Kat's POV
Tinatahak namin ngayon ang daan kung saan siguradong ang kumuha kila Andrei.
Matagal tagal na rin kaming nagbabyahe pero kahit anong bahay na posibleng pinagdalhan sakanila ay wala kaming makita.
"Kat." tawag sakin ni Nite habang ang atensyon ay nasa harap sa mismong kalsada kaya tinignan ko iyon.
May pagkain at tubig may karatula pa.
Tumigil kami ganun din ang iba pa. Bumaba kami ni Nite para tignan at basahin ang nakasulat doon.
"Bakit kayo huminto Kat?" tanong ni Arjay nang makalapit na samin lumapit na din sila Daniel.
"Pumunta sa Train Station o tinatawag na ngayon ng A.S Zone lugar kung saan siguradong ligtas ka at ang iba pa." basa ko doon sa nakasulat sa karatula sulat na gawa sa dugo.
"Siguradong sila ang kumuha kila Andrei." sabi ni Mleen yun din ang iniisip ko malakas ang kutob kong sila nga.
Dahil kung hindi sila edi sana bago namin makita ang karatula at pagkain na ito wala na siguro 'to.
"Saan ang pinakamalapit na Train Station dito?" tanong ni Nite.
"Ang alam ko diretso tapos liko at kanan iyon na medyo may kalayuan kase kabilang dulo yun ng Syuda." sabi ni Phil.
Tumingin ako kay Daniel.
"Tara na." agad na tugon niya sumakay na ulit kami sa kanya kanya naming sasakyan sa pagkakataong 'to si Phil at Daniel na ang nauuna sunod kami ni Nite at huli sila Marky.
Umalis kami at iniwan ang karatulang yun kasama ng nga pagkain.
Gaya ng sabi ni Phil malayo layo pa nga ang Train Station kaya halos inabot na kami ng dilim.
Naisipan muna naming magpalipas ngayong gabi dito sa kalsada.
Tulog na yung iba kami nalang nila Daniel, Arjay, Nite syempre ako ang gising.
Kahit na mukhang walang zombie dito kailangan maging handa pa din. Mamaya biglang may sumulpot ng sandamakmak na zombie dito mahirap na.
"Arjay makikita din natin sila Isha." sabi ni Nite.
"Masama ang kutob ko. Alam kong may mali sa nangyayare." bigla akong kinabahan sa sinabi niya hindi nagkakamali ng kutob si Arjay mula pa noon.
Kailangan may gawin ako.
"Kung mabait man sila hindi natin maalis na pwede nilang saktan ang mga kasamahan natin." sabi ni Daniel.
"Kung masama ang kutob mo hindi pwedeng magpalipas tayo ng gabi dito kailangan makapunta na agad tayo doon tumayo na kayo Nite gisingin mo sila Marky at Phil." sabi ko tumingin si Arjay sakin.
"Salamat Kat." sabi niya at tumayo na sila pinatay ko na ang apoy na nagsisilbing liwanag samin dahil malayo palang nakakarinig na ako ng mga ungol siguradong mga zombie yun.
Kung masasama nga ang nandoon sa Train Station na tinatawag ngayon na A.S Zone kailangan ay makita na agad namin sila Andrei.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...