WWZ Chapter 33

590 67 5
                                    

Nite's POV

Kilala ko na yung tatlong kasama ni Andrei sila si Phil, Arjay at Marky

Nakadungaw kami ngayon sa pintuan sinisipat namin sila Kat kung ano ng ginagawa nila Dugong sakanila.

Kita naming naka luhod sila at nakatali ang kamay sa likod habang napapalibutan nila si Dugong mag isa walang tauhang naroon kundi si Dugong lang at sila Kat.

Hindi namin alam kung anong gagawin namin kung paano kami bubwelo papasok doon dahil alam naming nasa labas lang ang kasamahan niya nag hihintay na papasukin sila ni Dugong.

"Pumili ka Daniel sinong ililigtas mo si Helena o ang mga kabataang 'to? Hindi ba't nagawa mo naman na noon 'to diba yung iligtas sila yun nga lang hindi sabay." sarkastikong pananalita ni Dugong.

Galit na hinatak ni Dugong si Daniel habang nakaluhod ang lahat sa harapan niya inaambahan niya ito pero hindi niya tinutuloy.

"Yan pala yung Dugong na kinukwento ni Daniel na matindi niyang kaaway at kalaban ninyo." sabi ni Arjay tulad ko naka masid lang din sila sa kung anong pwedeng mangyare.

Natatawang tumingin si Dugong sa grupo nila Kat na nakaluhod.

"Mukhang may kulang sainyo ah? Nasaan yung tatlo?" na pa ngiwi si Dugong siguro ay hinahanap niya kami nila Erika, Andrei

"Oh talaga edi hanapin mo tutal mukhang miss na miss mo sila eh." matapang na sambit ni Kat sabay irap isang malakas na sampal naman ang iginanti sakanya ni Dugong napadura si Kat dahil nalasahan niya ang dugo na nang gagaling sa labi niya.

"Putang ina mapapatay ko yang Dugong na yan." sabay na sambit nila Phil at Marky.

Ano pa ako gustong gusto ko ng patayin yan.

"Alam mo makalaya lang ako dito sa pagkakatali mo sapak ka sakin." seryosong sambit ni Kat.

Lumapit naman sakanya si Dugong sabay...

*BOGSH*

Paanong?

"Sabi ko naman sayo makalaya lang ako dito sa pagkakatali at sapak ka sakin." nakangising sabi ni Kat napangiwi naman si Dugong dahil sa lakas ng pagkakasapak ni Kat sakanya.

"Hayop kang babae ka!" galit na sabi ni Dugong kumuha siya ng baril at itinutok sa ulo ni Kat.

Nakatalikod si Dugong mula sa direksyon namin kaya walang alinlangan kong binukasan ang pinto at tinutukan din siya ng baril sa ulo.

"Sige subukan mong iputok yan at sasabog yang ulo mo ngayon mismo." seryosong sambit ko ganun din sila Andrei.

Napatingin si Dugong samin ngiting ngiti.

"Kita mo nga naman lumapit ang daga sa pain may kasama pang tatlong bugwit anong laban ninyo niyan." nag taka ako dahil pag talos niyang sabihin yun ay sumipol siya agad namang pumasok yung mga kasama niya may dalang mga baril.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon