Chapter 28

16.9K 201 6
                                        

Note: Guys, may bed scene akong pinost before this chapter. Sorry pero restricted siya. So, followers ko lang makakabasa. Hindi ko ginawa 'to para maka hakot ng followers pero kasi wala akong copy nitong story ko. So kailangan ko siyang gawin kasi natatakot ako na burahin ng wattpad 'tong story. PASENSYA NA PO TALAGA. 

Pero if ever naman hindi niyo basahin, magegets niyo parin yung story. :) I assure you.

So, thank you guys. 

Keep voting! And comment after reading. :)

____________________________________________________________________________

He collapsed on top of me. "Grabe. That was..."

"Stop. Talking. Babo." I ran out of breath.

"Hey,"

"I said..."

"I love you." Napatigil ako sa sinabi niya at napatingin sakanya. "I love you so much, Nikita Elizalde. Damn. I'm so in love with you."

***

"We're going somewhere." Nginitian niya ako ng malapad. Tinaasan ko siya ng kilay. Masyado siya masaya ngayon....

At oo, alam ko kung bakit... Ako rin naman eh. Pero psh. Kainis. Kinikilig ako.

"Saan naman?" Hinawakan niya kamay ko bigla. Buntik nako tumalon sa gulat. Ang affectionate na niya ngayon.

He smiled. "Basta. Surprise."

"Surprise? For what?" Napangiwi siya at nguso. "Bakit?"

Umiling nalang siya at ngumiti. "So forgetful, babo."

"Ha? Ano ba meron?"

"Wala!" Sabi niya at tumawa. "Basta magbihis ka na. Kahit pang bahay nga lang eh. Walang kwenta if ever poporma ka pa."

Tumango nalang ako at pumasok sa kwarto ko.

"Oo nga pala!"

"Ay putcha!" Napatalon ako sa gulat at lumingon agad. Sumunod pala siya dito sa kwarto ko. Tumawa siya pero pinigilan din niya kasi sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ka nanggugulat?!"

"Hindi ko sinasadya ha! May ipapaalala lang po kasi ako." Nilagay niya sa bulsa yung dalawa niyang kamay. Taeng kapogi-an na yan! Tsk.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko na agad bago pako ma-distract.

"Ung mga gamit mo, lilipat na natin mamaya. Guest room na 'to." Tas tumalikod na siya agad at iniwan ako sa kwarto.

Aba! Sure na sure siya ha. Di man lang ako tinanong kung papayag ba ako... Not that I won't. Gusto ko lang tanungin niya ako. Pa chix lang. Mwahahaha.

**

"Ayan na, tapos nako." Sabi ko agad pagkababa ko. Naka upo siya sa sofa at may kausap sa phone pero nung narinig niya ako binaba niya yun agad at nginitian ako.

Ano yun? Bakit parang natense siya?

"Ano meron?" Tanong ko agad.

Bigla siyang tumayo. "H-Ha? A-Anong ano meron?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi kaya may babae 'to? "Sino yung kausap mo?"

"Si L-Lance." Bigla siyang umiwas ng tingin pero bago pako magtanong lumapit na uli siya sakin. "Ready?"

Marrying my heartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon