CHAPTER 49

1K 95 15
                                    

"Richard!"

Dei bolted up from her bed the next day with a start. She looked around her. She is on her bed at the villa.

"Aba, talaga naman! Hanggang panaginip kasama mo pa rin si Sir RJ? Respeto naman sa roommate na walang lovelife dito, oh!" Halos magdamag na nga kayong magkasama..." Val grumbled sleepily from the other bed.

"M-Magdamag?!" She asked incredulously while trying to rake her brain as to what happened the previous night. The last thing she remembered is RJ assisting her to go back to the villa. She was too tired and sleepy that time. As hard as she try though she could not remember what happened after their moments at the gazebo. She looked on to Val with panic in her eyes.

"Magdamag...as in pagbalik ko dito kaninang madaling araw nadatnan ko kayong magkatabi na natutulog dyan sa kama mo. Nakaunan ka pa nga sa braso ni Sir RJ at sya naman hawak pa ang kamay mo. Nagulat nga sya nung isara ko ang pinto at nagsorry pa sya then nagpaalam agad na aalis na. Bakit may problema ba?" Val asked suspiciously.

"Ang totoo nyan, di ko alam paano ako nakabalik dito sa room. Well, obviously sinamahan ako ni RJ...pero sa tingin mo ba..." She asked tentatively not even able to complete the nagging question in her head.

"Mukha namang nagbehave si Sir RJ kagabi base sa itsura nyo pareho nung pumasok ako dito. Yan pa rin naman ang suot mo kagabi sa party, di ba? May nararamdaman ka bang kakaiba sa sarili mo?" Val asked with mild worry as she also sat up in bed, her sleepiness gone.

"Wala naman except sa slight headache. Dahil siguro sa pagod at sa wine kagabi pero other than that wala namang kakaiba. Pero ang mas inaalala ko ngayon is baka may ginawa ako or sinabi sa kanya habang wala ako sa sarili ko na di ko dapat sabihin. Konti lang kasi ang naaalala ko sa nangyari kagabi. Ano sa tingin mo, bes?" She asked in panic.

"Hindi naman siguro pero knowing how clingy you are pag nakainom biglang di na ako sure, bes!" Val answered with a grimace which made her groan out loud.

"Bes, di ko talaga maalala kung paano nangyari na dito na sya nakatulog! Mukha naman syang gentleman so ibig ba sabihin nun ako ang nagpilit na dito sya matulog?! Hala, Val! Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya ngayon?!" She wailed miserably.

"Bes, kalma! Di naman siguro sya mag-istay dito na kasama ka magdamag, at take note mukhang inalagaan ka pa nya, kung ang tingin nya sa iyo eh masama kang babae. Mabuti pa kausapin mo sya para matahimik loob mo, bes. Pero sa akin ang basa ko dyan parang nagkakagusto na rin si Sir RJ sayo! Teka lang, kinikilig ako!" Val gushed. But Dei is not convinced.

" Bes, kaibigan kita pero ilusyunada levels na yung maisip mo pa na magkakagusto din sya sa akin. Greek god yun. Para akong yaya nya kapag magkatabi kami!" She argued. Val just snorted.

"Dei, ano bang pinagsasasabi mo?! Maganda ka at matalino pa! Si Papa Uno nga hanggang ngayon hopia pa rin na mapansin mo. At di ba nga sabi mo halos MU na kayo nung magkasama kayo sa panaginip ni RJ? Malay mo may chance na maging true to life yun!" Val said. It made her remember something that RJ said last night.

"Ang totoo nyan Val, tinanong nya ako ilang beses na kung di pa daw ba talaga kami nagmeet dati. Feeling nya daw kasi matagal na kaming magkakilala. Alam mo namang napakaobvious kong magsinungaling so sinabi ko ang totoo pero pabiro lang. Ano sa tingin mo?" She asked her friend worriedly.

"Mukha namang joke nga lang ang take nya dun sa sinabi mo kung di sya nagreact negatively. Pero don't tell me na balak mo talagang umamin sa kanya na sa panaginip kayo nagkakilala dati? Girl, baka tumakbo paakyat ng bundok yun sa takot syo! Ang weirdness level ng statement na yun is so up there!" Val retorted while gesturing with her hand.

"Alam ka naman yun! Val, di ko talaga alam kung ano sasabihin ko sa kanya pag nagkita kami mamaya. Pwede bang dito na lang ako sa room hanggang umuwi tayo mamayang hapon sa Manila? Or better yet, uwi na tayo ngayon at sa Manila ko na lang gagawin yung post prod natin. Tama! Halika na mag-empake na tayo, dali!" She immediately threw the blanket off her and strode purposefully to her duffel bag and started stuffing clothes and her other stuff into it haphazardly.

"Wait lang, bakla! Baka nakakalimutan mo na may post prod meeting ka pa with Paolo and his team later today at kailangan na kayo pumili ng photos bago tayo lumuwas para maihabol sa editing ng next issue nila. Girl, ano bang problema kung magkalapit kayo ni RJ?" Val asked her making her stop what she is doing.

"Ano nga ba ang kinakatakot ko? Di nya ako kilala. Di nya ako naaalala. Ano ang pinaglalaban ko dito ngayon? Ano ba gusto kong mangyari?" She asked herself. But she knew, she's just afraid to admit it.

"Val, gusto ko kasi maalala nya yung dating kami. Ramdam ko noon kung paano nya ako inalagaan at pinahalagahan. Hindil ako sigurado sa kanya ngayon. Paano kung di kayang suklian ni RJ yung nararamdaman ko? Paano kung pagkakaibigan lang ang maari nyang ibigay sa'kin? Paano kung mahulog ako ng lubos sa kanya at di nya ko kayang saluhin? Paano na ako, Val?" She finally voiced all the fears she felt since she discovered that Richard is still alive.

"Bes, walang assurance sa life. Kahit nung Richard pa sya di ba sumugal ka rin naman? Kahit di ka sure na may future kayo ginusto mo pa ring mapalapit sa kanya? Pero iniwan ka ni Richard, di ba? Bakit ngayon takot ka kung kelan eto na at totoong tao na sya at mas may chance nang maging true to life ang lovestory nyo?" Val asked her.

"Kasi nga tao na sya! Mas nakakatakot si RJ kasi ordinaryong tao na sya ngayon. Di na sya isang panaginip lang, isang ilusyon. Dati kung kailangan ko sya, matutulog lang ako at nandyan na sya para sa akin. Pero ngayon na ordinaryong tao na sya, mas kaya na nya akong saktan at iwang tuluyan kung ayaw talaga nya sa'kin...kagaya ng ginawa ni Tatay noon." She answered tearfully. She wiped away the tears that fell from her eyes. She thought she was done crying over it years ago.

"Takot na akong maiwan..."

In The Arms Of An Angel (ON HOLD)Where stories live. Discover now