WWZ Chapter 7

1.7K 127 8
                                    

A/N: Dito na po ninyo malalaman kung ano ng mangyayare sa isa sa mga bida. Kung magiging Zombie ba siya agad? Mawawala na ba siya sa istorya 'to hahahaha.

*****

Lim's POV

Anong gagawin namin habang tumatagal lumalala si Mleen.

"Ano na mag isip kayo ng paraan namumutla na si Mleen." sabi ni Kat.

"Hospital? kailangan nating pumunta sa hospital." sabi ni Sam

"Paano kung pati hospital wala na din paano kung Zombie ang sumalubong sa atin doon?" tanong ni Gio napatingin ako kay Nite parang may hinahanap siya.

Tingin ko na raramdaman niya ding may nakamasid samin.

"Talian ninyo yung kamay para mapigilan yung pag tulo ng dugo at kailangang matanggal ang bubog na bumaon sa braso niya. Hindi nga siya nakagat pero pag naubusan siya ng dugo mamamatay din siya." sabi ni Nite lumapit siya kay Kat at kinuha yung panyo ni Kat.

Lumapit siya kay Mleen at tinalian yung braso ni Mleen. Tama si Nite hindi nga siya nakagat pero pag naubusan siya ng dugo pwede siyang mamatay.

"Lim tingin mo ilan nakamasid satin?" tanong niya kala ko di niya na itatanong yun sakin eh.

"Isa lang nakita ko siya pero tingin ko hindi niya napansin dahil sa iba siya nakatingin." sabi ko at binuhat na si Mleen kailangan namin siyang dahil sa hospital.

"Wag mong aalisin ang mata mo kay Kat." sabi ko hindi naman niya na gets.

Habang nag lalakad kami papunta sa syudad tahimik lang walang may gustong mag salita.

Alam kong sumusunod pa din yung lalaking yun samin.

"Mmmmmmmmmm..."

"Wag kayong lalapit."

Nalintikan na hawak na niya si Kat.

"Aray ko naman!" reklamo ni Kat parang wala lang sakanya yung nangyayare.

"Sorry napag utusan lang ako." sabi nung lalaki at tinutok yung kutsilyo kay Kat.

"Pag sisisihan mo yan." sabi ni Sam ano daw hindi ko na gets

Nakita ko kung paano inapakan ni Kat yung paa nung lalaki at hinampas yung kamay dahilan para tumalsik yung kutsilyo agad naman yung kinuha ni Gio si Nite naman hinawakan yung lalaki sa kamay at inilagay sa likod sabay pinaluhod.

"Anong kailangan mo samin?" tanong ni Nite sabay tutok ng kutsilyo sa leeg.

"Aray." angal nung lalaki "Sino ka at sino yung sinasabi mong nag utos sayo." tanong ni Gio habang si Sam naman nakikipag daldalan kay Kat yan parang hindi nanganib yung buhay.

Si Mleen naman mas lumalalim ang pag hinga niya.

"Mag sasalita ka o dadaanin namin sa dahas?" pananakot ni Kat namutla naman yung lalaki.

"Ako si Keo, m-may ligtas kaming lugar m-malapit lang dito napag utusan akong dalhin sa lugar namin para tulungan kaming lumaban sa Zombie. Syempre h-hindi naman basta basta ko nalang dadalin sa lugar na yun dapat yu-yung susubukan ko muna dahil hindi sa panahon ngayon bawal na ang duwag kaya ginagawa ko yun. Ilang araw na akong hindi bumabalik sa amin para lang humanap ng survivors.
Mukhang tama naman ako dahil nakita ko sa mukha ninyo ang tapan- - - - - ARAYYYY nag sasabi ako ng totoo." sabi nung lalaki mukhang nag sasabi naman ng totoo kaya binitawan na ni Nite.

"Hindi kami sasama sayo kailangan naming dalhin ang kaibigan namin sa hospital may hiwa siya at patuloy ang pag daloy ng dugo doon." sabi ko at akmang aalis na kami ng may sinabi siya.

"Wala ng maayos na hospital sa syudad lahat yun wala na." walang emosyong sabi niya.

Kung wala na paano si Mleen?

"Kung sasama kayo sakin matutulungan ko kayo may Doctor samin pwede niyang gamutin yang kaibigan ninyo." sabi niya kata tumingin ako sa mga kasama ko.

Tumango naman sila dahila alam nilang kailangang magamot ni Mleen.

"Saan ba ang lugar na sinasabi mo?" tanong ni Gio

"Sa gitna ng gubat na yan, isang kulungan ang nandyan dahil wala ng tao doon yun ang ginawa naming lugar para sa lahat ng nakaligtas." sagot niya hindi na kami nag alinlangang sumama dahil kailangang magamot ni Mleen.

Sana lang mapagkakatiwalaan ang lalaking 'to.

"Pag kami nalaman kong niloloko mo papatayin kita." sabi ni Kat nakakatakot naman ang isang 'to.

Sana maligtas nila si Mleen.

"Sige." matapang na sagot nung lalaki sabay lapit sakanya humarang naman si Nite.

"Lumayo ka nga!" bwiset na sabi ni Nite tsk tsk tsk.

"Mmmmmmm.." narinig kong ungol ni Mleen konting hintay pa Mleen magagamot kana.

Ilang sandali pa nakarating na kami sa lugar na sinasabi nung lalaki.

Nagulat kami! Bakit ganto?

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon