“Nikita?” Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok. “Nikita?”
“Yes, manang?” Sabi ko at tumayo na para pagbuksan siya ng pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay may inabot siya sakin na isang baso ng gatas. Nginitan ko siya. Naging kasanayan na kasi niya ito simula nang malaman niyang buntis ako.
“Salamat po, manang.” Isasarado na sana ang pinto.
“Iha, may bisita ka sa baba.” Nakita ko ang pagngisi ni manang. “Nandyan ang asawa mo.”
“Anong ginagawa niya dito, manang?” Naiirita kong tanong.
Kakasabi ko lang kagabi na bigyan niya ako ng oras, nandito na siya agad ngayon! Ano ba naman ‘tong atat na ‘to?
“Para sayo, syempre. Ito naman.” Kinikilig na sinabi ni manang. Itong si manang, parang bata. “Kausap na niya mommy’t daddy mo.”
Nanlaki ang mata ko at nagmadaling lumabas ng kwarto.
“Iha, dahan dahan ha?” Paalala ni manang nang pababa ako ng hadgan.
Naabutan ko si Jasper, mommy at daddy sa living room na magkakasama at naguusap. Nakangiti si mommy ngunit naka ismid lamang si daddy.
Humalik ako sakanilang dalawa at matalim na tiningnan si Jasper. Di makapaghintay!
“Nikki, nandito daw si Jasper para mamanhikan.” Excited na sabi ni mommy.
Nanlaki ang mata ko. “Ano?!”
Kaya pala napaka pormal ng suot niya. Naka coat ang tie pa siya akala mo may dadaluhan na prom!
“Oo, we’re just waiting for his parents and your brothers.” Nakangiting sabi ni mommy at bumaling kay daddy. “Hoy, tumigil ka sa pagsusungit diyan, nandito fiancee at ama ng apo mo.”
Napa awang ang bibig ko. “Hindi ko siya fiancée!”
Nanlaki ang mata ni mommy sa biglaan kong pagsigaw kaya bumaling agad ako kay Jasper. “Ikaw na lalaki ka! Sabi ko sayo wag kang atat, ah?”
Tumaas ang dalawa niyang kamay nang susugudin ko sana siya. “Nikita, yung baby natin! Baka marinig niya na inaaway moko!”
Natigilan ako. “Dinamay mo pa talaga anak ko!”
“Anak natin.” Pagtatama niya kaya mas lalo akong nairita.
“Go, princess!” Napatingin ako kay daddy nang sumigaw siya ng ganun.
Mabilis siyang sinapak ni mommy sa braso. “Magtigil ka!”
Ngumuso lamang si daddy at nagiwas nanaman ng tingin saming lahat, tumitig nalang uli siya sa pader na para bang close na sila.
“Anong nangyayari dito?” Napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Nicholo. Kasunod niyang pumasok si Clarise na may nilalamutak na shawarma.
Napatingin si Nicholo kay Jasper at agad na sumimangot. Humawak agad si Cla sa braso niya. “Chill, ha? Napagusapan na natin ‘to.”
Agad na bumaling sakanya si Nic at tumikhim na lamang.
“WASSUP, EVERYBODY?!” Bumaling naman kami sa kakadating lang na si Kuya Neo. Kailangan talaga grand entrance? “Balita ko may namamanhikan ngayon, ah?”
BINABASA MO ANG
Marrying my heartbreaker
HumorNikita Fajardo - The only girl descendant of the Fajardo family. Her grandfather made an oath with his Elizalde bestfriend; an oath where they would get one of their children to marry each other but unfortunately, they both had sons. Before he lay o...
