Andrei's POV
Apat na araw na ang lumipas pero heto nakakulong pa din kami.
"Mamamatay tayo pag wala tayong ginawa para makalabas dito."sinilip ko sa bintana kung ilan ang nagbabantay samin.
Nasa loob kami ngayon ng isang lumang tren.
Hindi lang kaming lima ang nandito meron pang dalawa.
"Walang darating para iligtas kayo. Wala." yun lang ang sabi ng isang batang babae edad dose siguro yun.
"Gigi 'wag kang mag salita ng ganyan." mukhang magkapatid sila yung lalaki halatang kaedad ko lang.
"Pero kuya tss. Isang buwan na tayong nandito baka bukas makalawa tayo na ang kunin nila para kainin." para sa isang batang babae tingin ko napakatapang niyang magsalita.
Hindi nalang umimik yung kuya niya.
Binaling ko ang tingin ko kay Helena medyo okay an siya dahil bago pa kami ikinulong dito ay nagamot muna siya.
Hindi ko sukat akalaing mangyayare 'to akala ko tutulungan nila kami akala ko mabubuti silang tao pero mali.
Flashback.
Habang hinihintay namin sila Lim at Mleen na pumunta kung nasaan kami dahil nga umalis na kami doon sa bahay.
Ang tagal nila bago sila mapunta may isang truck ang nakakita samin.
Mabait sila sa unang tingin.
Inalok nila kami't sinabing sumama na sakanila dahil nasa kanila daw sila Daniel na ipinadala sila ni Daniel para samin.
Akala namin totoo kaya sumama kami pero mali isang patibong lang pala ang lahat.
Pagdating namin doon sa hardin nila kami dinala pinakitang ligtas at masayang mamuhay doon.
Ginamot nila si Helena.
Pinakain kami.
Hanggang sa isang babae ang lumapit samin para kunin si Baby Cee pero hindi namin binigay at tinutukan niya kami ng baril.
"Madali naman akong kausap. Yung akin lang ayoko ng pinapatagal." nanlilisik yung mata niya.
Tinignan ko lahat ng tao nanandoon lahat sila nanlilisik ang mata.
"Gusto namin ng malambot na karne ibigay ninyo samin ang batang yan." sabi nung isang matanda
Kumain sila ng tao kahit hindi sila halimaw.
"Halimaw ka! HALIMAW KAYO!" sigaw ni Isha habang tinuturo ang lahat.
"Manahimik ka babae ginagawa namin 'to para mabuhay." sabi nung babae.
This time lahat sila may armas na nakatutok samin.
"Paalisihin ninyo nalang kami para walang gulo." yun lang ang sinabi ko at pinalayo sila Erika sakanila.
"Hindi pwede pagkain na namin kayo ngayon. Sige isama yan sa dalawang nandoon sa tren siguraduhin hindi makakatakas ang mga yan." sabi nung babae at dinala kami sa isang lumang tren.
Ikinulong kami.
Paano na kami?
Mahanap kaya kami nila Daniel.
.............
End of Flashback
Ang tanging kailangan naming gawin gumawa ng paraan para mas humaba pa ang buhay namin at hindi kami machopchop ng mga yun.
Lumapit ako kay Erika na pinapatulog si Baby Cee.
"Hindi tayo dapat nandito. Hindi tayo ligtas dito." sabi ni Erika
Kinuha ko si Baby Cee at sakin ko ikinalong.
"Maniwala ka lang darating sila para satin." sabi ko
Naniniwala akong darating sila at ililigtas kami.
Si Isha parang kalmadong kalmado lang sa nangyayare.
"Isha okay kalang ba?" tanong ko dahil nasa harapan lang namin siya ni Erika katabi si Helena.
"Okay lang ako bakit?" nakangiting tugon niya
"Paano mo nagagawang ngumiti sa sitwasyong mong ganto Isha." tanong ni Erika na para bang nagtataka na din sa ikinikilos ni Isha.
"Hmm. Alam kong darating si Arjay para iligtas ako. Darating siya at sigurado ako doon." biglang sumeryoso ang mukha niya at tumingin sa labas ng bintana.
Halatang mahal na mahal nila ang isa't isa napakaswerte nila.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...