WWZ Chapter 31

585 79 0
                                    

Kat's POV

Nang bumilang ako ng tatlo magkaiba direksyon kaming tumakbo ni Nite mas maraming humahabol sakin kesa sakanya sana lang ay makatakas siya.

*BANG*

Shit! ano g na g namapatay ako?

*BANG*

Fuck! isa pa 'tong shokoy na 'to?

*BANG*

Sige baril pa!

*BANG*

Paulanan ninyo na kaya ako ng bala?

*BANG*

"AAAAAAH!" sigaw ko ng daplisan ako sa binti dahil doon ay napaluhod ako ng di oras.

"Hahahahah ano takbo pa." sabi nung lalaking long hair.

P*tang ina napapalibutan na nila ako!

May lumapit saking isang babae.

"Ssssh... Kailangan mo lang matulog." bulong niya at may pinaamoy sakin nagpupumiglas ako hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Andrei's POV

Gabi na ng makarating kami sa lugar na sinabi ni Daniel.

"Tao po? May tao ba dyan pinadala kami ni Daniel dito. Hihingi sana kami ng tulong." sabi ni Erika pero mukha walang tao.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid may mga rehas ang bintana.

"Kuya Andrei nagugutom na ako." sabi ni Baby Cee sakin ginulo ko naman ang buhok niya "Baby wait lang ah?" sabi ko lumapit ako sa pintuan.

"Ako si Andrei kaibigan kami ni Daniel sinugod kami ng grupo ni Dugong kailangan namin ng tutulong samin hawak nila ang mga tao sa lugar na yun." sabi ko habang kumakatok pa doon.

Pero wala talagang sumasagot.

"Andrei wala atang tao wala na tayong pag asa iniwan natin sila doon habang tayo tumakas para makaligtas." sabi ni Erika nilapitan ko naman siya pati si Baby Cee.

"Sssh... Magiging okay din ang lahat matatalo natin si Dugong kaya natin 'to." pag papakalma mo sakanyan tumango tango naman siya at napatingin sa likod ko.

"Andrei?" boses ni...

"Arjay?" gulat na banggit ko hindi ako makapaniwalang buhay siya at nandito siya sa harap ko.

"Pumasok kayo bilisan ninyo." sabi niya kaya agad kaming pumasok.

Pagpasok namin sa loob hindi lang siya nag iisa apat sila.

"Isha? Marky? Phil?" di ako makapaniwalang buhay sila? Paano sila nakatagal?

"Andrei ikaw nga pare!" sabi ni Phil at Marky nakipagkamay sila sakin.

"Andreng buhay kapa pala?" maloko talaga si Isha boyfriend niya si Arjay hindi ko lang sure kung sila pa dahil matagal na rin mula ng magkita kami.

"Kayo pala ang sinasabi ni Daniel na makakatulong samin." sabi ko "Kami din eh kinukwento kayo ni Daniel samin pero hindi naman namin alam kayo pala yun hahahaha." sabi ni Marky.

"Nga pala eto si Erika girlfriend ko at si Baby Cee." pakilala ko kila Erika at Baby Cee "Anak ninyo?" apat silang nag tanong.

"Kila Kat at Nite yan di samin." biro ko alam ko kase may gusto si Marky at Phil kay Kat.

Nakita ko namang nanlaki ang mata nung dala sabi na eh hanggang ngayon may gusto pa din sila kay Kat.

Malas ninyo nalang may Nite na yun.

"Bakit nga pala kayo pinapunta ni Daniel dito? Nung isang araw pa siya umalis dito hanggang ngayon di pa na balik kaya binabalak na talaga naming pumunta sa lugar ninyo bukas kaya lang nandito na kayo ngayon kaya mukhang nasa malaking gulo kayo." sabi ni Isha si Erika naman ang kausap niya habang ako pina upo ko si Baby Cee at binigyan ng makakain.

"Anak kaba talaga ni Kat?" tanong ni Marky kay Baby Cee.

"Opo." sagot ni Baby Cee nanlumo naman si Marky loko talaga.

"Nagmamahalan ba sila?" tanong naman ni Phil tumango tango naman si Baby Cee.

Iniwan ko muna sakanilang dalawa si Baby Cee nag tuturuan pa kung sino magbabantay dahil di daw nila kayang bantayan ang anak ng pinakamamahal nilang si Kat.

Lumapit ako kay Arjay may inilabas siyang mga baril bomba at kung ano ano pa.

"Bukas na bukas ililigtas natin sila." sabi ni Arjay

Ano kayang magiging reaksyon ni Kat, Mleen at Sam pagnakita kita sila?

Maligtas kaya namin sila ng walang namamatay?

Kat hintayin ninyo lang kami ililigtas namin kayo.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon