."
Tumango ako. "Ano 'to?"
"Fruits." Simple niyang sabi at ngumiti.
Napatingin siya sa kinakain ko at ngumiwi. "Masarap ba yan?"
"Oo! Gusto mo?" Masaya kong alok sakanya pero umiling lang siya na parang nandidiri.
Ano bang masama dito? Eh masarap naman talaga.
"Jusko, Lance, wait till you see her eat mangga." Ngiwi ni Cla. "With ketchup! Kadiri talaga."
Sinimangutan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain. Naalala ko yung plastic sa harap ko kaya tiningnan ko muna 'to.
Napatakip ako sa bibig ko.
Tumingin sakin si Cla at nanlaki ang mata. "Oh no."
Umalis agad ako at nagmamadaling pumunta ng CR. Nasalubong ko pa si JASPER! Nanlaki mata niya pero hindi ko na muna pinansin. Nasusuka na talaga ako.
Pagkatapos ko sumuka, nakita ko sa labas ng cubicle si Cla. "Okay ka na?"
"Yeah.." Naghilamos ako at lumabas na ng CR. Nandun parin si Jasper kung san ko siya nakita kanina kaya tipid akong ngumiti at nilagpasan siya.
Napansin kaya niya?
Umupo uli kami at kitang kita ko ang pag-aalala ni Lance saakin. "Ano nangyari?"
Tiningnan uli ni Cla ang plastic at nilabas ang nagpasuka sakin. "She doesn't like the smell of Bananas."
Tinakpan ko ang ilong ko at baka masuka nanaman ako. "Sorry, Lance. Sensitive ako sa amoy ng saging, ramen at pineapple."
"Sorry. Hindi ko alam." Sabi niya.
Napansin ko ang pagdating ni Jasper pero hindi siya makalapit. Sobrang pagtataka ang nakita ko sa mga mata niya nang maabutan dito si Lance.
"Lance, nanjan na si J-Jasper." Mahina kong sinabi.
Nanlaki ang mata niya at agad na tumayo. Lumapit siya kay Jasper at narinig ko ang malakas nilang batian.
"Uy, bro!" Bati ni Lance.
"Uy, san ka galing?" Mahina at seryosong tanong ni Jasper.
"Ah, ano.." Sumulyap sakin si Lance. "Kela Cla lang. May tinanong lang ako."
Umiwas na ako ng tingin at nakaramdam ng matinding pagkangulila. Hinimas ko narin ang tyan ko kasi sigurado akong miss narin siya ng baby namin. Nakakalungkot pero kailangan ko na panindigan ang naging desisyon ko. Para sakanya rin naman 'to. Para sakanila.
Napagdesisyonan kong gumala ngayon kaya ang pinuntahan kong mall eh yung malayo sa bahay namin. Gusto ko kasi gumala nang hindi tinatago ang tyan ko. It's big pero not that big. Pero halatang buntis na ako pag hindi ito nakatago. Hinimas ko ang tyan ko bago pumasok sa mall. Nagpa drive kasi ako sa driver namin kaya no curfew. Walang kapatid na naghihintay sakin ngayon. Hahaha!
Eh kung bumili na kaya ako ng unting baby clothes? Oo. Maganda yun. Pero puti ata ang pinaka maganda at safe na choice since hindi ko pa alam ang gender ng baby ko. Next week ko na ata malalaman at sobrang excited na ako. Mag fi-five months na kasi siya at sobrang nakakatuwa na kasi minsan nararamdaman ko siya.
Nagpunta agad ako sa baby clothes. May nakita akong magasawa na namimili ng mga mittens. Nakaramdam ako ng inggit sa nakikita ko. Sobrang saya nila at bakas sa mukha nila ang excitement. Mas nakakatuwa pa nang himasin ng lalaki ang tyan ng babae. Bullshit. Sobrang nakaka inggit. Hindi ko rin mapigilan malungkot. Hinimas ko ang tyan ko. Sorry, baby.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya agad ko 'tong nilabas.
"Hello?" Sagot ko nang malaman ko na si Kuya Neo ang tumatawag.
[Nasaan ka? Bakit wala ka pa daw sa bahay?]
"Mall lang saglit. Namimili ako ng damit ng pang baby." Sabi ko habang tinitingnan ang isang pink na dress. Parang gusto ko ng baby girl. Ang cute ng mga damit.
[Mag-isa?] Halata sa boses niya ang pag-aalala.
"Oo, kuya. Pero saglit lang naman ako." Sabi ko at nag angat nanaman ng isa pang dress, kulay purple naman 'to. Ang cute! "Bakit ka pala napatawag?"
[Ah, oo. Bumili ka narin ng damit mo.] Aniya. [May gathering daw sa Saturday for your graduation and Nicholo's.]
Napabuntong hininga ako. Ayoko ng mga gantong gathering. Puro kasi business partners o malalaking tao ang sumisipot dito at puro plastikan lang ang kaya nilang gawin. Mababait sila samin dahil nagpapa-impress sila sa magulang namin. At ayoko ng ganun. Masyadong pilit.
"Okay, kuya." Sabi ko at nagsimula maglakad papuntang mga bote naman. "Uuwi narin po ako maya maya. Bye bye."
[Osige, ingat ka, baby. Love you.] Napangiti ako sa ka-sweet-an ng kuya ko.
Pagbaba ko ng telepono parang may naramdaman ako na may nakatitig sakin kaya nagpalinga linga ako. May nakita akong babae na nakatali ang buhok. Napansin ko na nakatitig siya sakin pero agad siyang umiwas at naglakad nang mabilis palayo nang mapansin niyang nakatingin na ako sakanya.
Hinaplos ko ang tyan ko nang kinabahan ako.
"S-Si Jeanina ba yun?"
__
Salamat sa mga nagcomment. Lalo na kay matxtina & camileimpas <3
Makakabawi po ako sa mahabang comments niyo promise. :") May surprise ako sa lahat ng nagcocomment na mga ganun. Gagawin ko kayong ninang or something, baka extra or friend or something. Basta gagawan ko ng paraan! Promise yan. <3 Kaya thank you po talaga. :) sobrang sarap sa feeling ng mga ganung comments. <3
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
