"Ano bang plano mo?" Pumunta si Cla sa likod ko at pinanuod din yung phone ko magring. "Hindi mo ba sasagutin yan? Naiirita na kasi ako eh."
"Malolowbat din yan." Iniwan ko yung phone sa table niya at humiga sa kama niya.
May isang parte sakin na natutuwa kasi tinatawagan niya ako meron namang parte na nadidismaya, naiinis at nalulungkot... Bakit ba niya ako tinatawagan? Kasi wala na si Jeanina? So ako naman? Para san pa...
"Hindi mo naman siya maiiwasan, may pasok bukas."
Tumingin ako sakanya at feeling ko naintindihan niya kung ano gusto ko iparating nang kumunot noo niya. Sa totoo lang kasi, wala akong plano pumasok bukas. Friday nanaman at next week, finals na. Last push before Christmas break. Tsaka, pag finals wala naman kami mostly magkapareho na sched since depende sa prof yun.
"Hindi ka papasok para lang kay Jasper?!"
Umiwas ako ng tingin sakanya. Nagsusungit nanaman ang bruha. "Isang araw lang. Besides, it's not for him... It's for myself."
"So, papabayaan mo ako dun? Ako kukulitin nun!"
Nginitian ko siya ng malapad. "Kaya mo naman yun. Ikaw pa!"
"Ikaw, wag mo akong binobola, Nikki." Umupo siya sa harap ko. "Ano bang pinaplano mong gawin? Hindi mo naman pwedeng iwasan siya habang buhay. Mag-asawa na kayo! Pagusapan niyo yan."
"Ayoko muna, Cla." Bumuntong hininga ako. "It's like freshmen year all over again. Same damn issue! Ex nanaman niya. Ano nanaman sasabihin niya sakin? 'Nagkita kami ng ex ko, masakit parin pala. I need more time'?!"
"Hindi pa ba sapat yung mga pinakita niya sayo para pagkatiwalaan mo siya ngayon? Ikaw na mahal niya, Nikki!"
Umiling iling ako. "Ewan ko talaga, Cla. Please wag nalang muna natin pagusapan."
Ayoko ko kasi umiyak. Ayoko muna talaga. Napatingin kami ni Cla ng biglang nagring phone niya.
"Hello? ----- O, bakit? ----- Nandito nga." Tumingin siya sakin at inabot ang phone. "Kambal mo."
Kinuha ko ang phone at nilagay sa tenga ko. Hinanda ko na ang masayahin kong boses. "Hey Nicolet!"
[Why are you there?]
"Bawal ba ako dito?" Ngumuso pa ako akala mo naman nakikita niya ako. "Porket ba girlfriend mo na si Cla, ganun?"
[It's not that, Nikita.] Narinig ko siyang bumuntong hininga. [Nandito kanina si Jas, hinahanap ka niya. May nangyari ba? Is there something wrong?]
Tumingin ako kay Cla at nagkibit balikat lang siya. "Wala naman."
[Nikita...] May halong pagbabanta na boses niya. Psh.
"Nakita ba siya ni daddy?"
[Hindi. Ako lang nandito nun. Umalis narin siya.] Buti nalang pala wala si daddy baka ano nanaman isipin nun eh. [And he's probably on his way there.]
Halos mabitawan ko yung phone ng saktong may nag doorbell sa condo ni Cla. "Shit! Don't open it, Cla."
"Bakit? Sino ba yun?" Kunot noong niyang tanong. Bigla nag form ng O yung bibig niya. "Si Jasper?!"
"Shhh!" Sabi ko agad.
[Nikita, whatever that is, ayusin niyo na.] Napunta atensyon ko kay Nicholo na nasa phone pa pala. Nakalimutan ko. Damn. [Hindi yung tinataguan mo siya.]
May nagdoorbell uli kaya nagpapanic akong tumayo. "Nicholo, just not today. Okay? Hindi ko alam kung papano eh. Hindi ko alam gagawin ko."
[It's up to you.] Simple niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
