WWZ Chapter 10

1.4K 125 5
                                    

Katrielle's POV






K I N A B U K A S A N


Nagising kami dahil nagkakagulo ang lahat.

"Anong nangyayare?" tanong ni Sam habang kinukusot ang mata.

*cough* *cough* *cough*

May babaeng umuubo malapit sa amin nagulat ako ng sumuka na siya ng dugo.

"T-tulungan ninyo a-ako." pagmamakaawa niya agad naman kami napaurong dahil papalapit siya samin.

"NITE ISARA NINYO ANG SELDA NINYO NGAYON NA." sigaw ni Keo kaya tulad ng sinabi niya sinara na nga ni Nite yung selda namin para hindi kami malapitan nung babae.

"Miss sumama ka sakin kailangan mong magpatingin kay Doctor Henje." malumay na paki usap ni Keo lumapit naman sakanya nung babae inalalayan naman niya papunya kay Doctor Henje siguro.

"Ano bang nangyayare kahapon umuubo lang ngayon sumusuka na ng dugo." palaisipang sambit ni Gio

"Pamilyar 'to sakin." biglang sabi ni Lim kaya napatingin kami sakanya.

"Gantong ganto yung nangyare sa The Walking Dead di ko alam kung anong season yun di ko sigurado basta ganun tapos ganto din nasa isang kulungan din sila. Nagkaroon ng isang sakit tapos mahahawa ka kung matalsikan ka ng dugong isusuka nila o di kaya ay maubuhan pamamaga ng kalaman ang magiging sanhi nun kaya hanggat maaari wag tayong didikit sakanila. Dahil pwede tayong maging Zombie pag hindi kinaya ng katawan natin." paliwanag ni Lim

"Si Mleen gising na." sabi ni Sam kaya agad kaming napatingi. sa direksyon niya unti unti ngang dumidilat si Mleen.

Napatingin ako kay Nite kase kanina pa siya walang imik. Kaya habang kinakamusta nila Lim si Mleen lumapit ako kay Nite at tinapik ang braso niya.

"Lalim ng iniisip natin ah?" biro ko tinignan naman niya ako saglit sabay tingin sa labas ng selda namin.

"Delikado na sa lugar na 'to lalo na ngayon nakakahawa ang sakit na nararanasan ngayon dito sa loob ng kulungan. Pag lumabas naman tayo gagawin tayong pagkain ng mga Zombie naguguluhan na ako kakaisip kung meron pa bang ligtas na lugar." bakas sa pagsasalita niya nag galit.

Mag sasalita sana ako kaya lang.

*cough* *cough* *cough*

"Kat." mahinang sambit ni Nite kaya napatingin silang lahat sakin pati si Mleen nakita kong nakaupo na sa kama.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon