Sam's POV
Pinatulog ko muna si Baby Cee habang hinihintay matapos sila Andrei maligo. Naka upo naman si Daniel habang kami naka upo din sa harap niya maliban pala kay Nite na nakatayo sa gilid ni Kat at nakahawak sa balikat nito.
Ilang minuto lang ay bumaba sila Andrei nakaakbay nanaman si Andrei kay Erika ganyan naman sila palagi.
Yung nangyare kanina hindi pa nag sisimulang umatake ang mga kasamahan ni Dugo o hindi pa nakakapasok ang Zombie dalawa na agad ang namatay masakit para samin yun.
Siguradong matinding takot ang nararamdaman ng iba bukod samin.
"Nasa labas lang sila." biglang sabi ni Daniel kung kanina para siyang taong gubat ngayon bumalik na ang dati niyang itsura.
"Hindi na sila ganun karami tulad ng dati noong nasa Kapitolyo pa kayo... tayo." wala kaming imik habang sinasabi niya ang mga yan.
Walang gustong magsalita walang gustong magtanong.
"May napatay akong dalawa sakanila habang papunta ako dito."
"Saan ka dumaan Daniel?" tanong ni Kat.
Oo nga saan nga ba dumaan si Daniel?
"May ginawa kami ni Helenang daan kaming dalawa lang ang nakakaalam nun madalas doon ako dumadaan sa likod yun ng Kapis." doon pala kaya pala madalas nandoon si Helena sa likod ng Kapis baka hinihintay niyang dumating si Daniel.
May mga kinuwento pa si Daniel habang hinihintay namin ang mga pinakuha niyang armas doon sa Kapis.
Tinanong ni Lim kay Daniel kung ano plano pero walang ibang sinabi si Daniel kundi ang "Plano ang sisira sa sariling plano ganun lagi ang nangyayare kaya mas maganda kung walang plano."
Kanya kanyang tango nalang kami tsaka tumayo si Daniel at pumunta doon sa kwarto ni Helena habang kami naman lumabas para icheck kung okay pa ba ang lahat.
Nag paiwan si Erika at Andrei hihintayin daw nilang magising si Baby.
Nauna si Kat at Nite sa tarangkaran habang sila Mleen at Lim ay inutusan ni Kat na mag impake ng mga gamit namin at dalin sa RV.
Kailangan handa kami kung sakaling lisanin namin ang lugar na ito.
Kami naman ni Gio pinupuntahan namin ang bawat bahay para sabihan ang mga ibang tao dito na mag handa huwag lalabas ng bahay o manguha ng sapat na supplies at mga armas hanggang sa di pa nagiging okay ang lahat.
Habang naglalakad kami papunta sa tarangkarahan.
"Wag ninyo ng balaking pumalag kundi dito palang babawian na kayo ng buhay." hindi kami nakagalaw ni Gio dahil sa baril na nakatutok sa likod namin.
Tumingin ako kay Gio natatakot ako.
Kat tulungan mo kami.
"Sssh... magiging okay lang ang lahat." sabi ni Gio bago kami balutin ng itim sa ulo sana may nakakita sa nangyare samin.
Nakapasok sila, nakapasok sila ng hindi namin namamalayan.
May pinaamoy sila sakin para tuluya na akong mawalan ng malaya.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...