A/N: Readers 'tong chapter ng WWZ ngayon ay ipapasok ko lang sa imahinasyon ninyo kung paano nag simula ang Zombie Apocalypse gusto ko lang malaman ninyo yung side story kung bakit nga ba ganto ganya churbaness hahahah. Isa pa gusto kong bitinin kayo kung ano na nga ba ang nangyare kay Mleen magiging Zombie nga ba siya?
P.S Ang Thirdperson na tinutukoy dito ay ang maganda ninyo Author walang iba kundi AKOOOOOOOOOOOO
*****
Thirdperson's POV
Ang sakit na Ebola Virus ay minsan ng kinatakutan ng lahat. Maraming naging kampante ng mawala ang naturing na sakit, pero ang hindi nila alam mas lalo pa itong lumala na ayaw ipaalam ng gobyerno sa mga tao dahil alam nilang magkakagulo.
"Oo Scientist kami pero may karapatan din naman kaming pumalpak sapag gawa ng mga gamot." sabi ng isa sa mga pinakamataas na Scientist na gumagawa ng gamot para sa naturing na sakit.
"Nakikita ninyo naman hirap na hirap na kami bawat araw lumalala sila yung pagdurugo nila sa loob ng katawan habang tumatagal binubulok na yung laman loob nila." sabi ng isang matandang Scientist.
"Pero tingin ko may sagot nasa lahat dahil may gamot na kaming ineeksperimentuhan kung tumugma ang lahat pwede yung maging lunas sa sakit na Ebola Virus. Pero dahil na rin sa hindi kami kumbinsido hindi muna namin itinurok sa mga pasyente dahil baka magkaroon ng mga side effect na kakaiba kaya kung mamaari wag na munang ibigay sa mga pasyente dahil baka mag kagulo ang lahat." sabi ng pangalawa sa pinakamataas na Scientist hindi nila alam na may nakikinig sakanila sa labas ng opisina isa ding Scientist.
Habang nag meeting ang lahat sa isang malawak na opisina. May isang Scientist ang hindi dumalo ang Scientist na nakikinig sa usapan nila at dumiretso sa Lab para kunin ang gamot na pinag uusapan kanina ng mga Scientist.
Pagtapos niyang makuha ang gamot ay agad siyang pumunta sa isang kwarto. Lumapit siya sa kamang hinihigaan ng anak niyang butot balat na at hinang hina dahil sa Ebola Virus.
"Anak a-andito na si Papa d-dala na ni Papa ang g-gamot na magpapagaling sa iyo sa lahat." sambit niya habang hinihimas ang kamay ng anak.
Agad niyang nilabas ang injection at itinurok sa kamay ng anak.
"Gising n-na anak p-please nag aalala na si P-papa."
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...