Sam's POV
"HINDI KO NGA MAINTINDINAN KING INA IPAINTINDI MO SAKIN NITE! MAMAMATAY BA SIYA? MAGIGING ZOMBIE BA SIYA? KING INA ANO." hindi ko na mapigilan sumigaw ng sabihin ni Nite na nahawa si Kat ng sakit na at nakakulong sa baba.
Naguguluhan ako una si Mleen ang nag aagaw buhay sunod si Kat ano ng gagawin namin kung lumalala ang lagay ni Kat?
"Pare anong nangyare hindi ba kakalabas ninyo lang kanina okay naman siya nun?" tanong ni Gio
"Kanina kase bago kami lumabas umubo na siya sabi niya nasamid lang daw siya. Tapos habang patagal ng patagal namumutla na siya sa tuwing tatanungin ko kung okay lang siya lagi niyang sagot 'Okay lang ako' o di kaya tatanguan ako. Nung makita namin si Doctor Henje nakita kong lumalala yung pag kaputla niya. Tapos ng makababa kami doon na namin nalaman na marami na palang may sakit kagabi lang ata sila nag pakita ng sintomas simpleng ubo na pwedeng lumala pwede kang magkaroon ng sakit ganun. Naramdaman ko na may humawak sakin nakita ko si Kat hinanang hina na tapos ayun hinimatay tinignan siya ni Doc. Henje doon na niya sinabing na posible o nahawa na nga si Kat kaya pinasok na siya sa loob ng kulungang may pader na salamin." paliwanag ni Nite halatang nag aalala siya
"G-gusto kong m-makita si Kat." mahinang sabi ni Mleen
"Sige puntahan natin siya." sabi ni Nite
Pinasan ni Lim si Mleen ako naman hindi mapakali kase naman baka kung anong mangyare kase Kat.
"Hey. magiging okay din ang lahat malakas si Kat alam kong alam mo yan." sabi ni Gio sabay nginitian ako tumango nalang ako sabay sabi ng...
"Parang kapatid ko na si Kat kaya di mo maaalis na mag alala ako sakanya paano kung hindi na siya gumaling?" tanong ko hinawakan niya naman ako sa ulo.
"Positibo lang." seryosong sabi niya
Hindi nako nag salita sinundan ko nalang si Nite.
Pag dating namin doon gusto kong umiiyak nakita ko si Kat sumusuka ng dugo kaya agad akong napalapit sa salaming pader merong butas doon kaya lang maliliit sapat na yun para mag karinigan kami.
Ubo siya ng ubo habang may matandang umaalalay sakanya.
"Doc. Henje bakit nagkakaganya si Kat?" tanong ni Nite kay Doc. Henje
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...