HELLO KAY ARLENE LAGMAN! *O* Hello, baby! Thank you for all the support. Ang ganda talaga nating mag-ina. Chos. =))))
_____________________________________________________________________________
"Ano? Sakto ba?" Rinig kong tanong ni Jasper sa labas ng fitting room. Tiningnan ko sarili ko sa salamin. "Malaki?"
"Hindi, sakto lang." May binili kasi siyang long sleeves na black. Meron siyang naka tahi sa heart sa may bandang gilid na kulay light blue. Simple lang siya pero ang ganda. "Para san nga pala 'to?"
"Sige ha. Dun nalang ako sa labas." Wow ha. Salamat sinagot mo tanong ko.Yung damit kasi kausap ko baka sakaling sagutin niya tanong ko. Anak ng tinapa ka, Jasper. Hinubad ko nalang uli yung long sleeves at nagbihis.
Lumabas na ako agad at hinanap siya. Nandun uli siya sa mga long sleeves pero ngayon may tatlong sales lady na naka palibot sakanya. Ano siya? Artista? Presidente? Kailangan tatlo nang aassist?
Lumapit nako at narinig kong may tinanong sakanya yung isang sales lady. "Sir, may girlfriend po ba kayo?"
Sabay sabay silang humagikgik na parang mga biik. Nakita kong ngumiti si Jasper. Loko 'to. Gustong gusto pa niya.
"Wala." Simple niyang sagot. Wow ha. Gusto ko ibato sakanya yung long sleeves kong hawak. Landi niya, nakakainis. Gusto ko rin sakalin sarili ko sa nararamdaman ko. Fine, sige, arranged marriaged lang kasi, ganun? Putcha.
Mas lalong naghagikgikan yung tatlo. Hinimas pa nila yung braso ni Jasper. Kainis. May nalalaman pa siyang hhww pero makikipaglandian pa din pala siya.
"Impossible naman po iyon, Sir." Malanding sabi nung isa pa. "Pero sabi niyo po eh."
"Eh sir, sino po yung kasama niyo?" Tanong ni sales lady number 3. "Kapatid niyo po ba?"
"Sweet niyo naman po sa kapatid niyo." Sales lady number 2.
Kairita. Akala ko pa naman din snobero 'tong lalaking 'to. Enjoy na enjoy naman siya sa mga babaeng 'to.
"Wala akong kapatid na babae." Sagot ni Jasper at may kinuha nanaman na long sleeves. Kulay puti naman 'to.
Nagkatinginan yung mga babae. "Pero wala po kayong girlfriend?"
"Wala." Hindi naman niya tinitingnan yung mga babae pero sumasagot naman siya. Kairita parin. ULITIN MO PA TALAGA. LETCHE. LETCHE. LETCHE.
"Ehem." Lumapit nako sakanila kasi gusto ko na talaga sapakin si Jasper... Sakin daw siya ha? Letche. Sakanya nalang sarili niya.
Umurong naman yung mga babae pero tinaasan nila ako ng kilay. Dukutin ko kaya mga mata niyo? Mga sales lady pa naman kayo ng mall na 'to tas ganyan kayo sa customer.
"Ito ba gusto mo?" Pinakita sakin ni Jasper yung hawak niya. Nakangiti siyang nakatingin sakin.
"Ayoko." Masungit kong sagot.
Narinig kong nagulat mga sales lady at may bumulong pa na "Ang arte."
Nakita kong ngumisi si Jasper. "Eh yang black?"
Umismid ako. "Ayoko rin. Uuwi na ako."
Tumalikod nako at nagsimula maglakad ng may humigit sa braso ko. "Oh, bakit naman? Badtrip ka?"
Tinatanong pa ba yan?! Abnormal din 'to eh. Nakangiti pa siya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Maiwan ka dito. Uuwi na ako."
"Iiwan moko dito, babe?" Napa nganga ako ng tawagin niya akong babe. What! Tiningnan ko yung mga sales lady. Ako ba yung tinawag niya? Kailan pa kami nagka endearment na babe?! Baduy ha!!
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
