Gio's POV
Mabilis lumipas ang araw kalahating buwan na din ang lumipas dumating ang araw na wala na kaming supplies ng pagkain.
Kinailangan naming pumunta sa isang Supermarket para kumuha ng mga supplies.
Kung gusto ninyo malaman kung anong lagay ni Kat? Buong akala namin hindi na siya magigising dahil isang linggo siyang tulog.
*Flashback*
Nasa iisang RV lang kami dahil nasira na ang isang RV na ginagamit namin.
Habang busy kami sa pagkain bumukas ang kwarto kung saan naroon si Kat.
"T-tubig b-bigay ninyo k-ko ng t-tubig!" paos na sambit ni Kat na nakadungaw pa sa pintuan.
Kaya sabay sabay kami napa...
"Kaaaaaaaat!!!!!!!!!!!!!!!!" at dinumog namin siya ng yakap.
"B-bitaw *cough* hindi a-ako makahinga p-putek n-nayan." naiinis na sabi ni Kat pero wala kaming paki alam yumakap pa din kami sakanya.
"T-teka ano b-bang nangyare s-sakin at parang miss na m-miss ninyo ko?" tanong ni Kat
"Hindi ka nagising ng halos isang linggo huhuhuhu T______T aymesyow Kat." naiiyak na sagot ni Sam
"Ah." kanya kanya kaming bitaw sakanya ng isagot niya yung 'Ah.' parang wala lang sakanya yung nangyare normal lang ba yung makatulog ka ng isang linggo?
"Anong 'Ah.' king ina mo ka halos manlumo kami dahil hindi ka magising gising alam mo bang pinagplanuhan nanamin na ilibing ka kahit humihinga kapa inang 'to bumalik kana nga lang sa loob ng kwarto matulog ka ulit lintek na." walang prenong sermon ni Mleen kaya natawa kami.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...