Nagising nalang ako iba na ang mundo hindi tulad ng kinagisnan ko. Ang dating magagandang tanawin ay nawala. Ang dating magulo ay mas lalo pang gumulo.
Ang mundong pinapangarap ng lahat sa isang iglap ay gumuho. Hindi alam kung paano nagsimula, hindi alam kung matatapos pa ba? May tulong pa bang darating? May pag asa pa bang makaligtas kami dito? Hanggang saan nga ba ang kaya naming gawin para lang manatili kaming buhay? Araw araw matinding takot, kaba, pangungulila ang nararamdaman namin. Sa mundong minsan naming pinangarap pero nag silbing bangungot sa totoong buhay, pangyayaring pwede palang mangyare ng hindi mo inaasahan. Minsan ba naisip ninyo din na dadating na ang katapusan ng mundo? Pero kailan? Mangyayare nga ba? Tsaka sa ano nga bang paraan? Ikaw sa anong paraan mo naiisip matatapos ang mundo?
—
A/N: Staysafe lang ang lahat sa covid19 lalo na't pataas ng pataas ang bilang ng infected nito.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...