WWZ Chapter 18

953 103 0
                                    

Nite's POV

Nandito kami sa labas ng RV hinihinatay namin sila Kat.

"Nite bakit ang tagal naman nila dapat kase ginising mo kame. Mga babae pa rin yun Nite naman." reklamo ni Gio

"Manahimik ka dyan ang sabihin mo natatakot ka baka mapahamak si Sam madrama ka masyado edi sundan mo." angal ko

Si Baby Cee nga pala ayun natutulog na kumain muna siya bago matulog gutom na gutom nga eh.

Maya maya pa may Van na paparating hindi namin alam kung sino yun kaya nagready kaming tatlo nila Lim at Gio.

Pero nagulat kami ng huminto sila sa likod ng RV namin bumukas ang pintuan ng Van lumabas si Sam umiiyak anong nangyare? Agad siyang nilapitan ni Gio puro hagulgol lang ang naririnig ko.

Lumabas na si Ryan, Jane, Elies at si Mleen na pagang paga ang mata.

Hinihintay kong lumabas si Kat pero walang lumabas kaya naman lumapit ako sa Van baka nakatulog lang.

Nang masilip ko na walang Kat.

Walang Kat na natutulog.

Wala ni anino ni Kat!

"N-Nite wala na... w-wala na si K-Kat!" utal na sabi ni Mleen kaya otomatikong napalingon ako sakanya nakita kong may tumutulong luha mula sa mga mata niya.

Parang nakisabay sa luha niya ang buhos ng ulan.

Unti unting lumalakas ang ulan hanggang sobra na ang lakas.

Ayokong maniwala, buhay siya alam ko yun buhay pa siya!

"NITE SAAN KA PUPUNTA????"

"NITE BUMALIK KA DITO MALAKAS ANG ULAN!!!"

"NITE BUMALIK KA!!!"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang makarating ako sa gubat hahanapin ko siya kung naging Zombie siya gusto ko ako mismo ang pumatay sakanya.

Pero malakas ang kutob ko buhay siya sabi niya babalik sila ng buo at kompleto pero ano na nasaan na siya.

Sabi niya poprotektahan niya ako... Kami pero nasaan na siya ngayon?

"Nite sorry." may boses akong narinig mula sa likod ko at may malakas na paghampas sa ulo ko kaya unti unti akong bumagsak sa lupa.

Nakita ko kung sino yung humampas sa ulo ko.

Lim...

Lim's POV

"Lim buti naabutan mo siya." malungkot na sabi ni Sam tumango lang ako tsaka hiniga si Nite.

"Nasaan yung tatlo?" tanong ko wala kase dito sa RV sila Jane, Ryan at Elies.

"Nasa Van sila." sagot ni Mleen tumabi siya sakin na malapit kay Nite.

"Paano mo siya napilit na bumalik dito?" tanong ni Gio nako patay na!

"Pinukpok ko yung ulo niya, wala na akong choice Gio kesa makain siya doon dahil pag aalala kay Kat." sabi ko nanlaki naman yung mga mata nila.

"Gago ka Lim lagot ka dyan." sabay sabay na sabi nila.

Anong lagot nagsorry kaya muna ako bago ko siya paluin kesa naman paluin ko muna siya tsaka ako magsorry masyado naman akong advance mag isip nun.

Nagpalit muna ako ng damit dahil naulanan na ako pinalitan na din namin ni Gio si Nite baka kase magkasaket.

Ilang minuto din kami tahimik na apat habang si Nite tulog pa rin madilim na din sa labas pero malakas pa rin ang buhos ng ulan.

"Mleen tumahan kana wala kang kasalanan walang sino man ang may kasalanan." narinig kong sabi ni Sam kay Mleen umiiyak nanaman siya.

"Sam k-kasalanan ko kung sana tinulungan ko siya edi sana... sana... edi sana b-buhay pa siya k-kasalanan ko." ngayon ko lang siya nakitang umiyak dahil mula ng makilal ko siyaaingay na Mleen ang nakasanayan ko.

Lagi lang siyang masaya lalo na pag magkakasama silang tatlo nila Kat at Sam.

"Okay kung yan ang gusto mo sige sisihin mo uang sarili mo. Mleen hindi natin alam kung nakain na talaga siya dahil base sa kwento mo nagkukumpulang Zombie lang ang nakita mo pero hindi mo mismo nakita Mleen. Kilala natin si Kat! Mleen ako ramdam kong buhay siya pero bakit ka ganyan? Bakit pinanghihinaan ka ng loob. Kung yan ang gustong paniwalaan sige. Patay na siya sige umalis na tayo dito." sambit ni Sam na pinipigilang umiyak.

Agad siyang nilapitan ni Gio para pakalmahin.

"Nasasabi mo lang yan Sam wala ka doon ng mangyare yun. Sam nasasabi mo lang yan kase wala ka doon ng mga oras na yun." sabi ni Mleen tsaka naman pumasok nasa kwarto.

Ano ba 'tong nangyayare kung hindi ba kami natulog ni Gio edi sana nasamahan namin sila, edi sana walang mawawala samin.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon